Chapter 37

3.7K 99 17
                                    


hello !! thank you for the 1k reads, everyone! let us grow more, love lots !!

p.s. : i would really appreciate if you guys will promote the story !! stay safe, loves.
- - - -

"Bad shit talaga ko kay Kim! Halatang may galit sa akin, e. Porket ahead siya sa atin ng two years grabe na mag-utos! Akala mo siya supervisor." Simangot ni Stacie sa akin.

Kanina pa siya nag ra-rant tungkol sa Kim na 'yon, iyong resident dito sa ospital. Ahead si Kim ng two years sa amin at puro utos daw sa kaniya na akala mo siya ang supervisor.

Mayroon pa daw na isang beses na ipinahiya siya noon sa harap ng ibang mga intern at resident ng ospital.

Sa paraan ng pagsasalita ni Stacie ngayon ay parang kaya na niyang ilibing ng buhay si Kim.

"Easy ka lang, ta-tanda ka agad niyan!" Hinawakan ko ang noo niya at inalis ang pagkakakunot noon.

"Hoy! Don't touch me! Baka mamaya hindi ka man lang naghugas ng kamay." Nandidiri niyang sabi

Wow!

Mula sa galit na Stacie kanina, ngayon naman ay nandidiri siya.

Napaka arte!

Kinuha ko ang bote ng alcohol mula sa aking bag at nag spray sa aking kamay. Habang ginagawa ko iyon ay matalim ang tingin ko sa kaniya.

Inismiran ko siya pagkatapos noon at itinago na ang alcohol.

Baka mamaya ay mabuhos ko pa 'to sa kaniya, e.

"Kung hindi lang talaga ahead 'yang Kim na 'yan baka nasampal ko na 'yan, e. Akala mo kung sinong maganda." Gigil na gigil talaga siga kay Kim.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pang lalait sa Kim na 'yon.

Kim really made her blood reach the boiling point

"What are you doing? Nagku-kwentuhan?" I heard a scoff. "Gusto niyo bang i-report ko kayo sa supervisor niyo?" Napatingin ako sa pinagmulan ng mataray na boses na iyon.

Tinignan ko ang kabuuan niya. Nakita ko ang pangalan niya mula sa kaniyang identification card.

Kim Gonzales

Siya siguro ang Kim na tinutukoy ni Stacie.

Nakaarko ang kilay nito sa amin. Ang mga tingin niya ay para bang anong oras ay babalatan na niya kami ng buhay. Maputi ang kaniyang kutis at maganda kaso masyadong ma-ugali.

"Go back to your post!" Singhal nito sa amin.

Ngayon ay alam ko na kung bakit galit na galit sa kaniya si Stacie.

"Doktora Kim," Madiin na banggit ni Stacie sa pangalan niya.

Parang kanina lang ay Kim lang ang tawag niya. Ngayon ay may doktora na.

Nginitian ni Stacie si Kim, 'yung ngiti na nambu-bwisit.

"Break po namin ngayon at mayroon pa kaming 15 minutes bago matapos 'yon." Malumanay niyang dugtong.

Umirap sa aming si Kim at biglang nag walk-out. Napahiya ata.

Umirap agad si Stacie pagkaalis ni Kim at tumawa.

"Epal kasi masyado. Napahiya tuloy siya ngayon."

Nakalimutan ata ni Stacie na nasa tabi niya ako dahil tuloy-tuloy siyang lumabas ng ward ng hindi man lamang ako nililingon.

Napailing nalang ako dahil sa ginagawa niya. Napagdesisyunan ko nalang na bumalik sa duty ko. Inayos ko na din ang iba pang mga medical forms at records ng mga pasyente dito sa ward namin.

Loving the BadWhere stories live. Discover now