Chapter 31

4.6K 141 10
                                    

Pareho kaming napabalikwas ng bangon nang bigla na lamang may kung ano kaming narinig na malakas na pagsabog.

"Shit!" Rinig kong mura ni Richard. Di pa man ako nakakatayo ay hinila na niya agad ako palabas ng kwarto.

"Anong nangyayari?", hindi ko napigilang mapatanong sa kaniya nang pagkalabas namin ng kwarto ay naabutan naming nagmamadaling nagsisitakbuhan ang mga tao sa loob ng mansyon.

Napakunot noo ko sa nangyayari. Parang dejà vu. Parang nangyari na ang eksena na 'to. Hindi rin nakakatulong ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa kaba.

Bago pa man niya ako masagot ay bigla na namang may sumabog.
" Shit! Red!" Sigaw niya.

Dumating naman agad si Red. Itinulak niya ako palapit sa babae.
"Take her there with the others". Utos niya rito. Tumango naman si Red.

Nag-aalalang tinignan ko siya.
" Richard, "

Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako.
"Be safe. I love you". Wika niya saka mabilis na tumakbo paalis.

Tinawag ko pa siya pero di ko na siya makita. Hinihila na rin ako Red paalis ng mansyon.

Tumatakbo ako ng umiiyak na puno ng kaba at pag-aalala para sa mahal ko at sa mga pack member na ibinubuwis ang kanilang buhay para kaligtasan ng buong pack.

Ipinagdarasal ko na sana maging ligtas sila. Di ko na kaya pa na may mawala para lang protektahan ang kaligtasan ko.

Nakarating kami sa isang parte ng pack kung saan may malaking bato roon na sa sobrang laki ay nagmumukha siyang bahay. Ang pagkakaiba lang may mga halaman na nakadikit dito para matakpan ang kabuuhan nito.

Lumapit si Red sa bato at kumatok do'n. Nagtatakang pinagmasdan ko ang ginawa niya. Ibubuka ko na sana ang aking bibig para magtanong nang bumukas ang bahagi ng batong kinatukan niya.

Napanganga ako sa nangyari. Naestatwa sa pwesto ko at tulala sa pintong di ko akalaing mayroon pala. Hindi pa sana ako makakagalaw kung hindi lang sa paghila sa'kin ni Red papasok roon.

Nang hustong makapasok kami ay saka naman sumara ang pinto.

"Halika na, Luna. Naroon sa ibaba ang iba". Ani Red at saka naglakad pababa ng hagdan.

Hindi naman ako nahirapang sumunod dahil sa liwanag na nanggagaling sa mga bombilya na nasa dingding nakakabit.

Lahat na nando'n ay tumayo nang makita kami at yumukod. Lumapit sa amin ang isang magandang babae.
" Luna", yumuko ito sa'kin ng saglit bago bumaling sa aking tabi.

"Uno". Bati nito kay Red. Oo nga pala, Uno ang tawag nila sa kaniya dahil siya ang pinuno ng mga fighter guards.

"Georgie, nasaan ang iba?" Tanong ni Red sa babae.

"Kasama po ni Dos ang iba sa isa pang bato". Sagot naman nito. Si Dos ang second in command ni Red. Totoong pangalan, Reneiver, isa po siyang lalaki.

Tumango-tango si Red. Nagpaalam muna ako sa kanilang dalawa para makapag-usap sila habang kakausapin ko muna ang mga narito.

Maliban kina Georgie at Red may iba pang mga bantay ang narito.

" Nica!" Napabaling ako do'n sa tumawag sa'kin.

"Ella", dali-dali akong lumapit sa kaniya at yumakap. " Thank God you're okay". Lumayo ako sa kaniya ng bahagya.

"Sina tita nasaan?" Tanong ko.

"Nando'n sila sa isa pang bato".

" Speaking of bato. Hindi ko akalaing may ganito pala dito. I mean pa'no niyo nagawa ang ganito?" namamanghang tanong ko sa kaniya.

"Ako rin di makapaniwala. Alam kong kasama 'to sa plano no'n ni kuya bago pa man siya maging Alpha. Alam mo namang ilan taon din ako sa syudad nanirahan diba? Kaya di ko na rin alam na ginawa na nga niya 'to".

" Ang astig lang". Nasabi ko na lang habang inililibot ang tingin sa paligid.

~

Ilang oras na kami dito sa loob ng malaking bato, naghihintay at nagdarasal para sa kaligtasan ng iba naming mga kasamahan na nasa labas at nakikipaglaban.

Hindi ko rin sinubukang kausapin si Richard sa link baka ikapahamak pa niya iyon.

Habang lumilipas ang oras na paghihintay namin ay di ako mapakali. Iyong pakiramdam na parang may mali.

Halo-halong pag-aalala at kaba ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Tinignan ko ang mga kasama ko. Pulos mga bata at mga babaeng walang kakayahang makipaglaban ang naririto.

Napadako naman ang tingin ko kay Red na kasalukuyang naglalakad ng pabalik-balik at sa itsura niya para siyang kinakabahan.

Nag-aalalang lumapit ako sa kaniya. Mukhang di niya naramdaman na nakalapit ako dahil ng tinapik ko siya sa kaniyang balikat ay napapitlag pa siya.

"L-Luna, bakit?" nauutal na tanong niya. Nagtataka naman ako sa inakto niya.

"Ayos ka lang ba, Red?"

"A-Ayos lang ako, Luna". Sabi niya. Nginitian pa niya ako.

" Sigurado ka?" Tumango naman siya. "Sige, kapag gusto mo ng kausap do'n lang ako". Turo ko sa pwesto ko kanina.

" Sige, Luna". Nginitian ko pa muna siya bago tumalikod at bumalik sa aking pwesto.

"Georgie!" Tawag ko nang mapadaan siya sa harapan ko. Agad naman siyang bumaling sa'kin at lumapit.

"Bakit po, Luna?"

"May pagkain na rito na pwede nating ipakain sa kanila? Ilang oras na tayo dito baka nagugutom na sila".

" Ahm, sa pagkakaalala ko po may nilagay ditong pagkain no'ng isang linggo".

"Bakit mayroon ng pagkain dito?"

"In case po mangyari ang mga ganito na nilulusob ang pack ng rogues o ano pang kalaban ng isang pack".

"Maari mo na akong samahan sa pinaglagyan ng mga pagkain?"

"Sige po".

Nagtungo kami do'n sa sinasabi niyang pinaglagyan ng pagkain. Nag-volunteer naman si Ella at ang iba pang mga dalaga sa paghahanda ng pagkain. Pagkatapos ay isa-isa naming ibinigay ang mga pagkain sa mga kasamahan namin.

~

NASAAN na sila? Bakit ang tagal nilang dumating.

Mas lalo akong kinakabahan at nababahala habang lumilipas ang oras na hindi pa sumi-signal sina Alpha na tapos na ang laban.

Hindi pweding magtagal kami dito.

Hindi pweding maabutan kami ng gabi sa iisang lugar. Lalo't kasama ako.

Diyosa, tulungan mo kami...lalo na ako.

________________________

Hello, my dear pups! Kumusta po kayo. Natagalan na naman ako sa pag-update noh? Hehe. Sorna😊

The Runt of the Alpha ICOMPLETEDIWhere stories live. Discover now