CHAPTER 4: FIANCÉ

1.1K 28 0
                                    

Estrella's POV
"Engr. Alejandro may naghahanap po sa inyo sa labas." Tawag sa akin ng isang construction worker.

Nandito kasi kami sa loob ng site ni Engr. Castillo para tignan ang ginagawa ng mga nagtatrabaho. "Sige salamat kuya." Nagpaalam ako kay Engr. Castillo at pinayagan niya naman ako.

Ang nakakapagtaka lang ay sino kaya 'yong naghahanap sa akin kasi kung isa lang naman sa mga katrabaho ko yung humahanap sa akin ay sasabihin naman sa akin nung kuya. Hinubad ko ang suot kong hard hat pagkalabas ko ng nasabing site.

Nakasalubong ko si Architect Morales na papasok naman sa loob ng site. Lumapit siya sa akin na parang may sasabihin. "Nandito yung fiancé mo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ano ginagawa niya rito?!"

"S-Syempre para bisitahin ka." Inirapan ko lang.

"Nasaan siya?"

"Nandoon sa may silong kasama si Mr. Victoria." Lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ano?!"

Pinagtulakan ako nito. "Sige na puntahan mo na siya."

Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa silong na ginawa rin ng mga construction worker. Malaking silong 'yon ng pinagtagpi-tagping yero na minsan ginagawang pahingahan ng mga trabahador.

"L-Lance." Medyo hingal kong sabi ng makalapit ako sa kanila ni Mr. Victoria.

Parehas silang tumingin sa akin na nakaupo sa upuang kawayan at nag-uusap. Tumayo si Lance at nilapitan ako. Niyakap ko agad siya habang siya naman ay hinalikan ako sa nuo at baba. Kahit na wala si papá sa harap namin ay kailangan naming umarte na sweet kaming dalawa sa isa't isa. Hanggat may nakatingin na ibang tao kailangan ganito kami.

"I miss you." Sabi ko sa kanya na sapat para marinig ni Mr. Victoria.

"Namiss din kita." Niyakap ulit ako nito at ilang sandali pa ay narinig ko ang mahihina nitong tawa.

Kumalas ako sa yakapan namin at pinanlakihan siya ng mata. Ganito 'to kapag kailangan naming maging sweet sa isa't isa. Natatawa dahil hindi kayang panindigan ang pag-arte. Natigil lang kami sa ginagawa nang marinig namin ang pagtikhim ni Mr. Victoria.

"Akala ko ba may date kayo?" Nakakunot nuo 'to nang magtanong at parang wala sa mood.

"Date?" Gagad ko.

Hinalikan ako ni Lance malapit sa tenga at saka bumulong. "I'll explain later."

"Pero paano ang trabaho ko?" Tanong ko sa kanya.

"Tumawag na sa akin kanina si Engr. Alejandro para ipaalam ka Estrella." Sagot ni Mr. Victoria.

Ano?! Si papá nagpaalam kay Mr. Victoria?! Ano na naman ang pumasok sa isip non. Oras ng trabaho pinapunta rito si Lance. Sigurado ako na may trabaho ring naiwan si Lance sa Manila.

"Tara na hon." Pinisil ni Lance ang bewang ko para umalis na.

"W-Wait!" Pero wala na akong nagawa ng sapilitan akong hinila ni Lance papunta sa sasakyan niya.

"Seriously?! Where going out on a date? Look at my attire." Pinasadahan naman niya ang kabuuan ko.

"Nah. Pupunta tayo sa tinutuluyan mo. Gusto kong matulog. Napagod ako sa flight ko."

"WHAT?! Matutulog ka lang sinundo mo pa ako sa trabaho." Galit ko siyang tinignan.

"Oo naman. Anong malay ko kung nasaan ang tinutuluyan mo." Kumalma na ako dahil totoo nga naman ang sinabi niya. Mamaya ay magkanda ligaw-ligaw pa 'to rito.

Only To You (R-18 COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें