Chapter 25

5.2K 180 4
                                    


Okay, guys. Ito po naman ang POV ni Nica sa nangyari. :)
_____________________________

"Step two ng mating process is the bite mark." Napalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Hala, tita. Bite as in kagat po?"

Tumango siya. Parang gusto ko na lang bawiin ang sinabi ko. Ayoko na alamin ang tungkol sa mating process na 'yan.

"Don't worry, di naman masakit 'yon. Parang kagat lang ng langgam." Nakangiting sabi ni tita Sheryl. Pero parang ayokong maniwala. Kasi naman ganyan rin kadalasan ang sinasabi ng mga doktor, diba kapag ini-inject-kan 'yung mga pasyente nila. But it turns out mas masakit pa pala sa kurot.

Awkward naman akong ngumiti sa kaniya. Hindi ko kasi alam ang itutugon sa sinabi niya.

"So, ito naman ang step kung saan kakagatin ng mag-mate ang leeg ng bawat isa. Special ang prosesong ito dahil ito ang magiging tatak na mated na o taken na ang isang werewolf. Ang kagat ng kabiyak ng isang werewolf ay mag-iiwan ng marka depende kung anong posesyon mayroon ang kaniyang mate."

"Step three-"

"Ayan na." Bulong ulit ni Ella. Nginitian pa ako nito ng makahulugan. Napaarko naman ang kilay ko sa ginawi ni Ella. Tatanungin ko sana siya kung anong ibig niyang sabihin do'n sa sinabi niya pero binaliwala ko na lang din at nakinig ulit kay tita.

"Ito ang pinakahuling step. Ang huling hakbang para maging buo na kayong magkabiyak. Ito ang prosesong magpapatunay na malugod mo ng tinatanggap ang iyong mate. Kung saan ibibigay mo na sa kaniya ang iyong buong katawan at puso."

"In short making love." Rinig ko na namang bulong ni Ella.

Nagulantang ako sa huling step. Mas matindi pa 'to sa second step.

Wala na. Gusto ko na talagang umatras. Ayoko ng malaman lahat. Para akong inaapoy ng lagnat sa kaalamang iyon. Hindi naman ako ignorante na mangyayari talaga ang bagay na iyon sa lahat ng tao, pati na rin sa'kin. Masyado lang kasi akong inosente sa bagay na iyan.

Hindi sa ayoko.. I mean hindi sa gusto ko... What I really mean is that ayoko na gusto ko. Oh, no..that's not what- Urrggh. Ano ba kasi sinasabi ko?

Nica, breath in, breath out.

Okay, nando'n na tayo sa kaalamang mate ko si Richard, na kadikit o kalahati siya ng buhay ko. Pero, ngunit, subali't, datapwa't, hindi ko pa alam kung kaya kong ibigay ang bagay na pinagkakaingatan ko ng labing-walong taon.

Napabalik naman ako sa aking diwa ng may tumapik sa aking balikat. Si Ella pala.
"Huwag kang mag-alala, hindi ka ipe-pressure ni kuya sa bagay na iyan. Mahal ka no'n." Nginitian ko lang siya saka ibinaling ulit kay tita ang aking tingin.

"Pwede po ba akong maglakad-lakad lang saglit?" Tanong ko.

May pag-unawang tumango naman siya.
"Oh sige, wag lang masyadong malapit sa gubat ha?" Paalala niya.

"Opo. Salamat." Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagsimula na akong maglakad. Kung saan? Di ko alam. Basta gusto ko lang maglakad-lakad.

Nang makalayo-layo ako ay tumingin ulit ako sa lugar kung saan ako nanggaling.

'Hey, sissy'

'Hello, Harley'

'Gusto mong pag-usapan?'

'Mamaya na lang.'

'Okay'

Matapos mawala in Harley sa aking isipan ay bumalik ulit ako sa paglalakad.

The Runt of the Alpha ICOMPLETEDIWhere stories live. Discover now