Chapter 27

5.1K 177 7
                                    

Kung ano man ang mababasa niyo sa chap na 'to, basta, ano..kinakabahan ako sa magiging reaksyon niyo. Hehe.

Happy 3.3k reads, everybody😘
Enjoy 😄

________________

"I'm sorry, Alpha", nakayukong paumanhin ni Jake," nahuli kami ng dating sa bahay ng Luna."

Napahilot ako sa aking sentido bago nag-angat ng tingin.
"How the hell they get inside the pack premises? Nasaan ang mga sentinel na nakabantay sa bahay?"

"They got poisoned, Alpha". Sagot ni Jake. "They said someone throw smoke grenade at them that contains wolfsbane".

I greeted my teeth while my fist clench with anger.

Nang mapansin ko ang panghihina ni Nica ay agad ko siyang inalalayan palapit sa isang upuan na malapit sa amin bago hinarap ulit sina Jake.

"Kumusta sila?"

"Lahat ay nasa maayos na kalagayan at natanggal na rin ang wolfsbane sa katawan nila. May iba lang na wala pa ring malay, Alpha". Sagot sa akin ni Jack.

" This is all my fault. Hindi 'to mangyayari kung di dahil sa'kin". Umiiyak na sabi ni Nica habang nakasabunot sa kaniyang buhok. Dali-dali akong lumuhod sa kaniyang harapan at tinanggal ang pagkakasabunot niya sa kaniyang buhok.

"No, baby. It's not your fault. It will never be your fault". I cupped her face. " We will find her. Gagawin namin lahat para maibalik siya rito ng ligtas. Okay?" Hilam ang mga luhang tumango siya.

~

"Tracker sentinels, fall in". Ma-autoridad na sigaw ng pinuno ng mga tracker.

Nandito ako ngayon sa isa pang paaralan na para sa mga tracker ng pack.

Mabilis na nagsilinya ang nasa limampu. Ang limampong ito ay mga professional tracker na may marami ng karanasan na kasalukuyang nagtuturo sa mga kabataang gustong maging katulad nila.

Taas ang noo at seryoso ang mga mukha ng mga ito na nakaharap sa kanilang unahan.

Nanatili akong nakamasid ng may kalayuan sa kanila.

" Lahat ng matatawag, pumunta sa harapan".

"Tuazon, Francisco, Bueno, Cortes, Tores, Balitaw at Aguilar".

Matapos tawagin ang limang tracker ay saka pinaalis ang iba. Naglakad ako palapit sa lima at isa-isang pinasadahan ng tingin. Yumuko  naman sila ng makita ako.

" Alpha". They said in unison.

Tinanguan ko sila saka pumwesto sa tabi ni Hazul, na siyang kasalukuyang pinuno nila.

" Nakuha ng mga bampira ang natitirang pamilya ng inyong Luna. Narito ako para sabihin sa inyo, na napili. Misyon niyong alamin kung saan nila siya tinatago at kung saan ngayon ang kuta ng ating mga kalaban. They are a threat to our pack and I need you to win this war. Are you with me, soldiers? "

" Yes, Alpha". Sabay-sabay na sigaw ng lima.

"Very well then, may the goddess be with us. Dismiss and good luck".

~

"Luna, bakit po kayo lumabas?" napalingon-likod ako. Napangiti ako ng makita si manang Eva, isa siya sa mga omega na naka-assign sa packhouse bilang katulong.

"Ahh, kasi po," napahawak ako sa aking tiyan ng bigla iyong tumunog. Nahihiyang napakamot ako sa aking batok.

Mahinang napatawa siya sa nangyari.
"Sige, hahatiran kita ng pagkain sa kwarto niyo".

The Runt of the Alpha ICOMPLETEDIWhere stories live. Discover now