CHAPTER 26

4.4K 252 38
                                    

❦❦❦

Masukal na damot at matatayog na puno ang pumapaligid kay Marshall habang kasama niya ang iba niya pang kaibigan sa pangangaso.

"Maganda kung white fox ang maiuuwi mo sa prinsesa, magandang palamuti iyon tuwing taglamig." Sabi ni Jimuel at tumango si Marshall dito.

"Ngunit mas malaki ang puntos kung isang oso ang mahuhuli natin o hindi kaya mga hyena at asong lobo," sumangayon siya sa sinabi ni Jover.

"Pero kung makakahanap tayo ng dragon ay siguradong isusulat na sa kasaysayan ng Golton Empire ang pagkapanalo niyong dalawa ni Lady Ellis," Tumango tango si Marshall sa sinabi ni Erwin at sabik na sabik maghanap ng dragon na matagal nang wala sa panahon ngayon.

"Naniniwala ka naman sa dragon? Wala nang buhay na dragon sa panahon ngayon," banggit ng Master nila at nagbuntong hininga na lang si Marshall.

"Wala na ba talaga? Baka meron nagtatago sa mga kuweba," humagalpak ng tawa ang mga kasama dahil sa kumagat siya sa panguuto ng kaibigan niyang si Erwin.

"My Lord, talagang manghuhuli ka ng dragon para kay lady Ellis? Hahahaha, kahit mayroon pa noon ay mukhang mahihirapan tayong humuli ng bumubuga ng apoy at lumilipad sa himpapawid." Panay ang tawanan nila sa kaibigan na halos gagawin ang lahat para sa minamahal nito.

Alam nilang lahat na mahal na mahal ng Duke ang binibini at sila ang saksi sa lahat ng iyon, simula pa lang nang unang lumabas ng bayan ang dalawa ay alam nilang malalim ang kinahulugan ni Ellis sa puso ni Marshall.

"Mabuti pang oso at asong lobo na lang ang iuwi natin, tutal mahirap naman mahuli iyon." Tumango sila at saka naghiwalay hiwalay upang mas mapadali ang panghuhuli.

Pumunta si Marshall sa masukal na bahagi ng hunting ground at nakakita ng puting soro, nabighani siya sa kagandahan nito at nais niyang iuwi kay Ellis ang naturing hayop.

Bubunutin niya pa lang kaniyang ispada ng biglang tumumba sa harap niya ang soro at ang puting balahibo nito ay unti unting nagiging pula.

Nagulat siya sa bilis ng pang-yayari, ni hindi niya nakita na may lumapit dito upang saksakin ngunit agad itong nagtamo ng malalim na sugat sa katawan.

Pupulutin niya sana ito ng makita ang papalapit na pinsan na si Argus, blangko ang mga mata nito at hindi ngumingiti. Malayo sa nakasanayan niyang Argus kung saan ay babatiin agad siya nito at mag iingay na sa harap niya.

"Kayo pala your grace," sabi nito at tumango lang si Argus sakaniya saka lumapit sa patay na soro at pinulot ito.

"Pano mo nagawang hulihin iyan ng hindi nilalapitan?" Muling lumingon si Argus at itinutok ang hawak na baril kay Marshall.

"Dahil dito, nais mo ba bang makita kung papano?"

❦❦❦

Pumasok sa loob ng tent si Ellis at hinanap si Lucille na abala sa paghahanda ng makakain niya at ng iba pang binibining makakasama nito.

Hindi niya alam kung pano kakausapin ang dalaga na kanina ay nakatali ang buhok gamit ang pulang laso na ngayon ay wala na.

"Lucille," lumingon ito kay Ellis at tumango.

"Yes milady?" Hindi niya alam bakit kumikirot ang dibdib niya, para siyang niloko ng taong iniidulo niya.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon