Chapter 44

3.8K 79 8
                                    


"Fuck! I'm so s-sorry." Hiniwalay ko agad ang aking labi mula sa kaniya at mabilis na lumabas ng kaniyang apartment.

I left him dumbfounded at his living room. Siguro, dahil sa pagkagulat sa ginawa kong paghalik sa kaniya ay hindi na niya ako nagawang sundan.

The feeling of my lips kissing him lasted. Kahit na ilang minuto na ang nakalipas ay nararamdaman ko pa din ang lambot ng kaniyang labi.

Hinawakan ko ang aking labi at kinagat iyon.

What's gotten into my mind?!

Ang pagkakaalam ko ay pumunta lamang ako doon para makipag-usap sa kaniya, hindi upang makipagbalikan!

Hiyang-hiya ako ngayon dahil sa ginawa kong paghalik kay Kai matapos naming mag-usap sa kaniyang condo. Dumiretso ako agad sa aking apartment at kinuha ang aking uniform.

Dali-dali akong dumiretso sa condo ni Stacie upang doon na mag-ayos para sa duty ko mamaya.

Pinindot ko ang passcode niya at pumasok na doon. Yes, she gave me her passcode when she was too drunk to type it.

Wala dito sa loob ng kaniyang condo si Stacie dahil mayroon siyang duty sa ospital. Laking pagpapasalamat ko na alam ko ang passcode niya dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Ang dahilan kung bakit hindi ako nagtagal sa apartment ko ay dahil alam ko na maaaring doon ako unang puntahan ni Kai.

Knowing him, he would probably come looking for me at my place. Then at the hospital.

Tulala ako sa living room ni Stacie dahil sa pag-iisip kung paano ko tataguan si Kai. Marami naman siguro akong pagkaabalahan doon para hindi makita ni Kai.

Dumalaw din sa isipan ko ang isa sa mga sinabi ni Kai sa akin kanina.

His mom made him break up with me. She manipulated him so he would end up with Febbie.

Pinaikot niya kaming dalawa ni Kai sa kaniyang palad. Hindi ko alam kung mas mabuti bang nalaman ko ang tungkol doon o mas maganda na wala akong alam.

Mas lalong nagbago ang tingin ko sa mama niya.

How can she do that to his own son?

I was in a deep thought while putting my clothes on.

"Shit!" Bulong ko sa aking sarili ng hindi nagpantay ang blush on ko.

Binura ko ulit iyon at inayos.

"I hope today will be a busy day." Bulong ko sa sarili habang pumapasok sa loob ng ospital.

Lumingon ako sa paligid upang i-check kung nandito ba si Kai.

Luckily he was not.

Nagpalit ako ng aking uniform at nagmadaling inabala ang aking sarili. Halos akuhin ko na ang ibang ginagawa ng mga kasamahan ko upang maging handa kung sakali man na dumating si Kai dito.

Laking pasasalamat ko ng hindi ko makita ni anino ni Kai sa loob ng ospital. Ngunit pagkarating ko ng cafeteria ay biglang umurong ang gutom ko.

Kai is sitting at a table while looking straight at my direction. Unlike before, he was alone. Walang nakapalibot sa kaniya na pinsan.

Napalunok ako dahil sa malalim na pagtitig niya sa akin.

Kai Vasquez presence is screaming power and ignorance at the hospital. His presence attract to much attention. Wala ni isang tao ang lumalapit sa kaniya.

I was about to turn my back on him when out of nowhere, Franscesca showed up to push me to sit with Kai.

Matalim ko siyang tinignan ng umalis siya habang malaki ang ngiti sa akin.

Loving the BadWhere stories live. Discover now