CHAPTER 15

6.2K 335 58
                                    

❦❦❦

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❦❦❦

Hindi alam ni Ellis ang aksyon na gagawin, halo-halo ang mga pumapasok na tanong sa isipan niya.

'Bakit nasa mundong ito si Justine? Na reincarnate din ba siya? Teka bakit parang mukha siyang aristocrats?'

At marami pang katanungan na umiikot sa utak niya habang papalapit sakaniya ang binata na may pagtataka.

"Pagpaumanhinan niyo ako lady Ellis, hindi na ako nakapagbigay ng abiso sa pagdalaw ko ngayon. Dumaan lang ako upang batiin ka." Agad na tumayo si Ellis at sinuri ang buong itsura ng kalaki sa harap niya.

Kamukhang kamukha ito ng Justine na kilala niya, yung kaoffice mate niya na nais manligaw sakaniya at nagbigay ng bulaklak bago ang aksidente niya. Bukod sa parang pinagbiyak na bunga ang mga mukha nila ay pati boses at katawan nito ay pareho, maliban lang kulay ng mga mata nito.

Ang mata ni Justine ay purong itim, galing itong silangan kaya naman itim na itim ang mata nito. Ganoon din ang buhok nito na parang walang hanggang kadiliman ngunit ang Justine na nasa harap niya ay kulay berde ang mata at may brown na kulay ng buhok.

"Ah, hindi pa pala ako nakakapagpakilala," Sabi nito habang nahihiya sa mga ginagawang titig ni Ellis sa buong pagkatao niya.

"Greetings my lady, Alexis Bolton from house Blakesly. Ikinagagalak ko po kayong makilala Lady Ellis," yumuko ito at inabot ang kamay ni Ellis sabay halik dito at bigay ng mga bulaklak.

"Pagpaumanhinan niyo na my lady, kung pitas pa ang mga iyan sa mismong bakuran mo hahaha," napakamot ito ng ulo sa hiya ngunit patuloy pa ding tulala si Ellis.

Kakakilala niya lang kay Lucille na matagal niya nang pinaghahandaan na dumating, hindi pa tapos ang pagkagulat niya sa mga pangyayari na iyon ngunit ngayon ay nasa harap niya naman ang kamukha ng manliligaw niya na mismong magiging fiancé niya balang araw.

"Ahh—" napasabunot na lang siya sa kaniyang ulo at hindi alam kung ano pa bang tumatakbo dito.

"Ayos lang ba kayo Lady Ellis?" Natatarantang tanong nito sa dalaga at kumalma naman si Ellis at huminga ng malalim na kinagulat ni Alexis.

Hindi niya alam na medyo weirdo pala ang babaeng papakasalanan niya, ngayon lang siya nakakilala ng babaeng sisigawan ka sa unang pagkikita niyong dalawa.

"Wait lang, kinakalma ko lang ang sarili ko." Tumango si Alexis at nagbigay galang naman si Ellis sakaniya ng mahimasmasan ito.

"Lady Ellis Mc Allister, kinagagalak kitang makilala Sir, Alexis." Ngumiti ang binata sa kagandahan na dala ni Ellis, ngayon lang siya nakakilala ng kakaiba ngunit mukhang napanganib na babae sa buong buhay niya.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon