Chapter 35

4.4K 136 9
                                    

A/N: HELLO, beautiful people of the universe. How was your day?

Here's the new chapter.

ENJOY! ❤️

Magmamadaling araw ngunit mulat pa rin ang aking mga mata habang nakaupo sa gilid ng malambot na mattress sa kwartong pinaglagakan sa'kin. Nakatingin lamang ako sa bintana.

Napabuntong hininga ako ng naalala ko na naman ang sinabi sa'kin Amborgio. Kanina pa ako nagtataka sa mga nangyayari. Hindi ba dapat na patayin niya ako para sa kaniyang kabiyak. Hindi ba iyon ang nakatakdang mangyari, ayon na rin sa nakita ni Josh noon. Kaya bakit nasabi iyon ng hari ng mga bampira?

Isa pa sa pinoproblema ay sina Ella. Hindi ko akalaing sinama pa rin sila ng mga alagad ni Amborgio kahit pa na nakuha na nila ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Napapangunahan na ako ng takot.

Kung sana lang andito ka sa tabi ko.

"NA SAAN SI JAX?" kanina ko pa kasi di nakikita ang kaibigan kong 'yon. Akala ko kasali siya sa pinadala ng Alpha king. Si Jax ay ang Alpha ng Crescent moon pack.

"Wala pa si Alpha Jax dahil sa mahalagang misyong iniatas sa kaniya ng Alpha king" sagot naman sa'kin ni Alpha Reynald, ang alpha ng Blood moon pack.

Tumango na lang ako saka muling tinignan ang mapa sa aking harapan. Hindi namin alam kung saan maaaring nagkukuta ang kalaban at hanggang ngayon wala pa rin ang mga tracker na pinadala ko.

Hindi na ako makapaghintay. Hanggang lumilipas ang oras ay natatakot ako sa maaaring mangyari.

Hindi pweding pumalpak na naman ako ngayon. I already failed her for a couple of times di ako papayag na mangyari ulit iyon dahil baka sa pagkakataong ito-Fvck!

Patuloy pa rin sa pagsasalita ang aking mga kasama habang ako'y nakatanga lamang sa mapa.

Hindi ko kasama ang aking mga magulang ngayon dahil sakalukuyang dinadamayan ng aking ina na walang tigil sa pag-iyak.

Napatigil lamang ang lahat dahil sa isang katok.
"Pasok" sabi ko.

Bumukas ang pinto at pumasok ang aking Beta. Yumuko siya ng bahagya, sinyales ng paggalang
"Alpha, nandito na po ang mga tracker".

Agad naman akong napatayo sa sinabi niya. Tila akong nabuhayan ng pag-asa sa balita.
"okay, let them in"

Yumuko pa muna siya bago tumalikod at lumabas. Nang muling bumukas ang pinto ay kasama na nito ang mga tracker na pinili ko.

"Alpha" sabay-sabay na sabi nila at saka bahagya ring yumuko.

Tinanguan ko sila.
"Anong nalaman niyo?"

Lumapit sila sa round table kung saan naroroon ang mapa ng buong probinsya na siyang sakop ko kasama ang iba pang bayan na malapit sa aming pack.

May itinuro ang isa sa kanila doon.
"Dito sila ngayon nagkukuta"

Tinignan ko ang lugar na tinuro niyo. Nagugulang tumingin ako sa kaniya.
"Pero isa lamang 'yang gubat"

"Tama ho kayo, Alpha. Ngunit habang kami ay nagmamasid ay mayroon kaming nalaman" napalingon kami kaisa-isang babaeng kasama sa grupo ng mga tracker nang ito'y magsalita

"at 'yon ay?"

"Isa lamang salamangka ang nagkukubli sa isang templo na ayon sa nakalap naming impormasyon ay matagal ng doon ay itinayo"

"Kailangan nating masugod Ang lugar na iyon sa madaling panahon" sabi ko. Napailing-iling ang mga ito bago nagsalita ang isa sa kanila.

"Alpha, hindi tayo basta-basta makakapasok sa lugar na 'yan. Hindi natin kakayanin ang kapangyarihan ng salamangkero"

"Ngunit sa paanong paraan naman natin sila malulusob?" tanong ni Alpha Kyron, ang pinuno ng Hyperion pack.

"Sa pamamagitan ko" lahat kami napalingon sa kaliwang bahagi ng kwarto.

Lahat kami ay nagbabantang inangilan ang lalaking kasalukuyan ngayon ay komportabling nakaupo sa pang-isahang upuan.

"Sino ka? Paano ka nakapasok sa teritoryo ko?" that's Raven, partly now he's controlling me.

Bago pa man bumuka ang kaniyang bibig para magsalita ay nabaling ang atensyon ng lahat ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang seryusong mukha ng aking kaibigan.

"Uy, Alpha Jax!" sabi ng lalaki Kay Jax at kumaway-kaway pa.

"Shut up, Jansen" tinapunan lamang ito ng masamang tingin ni Jax bago pumunta sa harap namin.

"He is Jansen. Siya ang pinahahanap sa'kin ng Alpha King na makakatulong sa'tin" sabi niya.

Naguluhan naman kami sa sinabi niya.
"How exactly he can help us?" tanong ko.

"Siya ang kakambal ng salamangkerong nasa panig ng mga bampira" nanlaki ang mga mata namin sa kaniyang sinabi .

"Wait, dudes, before judging my family gusto ko lang sabihin na magkamukha kami pero hindi kami magkadugo" sabat ng lalaking tinawag ni Jax na Jansen "You see, lahat ng salamangkerong nasa panig ng kabutihan ay may laging kawangis na nilikha ng kasamaan para manlinlang"

"Ang salamangkerong nasa pangangalaga ni Amborgio ay nilikha lamang ng isang itim na mahika bilang kawangis ko"

Nakahinga naman kami ng maluwag sa kaniyang sinabi.
"Okay, sa tingin ko kailangan na nating gumawa ng plano"

Nagsingayunan naman lahat at nagtanguan maliban sa isa.
"Alpha Richard, may gusto lang akong ipagtapat sayo tungkol sa iyong mate" sabi ni Jansen.

NAPABALIKWAS ako ng bangon ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang taong ipinagdarasal kong di ko makita.

May dala siyang tray na may lamang pagkain.
"Good morning, my queen" nakangiting sabi nito habang inilalagay ang dala sa bedside table "breakfast time".

"Hindi ako gutom" malamig na sabi ko sa kaniya. Napatigil siya at kita ang pagkawala ng emosyon sa kaniyang mukha.

"Eat. You haven't eaten anything last night"

"Ang sabi ko hindi pa ako gutom" matigas na tugon habang tinitignan siya masama.

Napasinghap na lang ako ng biglang nasa harapan ko na siya at marahas siyang nakahawak sa aking baba.

"Don't push me to my limit, woman, you are mine so do everything I say" nangangalaiti Ang pangang sabi niya sa'kin.

Ngunit nagmatigas ako.
"I'm not your property. I only want my mate" naging pula ang kaniyang mata at mas lalo pang diniinan ang pagkakahawak niya sa'king mukha at ramdam ko na rin ang kuko niya sa balat ko.

"Remember this and put this in your lil' teak skull of yours that you are mine before. So, that means you'll only be mine forever, Selene" naguguluhang nakatingala ako sa kaniya.

Anong pinagsasabi niya? Nababaliw na ba talaga 'to?

"Hindi ako si Selene" gamit ang naipon ko lakas ay itinulak ko siya palayo sa'kin. Nakahinga ako ng maluwag ng magtagumpay ako. Iba kasi Ang pakiramdam ko kapag nasa malapit siya. Nangingilabot ako.

Napaatras ako ng ngumisi siya at mabagal na naglalakad palapit sa'kin.

Napasinghap ako ng sa isang kisap-mata ay  nasa harap ko na siya habang naramdaman ko ang lamig ng pader sa'king likod. Inilagay niya ang dalawang kamay sa gilid ng aking ulo.

Nakipagtitigan siya sa akin ng matiim.
"Yes, you are. You are Selene and this time I won't let Artemis take you away from me again" with that he cross the distance between us and kissed me.

The Runt of the Alpha ICOMPLETEDIWhere stories live. Discover now