Chapter 29

4.8K 136 2
                                    

Umuwi ako sa aking bahay matapos ang sagupaan na nangyari kanina. Nang masigurado kong naka-lock na ang pinto ay agad akong pumasok ng banyo at naghubad. Tinapon ko muna ang mga damit na suot ko sa laundry basket na naka lagay sa tabi ng sink saka naglakad palapit sa shower.

Napapikit ako nang maramdaman ang tubig na bumubuhos sa hubad kong katawan. Napayuko saka nagmulat at napatitig sa sahig habang patuloy na umaagos ang tubig na nahaluan ng pula na nanggagaling sa 'kin.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi may kumirot sa isang parte ng aking balikat.

Nang matapos ako ay hubad-baro akong lumabas ng banyo at kumuha ng damit. Napahinto ako nang mapadaan ako sa salamin. Mas lumapit pa ako roon, itinapat ko ang kaliwang balikat kung saan nanggagaling ang kirot.

Nakaramdam akong ng takot at lungkot habang pinagmamasdan ko ito. Maitim na sa ngayon ang sugat at ang ugat na malapit doon ay nangingitim na rin. Sigurado akong kakalat ang lason sa buo kong katawan at kapag nangyari 'yon alam kong mawawala na lang akong bigla sa mundo.

Hindi ko akalaing sa isang kisap mata ay magiging ganito kadali ang buhay ko.

Agad kong pinahid ang luhang tumulo na lang bigla at nanghihinang nagtungo sa kama saka pabagsak na humiga.

I'm a warrior. I shouldn't feel weak. I know this is going to happen. Pero ang hirap pq lang tanggapin kapag nando'n ka na sa sitwasyong iyon.

The Runt of the Alpha ICOMPLETEDIWhere stories live. Discover now