Chapter 6

4.8K 116 10
                                    


"Tara rides." Aya ko nalang kay Stacie at nag-iwas tingin sa live porn na nagaganap sa aming harapan.

"Uy! Na-hurt." Asar niya sa akin habang tumatawa.

I mentally slap my head. Never in my life I would be hurt by that scene. As if naman na type ko si Kai. Sobrang layo niya sa type kong lalaki.

"Asa." Sagot ko kay Stacie.

I stuck my tongue out at her. Hinila ko siya upang makabili ng ticket sa ticket booth. Sa kamalas-malasan naman ay sobrang haba ng pila.

"Tara kain muna tayo," aya nalang niya sa akin.

Mamaya nalang siguro kami sasakay sa mga rides.

"Asan na ba sila Ajax?" Tanong ko.

I was pertaining to our friends. Magkakasama naman kami noong mga nakaraang araw. Pero mayroon kaming usapan na magsasama-sama kaming pito ngayon dahil end party na.

"Wait, tawagan ko."

Kinuha niya ang cellphone niya at nagsimula ng tumawag. Nag chat din siya sa group chat namin.

Stacie : Hey bitches! Asan na kayo?

Ryko : Asa puso mo. Ayieee!

Stacie : Ulol! Di tayo talo.

Ajax : Aray daw sabi ni Ryko HAHAHA

Nadia : Asa may cafeteria kami nina Rei and Frei.

Umupo na ako sa table pagkatapos umorder. Dito kami kumain sa Stall ng Engineering para mapuntahan kami agad ng mga kaibigan namin.

Stacie : Punta kayo here sa may Stall ng Engineering!

Ajax : Kami pa mag-a-adjust?

Me : Just get your ass off here!

Ryko : Opo, Madam. Papunta na po kami.

Hinintay namin sila doon. Naka-order na kaming dalawa ni Stacie. Bumili din kami ng Milktea sa isang malapit na stall. Humigop muna ako sa milktea ko habang hinihintay sila.

Nagulat ako ng itinago ni Stacie ang milk tea niya. Nakita ko na ang paparating naming mga kaibigan. Itatago ko na sana ang milktea na iniinom ko ng biglang tumakbo si Ajaz at inagaw iyon.

"Hoy! Bumili ka ng sayo!" Reklamo ko dito habang pilit na inaagaw ang milktea ko.

Ipinasa pa niya iyon kay Ryko na uminom din.

"So refreshing!" Tawa ni Ryko bago iniabot sa akin ang milktea ko na nangalahati na dahil sa kanilang dalawa.

"Sarap ng libre." Sabi pa ni Ajax at umupo na.

Umupo sa tabi ko si Nadia, Rei at Ajax habang tumabi naman kay Stacie si Frei at Ryko.

Biglang inagaw ni Frei ang nakatagong milktea ni Stacie na agad niyang ininuman at iniabot kay Nadia at Rei na uminom din.

Rei is taking Architecture together with Nadia. Si Frei naman ay Business Management dahil siya ang magmamana ng company nila. Rei, Nadia and Frei are all loud but Rei is more of a soft-hearted person while Nadia is hard-hearted. Si Frei naman ay in-between.

"Hoy kadiri kayo!" Nakasimangot na sabi ni Stacie habang pinupunasan ang straw.

"Mga dakilang buraot talaga kayo no?" Tanong ko sa kanilang lahat.

Tumawa lang sila.

Anong nakakatawa? Totoo naman.

Minsan ang hirap talagang mag share ng gamit sa mga kaibigan lalo na kapag pagkain.

Loving the BadWhere stories live. Discover now