CHAPTER 40 (PART 1): REAL SCORE

1K 29 0
                                    

Estrella's POV
Nang masiguro ko na tulog na ang dalawang bata ay bumangon na ako saka ko inilagay ang unan sa gilid ni Zachy. Tumayo na rin si Zack sa kabilang gilid ng maramdaman niya na umalis na ako sa kama at saka hinarangan din ng unan si Kaino sa gilid. Nakapikit na kasi siya kanina habang pinapatulog namin ang mga bata.

Kinuha ko ang bote ng gatas ni Kaino dahil sa ubos na ang laman nito habang si Zachy naman ay dumedede pa rin habang tulog na. "Sa balcony na lang tayo. Baka kasi magising yung dalawa walang magbabantay." I said while arranging the pillows around the twins.

Nauna ng pumunta si Zack sa balcony at sumunod na rin ako matapos ang ilang sandali. Naabutan ko siya na sinusuklay ang medyo mahaba niyang buhok dala ng hangin. Umupo ako sa duyan na pinalagay ko talaga rito para sa amin ng mga bata.

"The time that Esperanza told me that you have feelings for me hindi agad ako naniwala. Alam ko kasi na malabo mangyari 'yon dahil nararamdaman ko na hindi ka pa handa magmahal kaya paanong nangyari 'yon. Kung nasasabi mo lang na mahal mo ako dahil sa mga anak natin hindi ko tatanggapin 'yon." Nakatingin ako sa mga paa ko na nagduduyan habang sinasabi ko sa kanya 'yon.

Nag-angat ako ng tingin ng makita ko ang pares ng paa niya sa harap ko. He's looking at me like he's hurt. With what?! With what I said?!

"To be honest Estrella, I really lust on you the first time we met. Sabi ko non sa sarili ko hindi ako papayag na hindi siya matikman habang nasa Cebu tayo para sa hospital. Kaya nga nung una kitang makita sa restaurant na nakashades ay talagang nakipaglandian ako sayo diba?" Inalala ko ang sinabi niya.

"Hinding-hindi ko rin makakalimutan ang araw na 'yon Zack kasi roon pa lang nagkacrush na agad ako sayo. I'm so excited na magtatrabaho kami sa Cebu at kasama ka pa. Marami na rin naman akong naging crush noon lalo na nung college pero ewan ko ba. Iba talaga yung dating mo sa akin." Wala na akong naramdaman na hiya sa katawan. May anak na nga kami at lahat saka tapos na kami sa kilig-kilig at pakipot na panahon.

"Nung nasa Cebu tayo plano ko talaga na ikama ka. That's an opportunity for me to make a move pero ng malaman ko na may fiancé ka, nagdalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba yung plano. Marami rin naman ibang babae sa Cebu pero sayo talaga ako nagkainteres." Umupo siya sa tabi ko at saka niya ihinilig ang ulo ko sa balikat niya.

"Nagtaka nga ako nung makaramdam ako ng sobrang pag-aalala sayo nung mahulog ka sa ginagawang building non. That feeling is so new to me because I feel it towards a stranger. Kaya nung mauna ka ng umuwi sa Manila dahil nga sa naaksidente ka, hindi ko maiwasan na itanong sa sarili ko kung kamusta na kaya ang lagay mo."

"Then my birthday is coming. Nasa plano ko talaga ang imbitahan kayo lalo na at katatapos lang ng hospital non. I got a chance na makita ka ulit kasi akala ko huli na yung araw na maaksidente ka. I was really happy when you attended my birthday with your father. Hanggang sa sinabi ng papá mo na mauuna na siyang umuwi at doon nabuo ang plano ko." He started swaying the hammock softly to make us relax.

"I had you that night. I was really satisfied with you that time kahit na hindi ko naman first time. Ilang beses kong pinaalala sa sarili ko na malaking kasalanan 'yon dahil may fiancé ka pero wala na akong pakialam non. What is more important to me is that I got your virginity. Lahat naman kasi ng naikama ko ay hindi na birhen dahil 'yon ang gusto ko dahil ayoko ng may pananagutan. But my standard is entirely different when it comes to you."

Tinignan ko ang mukha niya na nagkukwento. Malayo ang tingin niya pero alam ko na nararamdaman niya ang mga titig ko sa kanya.

"I'm so happy when kuya Kian approached me to go with him in your company because he wants the ProBuild to build his new extension of Victory Hotel in Batanes."

Only To You (R-18 COMPLETED)Where stories live. Discover now