Chapter 51

3.9K 72 8
                                    



"Happy Birthday, girl!" Tumatakbo si Francesca habang papalapit sa akin.

Ang parehong braso niya ay nakabuka at handa na akong yakapin sa oras na siya ay makalapit. Malaki ang ngiti sa kaniyang labi.

May nasagi pa siyang isang nurse dahil sa laki ng pagkakabuka ng kaniyang braso.

"Thank you! Akala ko hindi mo naalala." Ngumiwi ako sa kaniya.

Sino ba kasi ang hindi nakaalala sa birthday ko? Syempre ang magaling na si Kai Vasquez. Simula kanina ay hindi man lamang niya ako binati.

Pagkagising ko ay nag-aabang na ako ng surprise mula sa kaniya pero ang lalaking iyon ay tulog na tulog parin!

Sure naman ako na naka- set sa facebook ko na birthday ko ngayon. Hindi ko lang alam kung bakit ang tangang si Kai ay hindi alam iyon.

My phone is already bombed with text from unknown number and friends wishing me a happy birthday. Kahit ang social media ko ay puro iyon ang bumubungad sa akin.

Hindi ko lang talaga alam kung bakit ni hindi lamang ako nagawang batiin ni Kai.

"Bakit naman kita makakalimutan, Doc!" Humiwalay na siya sa yakap.

"Happy Birthday, Stacie!" Bati sa akin ng iba pang nasa ospital.

At least now I don't feel that not all of them hates me.

"Tell me! May supresa ba sa'yo si Attorney?!" Impit na tumili si Francesa.

Madiin siyang nakahawak sa kaniyang kamay habang nakapikit pa na akala mo talaga ay kinikilig siya.

"Surprise? Ni-hindi nga ako binati n'on!" Sumimangot ako at umirap.

Akala ko pa naman ay magaling magsaulo ang mga lawyers. Sa dinami-dami ba naman ng mga batas, provisions o kung ano pa man na kinabisado ni Kai ay tanging birthday ko lang ang hindi niya nagawa.

I gritted my teeth with that thought.

"Baka naman mamaya ka pa isu-surprise. Abangan mo nalang. Malay mo biglang may pinahanda pala!" Alu niya sa akin.

Surprise?

Nabuhayan ako ng dugo dahil sa sinabi niya. May posibilidad naman siguro na mayroon talaga siyang surprise sa akin 'di ba? Maaga pa naman. Baka mamayang gabi niya ako balak batiin.

Siguro ay may pa dinner siya mamaya?

Napangiti ako ng hindi namamalayan dahil sa naisip niya.

Masaya ako buong araw na iyon at noong sumapit na ang oras ng tapos ng aking pasok ay masaya din akong nagligpit.

Masaya ako dahil inaasahan ko na mayroong supresa sa akin si Kai pagdating ko sa condo unit namin.

Naisip ko na kanina ang mga paraan kung paano niya ako isu-surprise. Kahit nasa isipan ko pa lamang iyon ay sobra na ang kilig ko.

Malaki ang ngiti ko ng pumasok ako sa loob ng unit ni Kai.

"Kai!" Nakangiti kong sigaw.

Ngunit napawi agad iyon ng makitang walang tao sa loob ng unit.

I checked all the rooms of his unit but it was all empty.

Walang lobo. Walang pagkain. Walang bulaklak. Walang cake. Walang surprise at higit sa lahat ay walang Kai ang nag-aabang sa akin doon.

Pabagsak kong inilapag ako bag na suot ko sa sofa at pagod na humikab doon.

Humapdi ang aking puso dahil hindi naalala ni Kai ang birthday ko ngayong araw.

Loving the BadDär berättelser lever. Upptäck nu