Chapter 22

5.8K 191 3
                                    

"Luna, ang nangyari sayo kanina ay dahil sa wolf mo. Maaaring may nangyari kanina na nagtrigger sa kaniya para lumabas." Paliwanag sa akin ni Doc Philip.

Matapos kasi no'ng nangyari kay Toby ay bumalik agad kami sa infirmary. Narito ako ngayon sa opisina ni doc Philip habang naghihintay naman sa labas si Richard.

"Ahm, doc, ano ba ang posibleng nagtrigger sa wolf ko?" Kuryusong tanong ko.

"There's a lot of reason, mostly it's because of too much emotion of the wolf side. Especially if their mates are involve. Werewolves are very much protective and possessive towards their mate. When both the human and wolf side saw a threat, their wolf will persist to take control." Kumunot ang noo ko sa paliwanag niya.

Huh?

Ahm, di ko magets.

Napailing-iling siya dahil siguro sa pagkalitong nakikita niya sa ekspresyon ng aking mukha.
"Okay, let's put it this way. There is a couple, girlfriend and boyfriend, the girl saw another girl embrace or talk to her boyfriend. What would the girl feel?" Nakangiting tanong niya.

Napataas ang kilay ko sa tanong niya. Bakit naman nasali sa usapan ang girlfriend and boyfriend relationship kuno?

Pero kahit nahihiwagaan ako sa tanong niya ay sinagot ko pa rin siya.

Bakit hindi? Doktor siya, alam naman niya siguro ang ginawagawa niya.

"Ahm, magagalit po, doc."

"Yeah, you're right." Tumango-tango ito. "At bakit siya galit?"

Si doc naman daming tanong. Di pweding diretsyahin na lang niya?

"Kasi...ahm...kasi nagseselos siya?"

"Yes, that's it." Nakangiting sabi.

"Eh, doc ano naman po kinalaman do'n sa nangyari sa'kin?" Naguguluhan paring tanong ko.

Doc Philip chuckled.
"Luna.." Ayan na naman ang pangalan na 'yan.

"Doc, Nica po pangalan ko." Pagpuputol ko sa iba pa niyang sasabihin.

"Yeah, right. N-Nica.." Nag-aalangang banggit niya sa pangalan ko. "I expect you already know that werewolves like us have mates or soulmates, right?" Tumango naman ako. "The reason why you fainted is because either you both feel jealousy or she senses danger around. Katulad ng mga tao, kapag nararamdaman nilang may gustong kumuha sa pagmamay-ari nila ay sinisigurado nilang hindi ito makukuha sa kanila. Gano'n din sa'tin pero X10 ang pagpoprotekta natin. Lalo na kung ang mate natin ang pag-uusapan, kahit pumatay kaya natin gawin masigurado lang na di sila mawawala sa'tin." Mahabang paliwanag niya.

Medyo nanglaki naman ang aking mga mata sa huling sinabi niya. At unti-unting bumabalik ang mga nangyari kanina at kung pan'o ko patayin sa aking isip 'yung babae na yumakap kay Richard.

'It's okay, Nica. We have the right to kill her for touching what's ours!' Nakaramdam ako ng pangingilabot sa sinabi ni Harley at sa nalaman na may posibilidad na makasakit ako ng iba dahil sa pagkapossessive at pagiging makasarili.

'Damn, girl! You're not selfish! He's ours! Every she-wolf has to know that!'

I tried to ignore her and focus my attention to doc Philip.

Nerbyus akong tumawa.
"May pagkajoker ka pala, doc. I mean..killing someone just...just because of possessiveness?"

Wala na ang ngiti nito sa kaniyang mga labi.
"I'm not joking, Luna Nica. We can do that. That's how mates can do to us."

"Pwede naman na di humantong sa gano'n diba?" Umaasang tanong ko.

Matipid na ngumiti siya sa'kin.
"Yes, it can be avoided."

Napuno ng pag-asa ang aking kalooban sa sinabi niya dahil hindi ko talaga gustong manakit. If there's a way to avoid it, I will definitely do it.

"How, doc?"

"The brutality can be avoided if the human part of a werewolf is strong enough to control her wolf not to take over." Sagot naman niya.

I felt like I fell and all my hopes crashed.

Kailangan pa pala na malakas ka. I don't think I'm strong enough to control my wolf.

Kanina palang nga di ko na napigilan si Harley pan'o pa kaya sa susunod.

Napapikit at napahilot ako sa aking sentido dahil biglang sumakit ito.

Napabuntong hininga ako saka tumingin ulit kay doc.
"Bad news, doc. I'm not that strong."

Ngumiti ito ng may pag-unawa.
"Yet, Luna Nica. Sigurado ako in no time you'll be able to control her. And I'm sure your mate will help you with that."

"Okay po." Pilit namang ngumiti ako sa kaniya.

At do'n natapos ang pag-uusap ko kay doc Philip.

While on our way to the pack house, na kanina ko palang nalaman na pack house pala 'yung parang palasyo o mansyon nila Richard, ay tahimik lang siya. Well, that's a good thing dahil ayaw ko pang pag-usapan 'yung sinabi ni doc Philip.

"Hi, Nica, Alpha!" Bati nina Matt, Jake and Jack ng makasalubong namin sila papasok sa pack house.

"Hi." Bati ko naman sa kanila pabalik.

"Nagugutom ka ba?" Napatingala ako sa kaniya. Tumango naman ako bilang sagot. "Okay, tara do'n tayo sa kusina. Ando'n sina mommy may niluluto."

Naabutan naming nagkukwentuhan habang abala sa pagluluto sina tita Sheryl, Kath, at Honey. Habang busy sa pagkain si Ella.

Oh, speaking of Ella. Di ko pa rin siya nakakausap tungkol sa pagsisinungaling niya sa'kin. Kailangan ko malaman kung ba't niya iyon nagawa, maybe one of this days ay makapag-usap kami.

Napadako ang tingin ni Honey sa amin, napangiti ito ng makita kami. Kinalabit naman niya si Kath kaya pati ito at si tita Sheryl ay bumaling sa aming deriksyon.

"Oh, mabuti narito na kayo. Saktong luto na rin ang ulam natin." Magiliw na saad ni tita Sheryl.

"Nica, dito ka.." Sabi ni Ella sabay turo sa katabi niyang bakanteng upuan. "Tabi tayo."

Tumingin ako sa katabi ko at parang humihingi ng permiso.

Ngumiti siya at marahang tumanggo.

Tumabi ako ng upo kay Ella habang si Richard naman ay umupo sa kaharap kong upuan.

Mas nagutom ako sa mga pagkaing na nasa aming harapan.

Adobong manok, piniritong manok, at tinolang manok. Ako lang ba ang nakakapansin na puro paborito ko ang mga nakalatag na ulam?

At dahil nga gutom ako at naaakit ako sa mga masasarap na ulam ay sunod-sunod ang paglalagay ng mga ito sa aking pinggan.

Parang patay gutom na sinunggaban ko ang mga nakalagay sa pinggan ko.

May pagkakataon pang napapapikit ako dahil sa sobrang sarap. Parang may biglang sumabog sa dila ko sa nalasahan ko.

"Heaven." Wala sa sariling sabi ko.

"You're right, Ella. She really like this foods." Rinig kong sabi ni tita Sheryl.

"Sabi sayo, my." Sabi naman ni Ella.

Pagmulat ko ng mata ay halos gusto ko nalang kainin ako ng lupa. Lahat sila ay naaaliw na nakatingin sa akin.

"S-sorry-" naputol ang sasabihin ko ng bigla akong napadighay. Napatawa naman ang mga kasamahan ko sa nangyari.

Sumubsob ako sa lamesa dahil sa sobrang kahihiyan.

Earth, eat me please!

Tinapik-tapik naman ako sa balikat ni Ella habang pinipigilang di tumawa.

"Okay lang yan, bes." Sabi niya. "Sayo na yang lahat, busog na ako e." Sinamaan ko naman siya ng tingin at hinampas sa braso. Tumawa lang naman ang loka.

Hayst!

Kung bakit ba naman masyado akong matakaw sa pagkain e.

Bakit ba kasi ang sarap kumain?

___________________________

I feel you😭
Bakit ang sarap kumain? 😟

The Runt of the Alpha ICOMPLETEDIWhere stories live. Discover now