KABANATA 1

66.5K 1.4K 300
                                    

[Christian]

"Train station number 5. CCTV sa kanan at likuran mo," said the voice of my twin brother through the transmitter of my spy wireless earpiece device.

Inayos ko ang suot kong spy camera eyeglass, so he could see the location of the CCTV cameras around me. After scanning and getting the information to control these, he signaled me my next move.

[Alright, CuteXP! Lakad ka lang. Deretso.]

"Drop that fucking codename," iritadong sabi ko, pero tumawa lang ang sira ulo.

[Done. Kontrolado na namin lahat ng CCTV na nakapaligid sa 'yo. Now go to the control room of the train. Pag-akyat mo sa hagdan sa kanan, kumaliwa ka, sa ikatlong pinto.]

"Copy."

Tinakbo ko agad ang hagdan sa kanan ko. Pagdating ko sa taas, saktong naglalabasan sa ikatlong pinto ang mga uniformed personnel. Pag-alis nila ay sumalisi ako.

"Sino ka? Bawal—"

"Shut up." I gave the guy left in the control room an elbow strike at tumumba agad ito.

Sinaksak ko ang USB cord na nakakonekta sa cellphone ko sa isa sa mga computer na nasa loob.

[Okay! Connected na kami. Good job, CuteXP. 30 seconds...]

Saktong pagkalipas ng tatlumpung segundo, hinugot ko ang USB cord. Lumabas ako ng control room as if like nothing happened. Sumakay ako sa humintong tren.

[In 10 minutes, hihinto 'yang tren. Make sure na mauunahan mo ang mga tauhan ng DoubleZ na makita si Philip Santos at kunin ang envelope na dala niya. Ito ang itsura niya.]

He sent me a photo of the guy through the eyeglass I was wearing. The image appeared on the right lens and its detecting feature started to scan every face I looked at.

But nothing matches the image. Damn.

Ilang minuto na ang lumilipas pero wala pang malinaw dito sa ginagawa ko. Tanginang 'yon, napakailap. Pero napamura ako sa isip ko pagkakita mula sa tren ng mga tauhan ng DoubleZ. Nagkalat ang mga hayop sa labas.

Nagmadali ako lalo na hanapin si Santos. Naglakad lakad ako at sinuyod ng tingin lahat ng mukhang makasalubong ko. And finally, my eyeglass device confirmed the guy wearing a brown leather jacket and a black cap, yakap ang envelope na kailangan ko.

"Bingo." I moved as fast as I could to get near him bago pa 'ko maunahan.

"S-sino ka?"

"Calm down. I won't cut your throat yet." I acted normal, but I'm well alert in case he tries to escape.

"P-pakiusap w-wag niyo 'kong papatayin. D-dala ko ang hinihingi niyo," takot na takot na sabi nito. Nanginginig pa buong katawan.

"I'm not gonna hurt you in one condition."

"K-kahit ano."

"Shut your mouth. Naiirita ako." I checked my left and right side. "Kapag sinabi kong takbo, tatakbo ka kasama ko. Don't be fucking slow."

Mabilis naman itong tumango.

[12 seconds...]

"Sumunod ka lang sa lahat ng sasabihin ko."

"O-Oo."

[5... 4... 3... 2... 1.]

Huminto na ang tren na sinasakyan namin. Nagsigawan ang mga pasahero at nakuha ang atensyon ng ilan sa mga tauhan ng DoubleZ na kasama rin pala namin. Bumukas ang emergency exit.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon