CHAPTER 9: SMILE

859 21 0
                                    

Estrella's POV
"Where are you Estrella?" Papá asked on the other line.

"I'm driving my car sir. Naglunch date lang kami ni Lance, malapit na ako."

"Okay bilisan mo. Pumunta ka agad dito sa conference room. Makinig ka sa meeting namin."

Bakit nasama pa ako sa meeting? "Okay." I didn't even bother to say bye to him before I ended his call.

Ilang sandali pa ay nakarating na ulit ako sa ProBuild at gaya ng gusto ni sir Alejandro ay doon na ako sa conference room dumiretso. Nanglingunan sa akin ang mga nasa conference room na ang laman ay si papá, ang team ko noon sa Cebu at saka si Zack at may katabi siyang lalaki na hindi nalalayo ang itsura sa kanya at kayang-kaya nitong makipagsabayan sa kagwapuhan ni Zack.

Iniwasan ko ng tingin si Zack ng makita ko siya na nakangisi sa akin. Dumiretso ako ng upo sa nag-iisang bakanteng upuan at sa kamalas-malasan ay sa tapat pa niya. Argh!

"Sorry am I late?" Tanong ko sa mga kasama ko.

"Nah. Kararating lang din namin dito. Saan ka ba nagpunta? Nakipagdate ka na naman sa fiancé mo ano?" Hirit ni Architect Morales kaya tinukso pa ako nila Engr. Castillo.

Napailing na lang ako at nagsalita. "Kung wala ng hinihintay let's start?"

Nagsisang-ayon naman na ang lahat. "Okay let's start." Panimula ni papá. "So team kilala niyo naman na si Mr. Kiano Victoria yung nagpagawa ng Victory Hospital sa Cebu, kaya hindi ko na siya ipapakilala sa inyo. This gorgeous man behind him is none other than Chef Kian Zaturn Victoria, ang nagmamay-ari ngayon ng Victory Hotel. Diba ay nakilala niyo na rin siya sa Cebu, nung palitan niya si Mr. Kiano roon?"

Nagtanguan ang team ko bukod sa akin. Paano ko naman siya makikilala eh wala na ako sa Cebu noon nung siya ang pumalit kay Zack.

"Nandito silang dalawa ngayon dahil may gusto na naman silang itayo na proyekto at gusto nila ay tayo ulit ang manguna roon." Sir Alejandro added.

Nakipagkamay sa akin yung kapatid ni Zack at saka umupo ulit. "You must be Engr. Alejandro right? Yung naaksidente sa site kaya hindi na kita naabutan doon?"

"Y-Yeah. Ako nga, nice to meet you."

Ngumiti siya sa akin. Unlike Zack na kapag ngumiti ay laging nang-aakit siya ay genuine ang ngiti. "Nice to meet you too. I'm glad you're fine."

Tumikhim si Zack kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin na naman ito ng matalim pero hindi sa akin kung hindi sa kapatid niya. Tinawanan lang ito ng katabi at saka nag-umpisa na sa talagang pakay nila.

"Nakita ko kung gaano kapulido at kaganda ang kinalabasan ng Victory Hospital sa Cebu. Dahil ang plano ko talaga ay magpagawa ng Victory Hotel sa Batanes kapag natapos ang isang hospital namin sa Cebu. Naisip ko kayo na lang ulit ang kukuhanin ko para sa Victory Hotel dahil talagang namangha ako sa naging yari ng hospital. Sana ay ayos lang sa inyo." He said.

"Kapag pumayag kami, sa Batanes naman kami madedestino this time?" Engr. Castillo asked.

"Yes. Huwag kayong mag-alala lahat ng kakailanganin niyo ibibigay namin. Kagaya nung naging setup natin sa Cebu." Si Zack na ang sumagot.

"Ano pipirmahan ko na ang kontrata?" Tanong ni papá sa amin.

Nagthumbs up ang mga kasama ko kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tumango na lang. "Except you Estrella. Hindi ka sasama sa Batanes."

Nilingon ko si sir Alejandro dahil sa sinabi niya. "But why? I'm okay now."

"Simula ngayon hindi na kita ipapadala sa mga site. Dito ka na lang sa firm, mas ligtas ka rito." Hindi na maipinta ang mukha ko sa sinabi ni papá pero hindi na ako sumagot pa.

Only To You (R-18 COMPLETED)Where stories live. Discover now