Chapter 24

3K 72 2
                                    


Pagkadilat ko ng aking mata ay naramdaman ko ang sakit ng aking ulo dahil sa walang sawang pag-iyak kahapon. Mahapdin din ang aking mga mata dahil sobrang late ko ng natulog dahil sa pag-iisip.

Mabuti na lamang at wala akong pasok ngayon sa coffee shop at kung mayroon man ay siguradong hindi ako papasok dahil ayokong mayroong makakita sa akin sa ganitong estado.

Kung kailan wasak ako. Kung kailan sobrang nasasaktan ako.

Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga habang hawak-hawak ang aking ulo. Napapikit ako ng mariin bago tumayo at dumiretso sa kusina.

Naramdaman kong nanghihina ako dahil hindi naman ako kumain kagabi dahil sa sobrang pagod. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko.

Dumiretso ako sa kusina upang magtimpla ng kape at magluto ng makakain.

Nang matapos ay agad akong kumain upang magkaroon ng lakas.

Mag-uusap pa kami ni Kai mamaya dahil hindi na kami nakapag-usap kagabi dahil sobrang pagod na ako. Physically and mentally. Parang kaunting galaw ko nalang ay sa-sabog na ako dahil sa mga emosyong nararamdaman ko.

When I was finally done eating and thinking about 'what if's' ay naligo na ako.

Sobrang tagal kong naligo sa banyo. Nakatitig lang ako kanina sa tubig at sa pag-agos nito sa aking katawan. I wish this water can take away all the pain.

Nang matapos na ay nag ihis agad ako ng isang itim na crop top at isang denim shorts. Tinignan ko ang oras. It is already pass 12 in the afternoon.

To: Bebe Kai Pogi

Let's meet.

Binuksan ko ang pinto ng aking apartment upang lumabas muna sandali.

Kumunot ang aking noo ng makita ang kotse ni Kai na nakaparada padin doon.

Dahil heavy tinted ang kaniyang sasakyan ay lumapit ako doon upang makita kung nandoon ba siya. Inilapit ko ang aking mukha sa bintana upang tignan.

Nakita ko siya doon na mahimbing na natutulog. Nakapatong ang kaniyang ulo sa manibela. Tinignan ko ang damit niya at iba na iyon.

Akala ko kasi ay hindi siya umuwi sa kanila.

Kumain na kaya ito? Kanina pa ba siya dito sa labas? Bakit hindi 'man lamang niya ako tinext?

Dahan-dahan kong binuksan ang kaniyang sasakyan at isinarado iyon.

Dahil doon ay naalimpungatan siya at nagising. Nakatingin lang ako sa harap at hindi na siya tinignan pa.

"Kanina ka pa dito?" Tanong ko habang diretsong nakatingin sa daan.

"Uhm..." Sabi niya sa paos na boses. "Oo, kagabi pa. Umuwi lang ako kaninang umaga sa condo para maligo."

Nagulat naman ako doon.

Kaninang umaga lang siya umuwi? Ibig sabihin ay simula kagabi ay nandito na siya hanggang ngayong tanghali? Dito siya sa kotse natulog.

"Kumain ka na?" Malamig na tanong ko.

Hindi naman ako ganon ka-harsh sa kaniya. Kahit na mayroong picture niya at ni Febbie akong nakita.

"Nope, but I'm okay." Agad niyang sagot sa akin.

"Umuwi ka muna. Kumain ka at matulog. Tsaka nalang tayo mag-usap mukhang pagod ka." Seryoso kong sabi sa kaniya at lumingon.

"No I'm fine really." Tumango siya sa akin. "Want us to talk now?"

He insisted about us talking right now. Hindi naman daw siya pagod at inaantok dahil natulog siya dito sa kotse at kumain naman daw siya kanina ng breakfast.

Loving the BadNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ