Chapter 5

5.2K 121 20
                                    


The days flew like a whirlwind. Hindi ko napansin na College End Party na pala. Every year ay mayroong College End Party. Ang lahat ng college students ay nagsasama-sama after ng end of the school year. Mayroon itong attendance kaya required na um-attend ang mga students dito.

Hindi na kami muling nagkita ni Kai after our last interaction last Monday. It is already Saturday. Kahapon ang last day of the school year habang ngayon naman ang College End Party.

Mayroong mga rides na nakatayo sa school grounds, mayroon ding mga stalls at mayroong pang concert ang Ben & Ben, December Avenue at iba pang sikat na banda kinagabihan nito.

Hindi na sana ako pupunta kaso part ito ng requirements ng mga college students. Naka- civillian lang kami tuwing College End Party. Every College has a dress code to follow. Kailangan iyong sundin upang madaling ma-distinguish kung sa ang college ka kabilang. Ang kulay ng damit ng mga estudyante sa college namin ay navy blue.

Mamaya pang 9 am ang pasok namin sa University. Mayroon munang program ng umaga habang sa hapon naman ay maari na naming gawin ang mga gusto namin.

Kaka- tapos ko lamang magbihis at handa ng pumasok sa University. Nasa gymnasium na daw sila para sa isang Ending Program at ilang performances.

Ang suot ko ay isang navy blue long sleeve off-shoulder at isang black high waisted pants. Ang sapatos na suot ko ay ang stan smith ng adidas na kulay puti. Nagsuot ako ng isang necklace, earings at ang relo ko. Kinuha ko din ang body bag ko at dumiretso na ng Univesity.

Tinawagan ko si Staci pagkadating ko doon.

"Hello! San ka nakaupo?" Tanong ko agad sa kanya.

"Andito ka na ba? Gusto mo sunduin nalang kita? Nag reserve ako ng upuan mo."

"Huwag na, ako nalang ang pupunta dyan." Pagtanggi ko.

Sinabi niya sa akin kung saang part siya nakaupo sa gym. Magkakasama naman daw ang college namin kaya madaling hanapin.

Madami akong nakasalubong na mga estudyante na papunta na din sa gym.

While I was on my way there, I saw a group of students. Napasimangot agad ako.

Vasquez Cousins.

Nang makita ko sila ay nasigurado ko na kasama nila si Kai. Katulad ko ay papunta din sila ng gym. Nakita kong tumatawa si Kai habang mayroong sinasabi sa katabi niyang kambal. Napaiwas ako ng tingin ng makitang nakatingin na din sa akin si Kai.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya. Lilipat na sana ako ng daan upang hindi na kami magkasabay kaso ay tinawag niya na ko.

"Puta," naibulong ko nalang at humarap na sa kanila.

Ngumiti ako sa kanila. Agad na lumapit naman sa akin si Kai.

"Hello my friend." Bati agad niya sa akin at itinaas ang kamay.

Anong gusto mo apir?

Imbes na apiran siya ay nilagpasan ko siya.

"Basted na pala agad 'tong bata natin. Tskk, mahinang nilalang." Narinig kong sambit ni Huxley.

Nasa likod na namin ngayon ang magpipinsan habang naglalakad.

Sa dinami-dami ng estudyanteng pwede kong makasabay bakit siya pa?

"Akala mo naman di ka basted huxley? Yabang mo ah." Sagot sa kanya ni Legion na narinig kong tumatawa.

Nasa likod lang din namin ang mga babae niyang pinsan na hindi man lang ako hinatak mula sa pinsan nila.

"Kumain ka na?" Tanong sa akin ng katabi ko.

Bakit parang ang layo naman bigla ng gym ngayong kasama ko si Kai?

Loving the BadWhere stories live. Discover now