CHAPTER 34: STARE

807 21 0
                                    

Estrella's POV
Nang makaalis na ang bridal car ni Esperanza lulan siya ay naghintay pa ng ilang sandali sila Michael bago kami sumunod sa pagdadausan ng kasal.

"Ma'am Estrella nakahanda na po ang kwarto niyo sa hotel na pupuntahan natin. Si Kuya Joco po ang kukuha ng live footage ng nangyayari sa kasal ni ma'am Esperanza at sir Lance para sayo. Ayaw po kasi ni ma'am Esperanza na mapahamak kayo pero kung gusto niyo raw po na manuod sa kasal niya ng personal ay ayos lang daw po sa kanya." Sabi ni Michael sa akin na nagdadrive.

"I'm okay with the first one. Sana naman ay maganda ang pwesto nila Joco para maganda sa live footage." Sabi ko at saka tumanaw sa bintana.

"Kailan kayo ma'am babalik sa bahay. Malaki na po ang tiyan niyo at mukhang malapit na po kayong manganak." Sabi naman ni Alvin na nasa passenger seat katabi ni Michael.

"Limang buwan pa lang akong buntis Alvin. Kambal kasi kaya ganito kalaki." Natatawa-tawa kong paliwanag.

Lahat naman ng kasama ko sa van ay nagreact maliban kay Eloisa na tahimik sa tabi ko. Kanya-kanya silang bati sa akin at hindi naman ako napagod na pasalamatan sila.

Nang makapasok na kami sa parking lot ng resort ay nagsalita muna si Michael bago kami bumaba. "Ma'am Estrella sumunod ho kayo sa pupuntahan ko ha? Kailangan ho kasi na hindi ko kayo kasabay maglakad para walang makahalata sa akin. Huwag po kayong mag-alala dahil nakasunod naman sa likod niyo sila Alvin."

Tumango ako at saka sinuot na ang shades at face mask. Inalalayan kaming lumabas ni Michael saka nauna siya ng mga sampung hakbang sa amin ni Eloisa. Kalmado lang ako habang papasok kami sa hotel para walang problema. Napansin ko na hindi kami dumaan sa main door kung saan may front desk. Dito pala kami dumaan sa likuran ng hotel na konektado sa parking lot.

Pagpasok namin sa kwarto na para sa amin ay may nakahanda ng laptop at headset sa isang katamtaman ang laki na mesa. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa sling bag ko dahil tumunog ito.

From: James
The wedding ceremony just started.

Iginaya naman agad ako ni Michael sa harap ng laptop at pinaupo sa harapan non. Siya na rin ang nagkabit ng headset sa tenga ko dahil nakasindi naman na ang laptop ng maabutan namin.

MAGKAKASUNOD na tumulo ang mga luha ko sa mata kaya naman maya't maya ay inaabutan ako ni Eloisa ng bagong tissue. Katatapos lang kasi nilang magbigay ng vow dalawa at itinalaga na rin ng pari na ang kakambal ko ay isa ng ganap na Bartolome.

I'm happy for her, for the both of them. Maging si Lance ay kitang-kita ko nanggigilid ang luha sa mga mata kanina nung magbigay sila ng vow sa isa't isa. They deserve each other and they deserve to be happy. Napalingon ako sa pinto ng bumukas 'yon at saka pumasok si Alvin na may dalang dalawang plato ng pagkain at inumin sa tray.

"Hindi ko po alam kung anong gusto niyong dalawa kaya kinuha ko kayo ng lahat ng nasa handaan. Kapag gusto niyo pa po ay huwag po kayong mahihiyang magsabi."

Pinatay ko na ang laptop at saka inilagay 'to sa sulok ng mesa. "Eloisa tara kain ka na. Sakto at natapos ang kasal ng tanghalian."

"Salamat sa pagkain Michael." Ngumiti lang siya sa akin at yumukod.

"Pupuntahan daw po kayo ni ma'am Esperanza rito mamaya kapag nagkaroon daw siya ng pagkakataon." Nagthumbs up lang ako kay Michael at sabay na nga kaming kumain ni Eloisa.

Nang matapos kaming kumain ay inilabas na ni Michael ang mga kinainan namin. Umupo ako sa kama at saka sinindi ang tv. Si Eloisa naman ay abala sa cellphone niya.

Lumipas ang dalawang oras ay inakyat na kami ni James. "Mamaya-mayang konti ay nandito na sila Esperanza. May ibibigay daw siya sayo kaya hintayin daw muna natin silang mag-asawa." Tumango lang ako at saka bumaba ng tingin sa hawak niyang tray na naman ng pagkain.

Only To You (R-18 COMPLETED)Where stories live. Discover now