Chapter 34

3.4K 80 3
                                    


"Damn! she got it bad." Narinig kong bulong ni Ryko habang nakatingin sa akin gamit ang nang-aawang mga mata.

Patuloy lang ako sa paghagulgol habang iniinom ang shot ko.

"Gago, ganiyan ka din naman noong nakaraan." Binato siya ng wrapper ng piattos ni Nadia.

"At least hindi na ako ganiyan ngayon." Sagot pabalik ni Ryko.

"Mas magaling ka lang magtago." Nakita kong nginisian siya ni Rei.

It already has been three months since Kai broke up with me but here I am, getting my broken ass drunk again.

Noong nagsimula muli ang klase pagkatapos ng New Year ay madalang ko nalang makita si Kai sa University. Oo malaki ang University namin ngunit hindi naman ganoon kalaki upang hindi namin makita ang isa't-isa.

Tuwing magkakasalubong kami ay mayroong isang iiwas—siya o kaya'y ako.

Wala na din akong masyadong balita tungkol sa kaniya. I tried talking to him but he always find a way to dodge.

Tuwing umiiwas siya ay napapatulala nalang ako o napapaiyak. Sobrang sakit na makita ang taong mahal mo na noo'y gustong-gusto kang makita pero ngayon ay para kang may nakakahawang sakit na kailangan niyang iwasan.

"You can't always be like this Amara! Hindi ba kinausap ka na ng prof pati ng dean niyo? Isang bagsak mo pa ay mawawala na ang scholarship mo! Get your fucking shit together!" Sigaw sa akin ni Stacie habang itinuturo ang mga exams, quizzes at card na bumagsak ako.

Tulala ko iyong tinignan. Shit! Puro bagsak! Umiikot lang ang grade ko doon sa 75 hanggang 80. Iyong card ko naman ay hindi man lamang umabot sa tres.

"Dahil lang kay Kai sisirain mo buhay mo? Tangina, Amara! Tatlong buwan ka ng ganiyan!" Nagsimulang magtubig ang mata. "Can you look at yourself at the mirror? You look like a shit!"

'Dahil lang?'

Si Kai iyon! Siya ang unang lalaki na pinapasok ko ng tuluyan sa puso ko! Siya 'yung sinabihan ko ng sekreto at problema. Siya yung taong mahal ko!

"Hindi na babalik si Kai, Amara! Keep that in your mind because Kai won't come back to your fucking arms anymore! Hindi ka na nga daw mahal diba? Iba na nga daw ang mahal!"

Yeah, right. Iba na ang mahal, hindi na ako.

"Stacie, take it easy on her." Narinig kong saway ni Ajax sa kaniya.

Nagsimula akong umiyak ng ma realize ang lahat ng pinagagawa ko. I look at myself in the mirror.

All I can see is a broken girl. Wala na ang dating masayahin at mataray na Amara. I am hugged by loneliness and sadness. My eyes look really dark and empty. I look dead. I look like I am barely surviving the whole three months.

Sobrang lalim at itim na ng eye bags ko dahil sa pag-iyak. Minsan ay dumadating nalang sa point na tuwing nagrereview ako at maiisip si Kai ay napapaiyak ako kaya lagi kong kasamang mag review ang mga kaibigan ko.

Kinausap nadin ako ng iba ko pang prof at ang dean ng school last week kung mayroon daw akong problema dahil patuloy na bumababa ang grades ko. Kung ipagpapatuloy ko pa daw iyon hanggang sa finals ay mapipilitan na silang alisin ang scholarship ko.

"We are all taking it easy on her for the last three months, Ajax. She needs to hear this." Kunot noong tinignan ako ni Nadia at inigaw ang alak sa harapan ko.

"Is this what you want, Amara? Gusto mo bang mauwi lang sa wala lahat ng pinaghirapan mo? Because for sure tita and tito won't like that." Ngayon ay mas mahinahon at puno ng diin na sinabi ni Stacie. "He fucking cheated on you Amara, the moment he spent with Febbie while you were still together? That's fucking cheating. The moment he realized that he felt something for Fthat girl and still choose not to break up with you immediately is cheating."

Loving the BadWhere stories live. Discover now