CHAPTER 14

6K 326 93
                                    

❦❦❦

Nakapila na ang higit kumulang isang daang libong kawal na sasama sa digmaan, handa na ang lahat upang sumalang sa gera ngunit ang mismong heneral na nakahalal sa labanan ay mukhang hindi mapakali.

Pawang balisa at palingat lingat si Marshall sa bawat sulok ng paligid. Hinahanap ang pinaka paborito niyang babae na si Ellis, prinsesa na nais niyang makita bago man lang siya umalis.

Napahawak siya sa kwintas na ibinalik ni Ellis upang maging lucky charm niya, ilang minuto na lang ay aalis na sila para makipaglaban ngunit ni anino ng prinsesa ay hindi niya maaninag.

'Nagalit ba siya sa'kin? May pangyayari bang hindi maganda sa kaniya? O ayaw niya lang talaga ako makita?'

Mga bagay na umiikot sa utak niya, alam niyang kailangan niya pagtuunan ang nalalapit na labanan ngunit hindi naman siya mapakali dahil isang linggo niyang hindi nakikita ang dalaga.

"At ngayon ay magbigay pugay tayo sa magigiting natin mga kawal! Ipanalangin natin sa panginoon ang kanilang maayos na pagbabalik," sigaw ng Emperor at malakas na umugong ang trumpeta kasabay ng sigawan ng mga tao sa bayan.

Isa-isang umandar ang mga karwahe at nagmartya ang mga kawal, sumunod si Marshall na nakasakay sa isang itim na kabayo kasama ang iba niya pang Heneral.

Sa huling sandali niya sa palasyo ay hindi niya na nasilayan pa ang mukha ni Ellis, ngunit naging positibo na lang siya at inisip na kailangan niyang bumalik ng buhay upang makita ang prinsesa.

Iyon na ang huling araw nila upang magkita, ngunit lumipas ang apat na taon at patuloy pa ding nasa labanan si Marshall at si Ellis naman ay sumapit na sa tamang edad.

❦❦❦

4 Years Later

"Asan ba ang crown prince na 'yun?" Hanap niya sa kuya niya habang naglalakad sa isang mahabang pasilyo sa loob ng Mc Allister palace.

"Ba't ba kasi ang hirap hanapin ni kuya Argus? Sumasakit na ang mga paa ko sa lawak ng palasyo na ito," na isip niya na sa dami ng kaganapan na pangyayari sa lumipas na taon ay hindi niya pa din saulo ang bawat sulok ng palasyo.

Lumiko siya sa isang pasilyo, nagbabakasakaling nasa mga pintuan na nakahalerang ito nagtatago ang kuya niya. Ngunit agad na napukaw ang atensyon niya nang makita ang isang babaeng naglalakad papunta sa dereksyon niya.        

May mahabang kulay pilak itong buhok at gigintuang kulay ng mga mata, para siyang hinihipnotismo ng kagandahan nito kahit na siya mismo ay isang babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May mahabang kulay pilak itong buhok at gigintuang kulay ng mga mata, para siyang hinihipnotismo ng kagandahan nito kahit na siya mismo ay isang babae.

Halos malaglag ang panga niya nang mapagtanto kung sino ang babaeng nasa harap niya. Tumingin ito sa kaniya at yumuko sabay bati ng—

"Magandang hapon po Lady Ellis," napaurong siya sa kinatatayuan nito na pinagtaka naman ng babae.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon