Chapter 21

5.4K 192 4
                                    


Nagmamadali kaming lumabas ng infirmary. Sa una ay pinigilan pa nila akong sumama pero di ako nagpatinag. Sa huli wala rin silang nagawa dahil nauna na akong makalabas kesa sa kanila.

"Jake, nasaan siya?" Tanong ko ng wala akong makita ng makalabas kami ng infirmary.

"Nasa may pack house siya. Tara!" Sumunod kami sa kaniya.

Pagkadating namin doon ay naabutan ko ang isang brown na lobo na pinalilibutan ng mga lalaki na sa pagkakaalala ko ay mga pack warrior.

Inaangilan ng lobo ang taong sinusubukang makalapit sa kaniya.

Hindi nila masyadong malapitan si Toby dahil once makalapit ang isa sa kanila ay siguradong kundi ang pack warrior ang masasaktan ay pati na rin si Toby.

"Josh, kailangan mong gamitin ang koneksyon niyo ni Toby para kumalma siya." Sabi ni Kath kay Josh.

Napamura naman ito bigla.
"Shit! Di niya ako makilala bilang mate niya. Kakainom ko pa lang ng gamot!" Naguluhan naman kami sa sinabi niya.

"Huh? Anong gamot?" Si Kath.

Hindi niya sinagot si Kath at basta nalang tumakbo papunta sa bahay o mansion nina Richard.

"Luh! Ba't siya tumakbo?" Tanong ni Kath.

"What is happening here?" Lahat kami natigilan sa malakas na boses na 'yun. Tinignan naman namin kung saan iyon nanggaling.

Nasa likod namin siya at kunot noong pinasadahan kami ng tingin isa-isa. Nang mapadako ang tingin nito sa akin ay mas lalo itong nangunot. Napalunok ako ng makaramdam ako ng kaba.

"Nagshift si Toby ng maaga." Si Jake ang sumagot sa tanong niya kaya nabaling ang tingin niya dito.

Naglakad ito papalapit kung nasaan si Toby.

Pero bago pa man siya makalapit ng husto kay Toby ay hinatak na siya ni Ella papunta sa pwesto namin.

"What the heck, Ella?!" Inis na sigaw ni Richard sa kapatid.

"You can't do that, kuya. Kahit gamitin mo pa ang pagiging Alpha mo hindi ka kikilalanin ng wolf niya. Baka masaktan mo siya."

Nangunot uli ang noo niya sa sinabi ng kapatid.
"There's no other way. Di pa niya nakilala ang mate niya kaya di natin siya mapapakalma."

Bago pa man makasagot si Ella ay biglang dumating si Josh.

"But I'm here, cousin."

"Josh, I told it's not yet the time." May diing sabi niya kay Josh.

Josh just rolled her eyes.
"I know, but I won't let him get hurt. Kung may magagawa naman ako gagawin ko, di lang siya masaktan."

"Josh.."

"Sorry, cous." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay may ininom siyang kung anong tableta at dahan-dahang lumapit kay Toby.

Marahas naman napabuntong hininga si Richard bago sinenyasan ang mga pack warrior na nakapalibot kay Toby na lumayo.

Dahil nakatalikod si Toby kay Josh di niya ito nakikitang lumalapit. Iniangat naman ng wolf ni Toby ang nguso na parang may inaamoy. Hanggang mapalingon ito sa kaniyang likod.

Mas tumingkad ang kulay ginto nitong mga mata. Napapigil hininga kami ng bigla na lamang ito tumakbo papunta kay Josh.

Akala ko dadambahan si Josh ng lobo pero hindi. Bago pa man ito nito mabangga si Josh ay tumigil ito ng ilang dangkal na lamang ang layo saka dinalaan nito ang mukha ni Josh.

"Eww!" Maarteng tili ni Josh sa ginawa ng lobo ni Toby.

Para namang nalungkot ang lobo at ngumuyngoy.

"Oh, shit! I'm sorry...I like you...but please don't do that again...its stiff and gross..you know." Pagpapaliwanag nito sa naging reaksiyon.

Toby's wolf let out a wolf-like chuckle. So I guess they're okay now.

The wolf rub his head on Josh body. Natuwa naman si Josh saka hinaplos-haplos ang balahibo ng kaniyang mate.

"Okay. Mukhang ayos na ang lahat." Sabi niya at pumalakpak pa. "Ang problema na lang ngayon ay kung papan'o natin maipapabalik sa human form niya si Toby?" Tanong ni Honey.

"Pssh, para naman di niyo napagdaan 'to." Sabi ni Matt. "Let me handle this."

"Hey, guys!" Tawag niya sa dalawa.

Inangilan naman agad siya ni Toby.

"Uhm, kaibigan naman tayo, Toby. Diba?" Natetense na sabi naman ni Matt pero masama pa rin ang tingin nito sa kaniya.

Napailing-iling si Ella saka hinablot pabalik sa pwesto niya.
"Ako na." Sabi ni Ella. "Wolves and their possessiveness." Ella tsked.

"Hey, Toby's wolf." Tumingin naman sa kaniya ito na tila nakakunot ang noo. Di ata nagustuhan nito ang tinawag niya rito. "Can I talk to Toby?"

Tinitigan lang nito si Ella parang tinatantya kung gagawin ba niya o hindi. Pero tumango rin naman ito sa huli.

Pumikit ito tapos nagmulat ulit. But this time bumalik na sa dating kulay ng mga mata ni Toby.

"Toby, listen okay? Kailangan mo ng magbalik sa human form mo, okay." Itinagilid naman nito ang ulo at parang nangunot rin ang noo. "Isipin mo kung anong hitsura mo bilang tao, ang mata mo, katawan mo lahat ng bagay na makapagpaalala sayo bilang tao." Tumango ito saka ipinikit ang mga mata.

Pagkalipas ang ilang segundo ay nakarinig kami na parang may nababali.

Dali-dali kaming mga babae na tumalikod.

Syempre, ayokong makakita ng hubad.

'Pero kung ang mate natin 'yun kahit di na ako kumurap.'

'Harley!'

Ramdam ko na naman ang pamumula ko.

"Ayos ka lang, Nica?" Nag-aalalang tanong ni Honey. Siguro nakita niya ang pamumula ko.

Narinig naman ata 'yun ni Richard kaya dali-daling lumapit ito sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi saka sinuri ang bawat parte ng mukha ko.

'Uyy, chance na natin, girl! Sunggaban mo na at halikan mo ng puno ng panananabik.'

Mas lalong uminit ang aking mga pisngi sa sinabi niya. Hindi ko na tuloy matitigan sa mata si Richard.

Parang ayoko na ng may wolf ako.

Parang pakiramdam ko mapapadalas ang kahihiyang darating sa buhay ko.

Oh, God! Please help me survive!

_________________________

This chapter is short. Nakisingit kasi 'yung lovers na'to (Josh & Toby)..hehe

Hope you enjoy it tho!
Hanggang sa sunod na chapter!💜😘

The Runt of the Alpha ICOMPLETEDIWhere stories live. Discover now