Chapter 33

4.2K 136 2
                                    

A/N: Nice to be back! 😃

Enjoy!

HABANG lumilipas ang oras ay paunti-unti na ring nababawasan ang pwersa namin. Tila di nauubos ang mga kalaban at padami ito ng padami.

"Alpha, nakapasok na sila east border!"

"Alpha, marami na pong napatay sa panig namin!"

Sunod-sunod na pumasok sa isip ko ang mga iyon na mula sa mga inatasan kong mamuno sa bawat pangkat na nakabantay sa bawat parte ng teritoryo ko na maaring daanan ng kalaban.

"Shit!" naiinis na bulalas ko ng makita ko na namang may dumagdag na naman sa pwersa ng kalaban. "Nasaan na ba kasi ang reinforcement na pinadala ng hari".

Ang reinforcement na sinasabi ko ay ang mga mandirigma mula sa ibang pack na nandito sa Pilipinas na inutusan ng hari na tumulong sa amin habang wala pa ang taong sinasabi ng hari na makakatulong sa amin na tuluyan Siyang tapusin.

At makalipas ko ngang sabihin iyon ay bigla nalang may sumabog at nag-iwan ng usok sa panig ng kalaban. Pagkatapos ay nagsimulang matunaw ang mga ito at naging abo.

"I hope we're not late".

Lahat ng kasamahan ko pati na rin ay napabaling sa nagsalita na nasa aming likuran.

Apat na kalalakihan ang nakakuha ng atensyon ko dahil nakatingin ang mga ito sa'kin. Hindi ko nna kailangan pang magtanong Kung sino sila dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon nna nagkita-kita kami.

Mga pinuno ng mga pangkat ng lobo sa Pilipinas. Sa likod ng mga ito ang napakaraming mandirigma na pawang mga handa na ka gyera.

"Ito ba Ang reinforcement na sinasabi ng hari?" tanong ko sa aking isip.

May kung ano mga itong sinabi sa kanilang mga mandirigma bago naglakad palapit sa'kin.

"Alpha", bati ng mga ito sa'kin. Tumango na lang ako bilang tugon.

Lahat naging tahimik at naging abala sa pakikipaglaban. Habang katabi ko ang apat na alpha.

Hanggang sa di mapaliwanag na kadahilanan ay umatras ang mga bampira at nagmamadaling umalis sa aking teritoryo.

Umabanti pa kami para siguraduhing di na muling bumalik ang ito.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa nangyari. Kita rin iyon saa mukha ng aking mga kasamahan na kahit pagod ay nanatili pa ring nakatayo at handang lumaban.

Nahati sa tatlo ang aking mga sentinel at inutusan silang puntahan ang iba pang pack members na nagtatago sa pinagawa niyang safe house.

Pagkasabi ko noo'y nagtungo na agad kami sa mga bato. Habang Ang mga bagong dating ay nagbabantay pa rin sa bawat sulok ng pack.

Kumatok ako sa pinto ng bato ng tatlong beses pero di iyon bumukas inulit ko pa ang pagkatok baka naidlip Ang mga bantay. Nang di pa rin iyon bumukas ay bigla ako nakaramdam ng takot.

"Shit! Kumuha kayo ng pantibag!" sigaw ko.

Nang makakita ng bagay na pweding pantibag sa bato ay tulong-tulong na binasag iyon. Binutas namin ang pinto para makapasok at ng makapasok ako ay parang dinaganan ng malaking bato Ang aking dibdib ang ilan sa mga bantay, mga babae at dalawang bata Ang nakahandusay at naliligo sa kanilang sariling mga dugo habang dilat Ang mga mata.

Wala Ang ilan sa kanila doon at siguradong nabihag sila ng mga bampira. Ang kapatid kong si Ella at Ang aking mate na si Nica.

HINANG-HINA man ay pinilit ko pa ring idinilat Ang aking mga mata. Madilim Ang aking nakikita at tanging apoy lamang galing sa sulo ang nagsisilbing liwanag ng lugar. Dahan-dahan akong umupo bago napagtuunan ng pansin ang paligid.

Agad nagsink-in sa aking isip Ang mga nangyari. Naisip ko bigla si Ella, Ang mga kasamahan namin at..

si Red.

Napukaw Ang aking pag-iisip ng bigla akong makarinig ng ingay mula sa labas.

"Huwag niyo kong hawakan!" sigaw ng boses babae na parang pamilyar sa'kin.

Napasiksik ako sa pinasulok ng kwarto ng biglang bumukas ang pinto. Isang pagbagsak ang aking narinig at muling sumara ang pinto.

Isang hikbi ang pumuno sa kwarto. Hikbing alam kong hindi nagmumula sa akin.

Maingat na tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa babaeng nakabaluktot ng higa habang humihikbi.

"O-Okay lang ho ba kayo?" tanong ko.

Hindi niya ata alam na naroon din ako kaya nama'y napabalikwas siya ng bangon ng magsalita ako.

At dahil sa ginawa niya ay nakita ko ang kaniyang mukha.

Nanlaki Ang aking mata at kahit siya'y di makapaniwalang nakatitig sa'kin. Umatras siya ng tangkain ko siyang hawakan.

"Tita?" naiiyak na tawag ko sa kaniya.

Hindi ko man masyadong maaninag Ang buo niyang mukha ay nakita ko na naman sa kaniyang mga mata ang rekognasyon.

"N-Nica? Diyos ko po!" agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako, na akin naman ding sinuklian.

Pero agad din itong dumistansya sa'kin at natatakot na hinawakan ang kaniyang pisnge. "Nica, hindi ka dapat narito. Papatayin ka nila". Puno ng pag-aalala na sabi niya.

Napaluha na naman ako ulit at yumakap ulit sa bewang niya.
"I'm sorry, tita. I'm so sorry" napuno ng guilt ang buo kong pagkatao "dapat di Kita iniwang mag-isa sa bahay no'n. Sana sinama na lang kita sa pack house. Kung sana lang sinabi ko na lang agad sayo Ang lahat. Edi Sana hindi mo ito naranasan. I'm so sorry".

"Anong sasabihin? H-Hindi kita maintindihan?" naguguluhang tanong niya sa'kin.

Napalunok ako habang tumitig sa kaniyang mga mata.

Kailangan ko ng sabihin. Ayoko ng magsinungaling at itago Ang totoo kong pagkatao sa mga Mahal ko sa buhay.

Huminga muna ako ng malalim at lakas loob na sinabing,
"Isa ho akong taong-lobo". kasabay ng pag-amin ko ay ang pag-iiba ng kulay ng mata ko.

Nanlalaking mata siyang nakatulala sa'kin. Hindi siya kumibo o kumurap manlang.

Para akong dinaganan sa naging reaksiyon niya. Hindi ko naman siya masisisi na katakutan niya ako. Halimaw ang turing sa mga katulad ko ng mga tao. Masakit lang dahil sa isang pamilya ko pa mararanasan iyon.

Tangkang lalayo na ako sa kaniya ng sa wakas ay nagsalita siya.

"Iyon ba ang dahilan kung bakit ka nila gusting patayin?"

Umiling ako bilang tugon.
"Mas malalim pa do'n.

Gusto nila akong patayin para kunin ang puso ko para buhayin ang kanilang reynang si Selene".

I want you guys to know na kahit ano man Ang pinagdadaanan niyo always remember that God is always there to help, gide and love you. ❤️

I Purple You! 😘

The Runt of the Alpha ICOMPLETEDIWo Geschichten leben. Entdecke jetzt