Chapter 25

3.4K 57 11
                                    


Nakapag-resign na ako sa coffee shop nina Stacie. Naka-usap ko na din si Tita. Ibinigay niya sa akin ang sweldo ko para sa buwan na iyon na itinago ko naman.

Nakapagpaalam na din ako kina Louie, Kristine at Angela.

Ngayon ay mag-e-enroll na ako para sa 1st semester ng taong ito.

Dinala ko ang lahat na kailangan kong papeles para makapag-enroll. Dinala ko ang grades ko dahil kailangan iyon.

Nakauwi na din ang mga kaibigan ko mula sa bakasyon nila kahapon. Hindi pa kami nakakapag kita-kita dahil mayroon daw silang jetlag pero magkikita-kita kami ngayon sa University upang sabay-sabay na mag-enroll at upang makapagkita-kita na din.

"Tara na?" Aya sa akin ni Kai. Tumango ako sa kaniya at sumakay sa sasakyan.

Magkasabay din kaming mag-e-enroll ngayon ngunit sa magkaibang building. Doon kasi siya sa kabilang building dahil magkaiba kami ng college.

Nakasuot si Kai ng isang puting t-shirt na mayroong minimal print sa gilid at isang black pants at ang kaniyang Gucci shoes.

Ang pogi naman ng boyfriend ko!

Para sa akin ay sobrang lakas ng dating niya. Kitang-kota ko mula sa aking upuan ang kaniyang muscles habang nag d-drive.

Mapapa mura ka nalng talaga.

"Laway mo," He chucked before handing me a tissue.

Akala ko talaga tumutulo iyong laway ko kaya pinunasan ko pero wala naman.

"Ang epal," Irap ko sa kaniya at inilagay ang tissue sa bag ko.

Nang makarating kami sa University ay tumingin ako sa kaniya.

"I'm going out with my friends later and baka mamayang gabi mag club kami. Baka hindi na ako makasabay sa'yo pauwi." Paalam ko sa kaniya.

Alam niya naman na kakarating lang ng mga kaibigan ko mula sa family out of the country trip nila.

"Okay, just text me kung mag papasundo ka." Tango niya sa akin.

Bumaba ako ng makarating na kami sa parking lot ng University.

Inayos ko ang suot kong black ripped jeans at baby pink na spaghetti strap.

Naglakad na kami ni Kai papunta sa building ko dahil gusto daw niya akong ihatid doon. Makikipag kita din siya sa iba niyang kaibigan sa College of Law. Ang akala ko nga ay wala siyang ibang kaibigan dahil puro pinsan niya ang nakikita kong kasama niya pero mayroon naman daw.

"Anong sa-sabihin mo kapag mayroong pumorma sa'yo sa pupuntahan niyo mamaya?" Tanong niya sa akin ng makarating kami sa harap ng building ko.

Nakita ko doon si Stacie. Wala doon ang iba dahil sa ibang building sila dahil iba-iba kami ng College.

"Tomboy ako," Nakasimangot kong sabi.

Iyon ang pinag-uusapan namin kanina sa kotse niya. Para daw walang pumorma sa akin ay sabihin kong wala akong gusto sa lalaki at babae ang type ko.

Sobrang naasar ako sa kaniya dahil doon. Napakadaming alam!

Tumawa siya sa akin at pinisil ang ilong ko. Iminuwestra na niya ako papasok sa registrat office kaya pumasok na ako.

Kumaway ako sa kaniya mula sa salamin at tuloy-tuloy na nilapitan si Stacie na nakapila.

Tinaasan niya ang kaniyang kilay sa akin at tsaka ngumiti at niyakap ako.

Loving the BadWhere stories live. Discover now