CHAPTER 11: BEST FRIENDS

841 22 0
                                    

Estrella's POV
"Kain na Engr. Alejandro." Aya sa akin nila Architect Morales na nagsisimula ng pumwesto sa kahahain lang na pagkain sa bawat mesa.

Kapag kasi tanghalian ay sabay-sabay kumakain ang mga nandito sa site at may nagdadala sa amin ng lutong ulam at mainit na kanin na siyang sagot din ng magkapatid na Victoria. Pwera sa umagahan at hapunan na kanya-kanya na kami ng luto pero yung mga pagkain naman na nakastock sa bawat kwarto namin ay sila pa rin naman ang may sagot.

"Hindi ako sasabay ngayon sa inyo. Aalis ako kasi pupunta ako sa airport. Susunduin ko si Lance." Naghiyawan naman ang nasa mesa na sila Engr. Castillo.

"Ingat ka Engr. Alejandro." Kinawayan ko sila at saka ako naglakad ng kaonti palayo sa site para maghanap ng tricycle na maghahatid sa akin sa airport.

"Manong sa airport po." Pinaandar na rin agad ng driver yung tricycle at hinatid na nga ako sa airport.

"Manong okay lang po ba na pakihintay na kami?"

"Sige po ma'am. Wala pong problema." Bumaba ako ng tricycle at pumunta na sa bungad ng airport at saka ko tinawagan si Lance.

"Hello Lance nandito na ako malapit sa entrance. Saan ka na?"

"Palabas na ko. Wait me there."

"Okay." Nang ibinaba ko na ang cellphone ko ay nakita ko na si Lance na lumabas sa exit.

Tumakbo ako papunta sa kanya. "Lance!" Lumingon naman siya agad sa akin at saka ako nginitian.

Bumeso ako sa kanya ng makalapit ako sa kanya. "May tricycle na naghihintay sa atin sa labas. Saan mo gustong kumain?"

"Sa malapit na lang sa tinutuluyan mo."

Agad ko namang naisip ang isang open restaurant malapit sa tinutuluyan namin. "Sige. Pero ilagay muna natin yung maleta mo sa kwarto ko para hindi na natin siya dala sa kakainan natin."

"Sure."

Pinauna niya akong sumakay sa tricycle tapos ay sumunod na siya. Sinabi ko sa driver ang tinutuluyan ko kaya roon niya kami diniretso mula sa airport. Nagtalo pa nga kami ni Lance kung sino ang magbabayad sa pamasahe pagbaba namin pero ako rin naman ang nanalo.

"This room is really small." He commented when we reach my room.

"Pang-isahan lang kasi talaga 'tong kwarto na 'to." Natawa ako ng hindi niya malaman kung saan niya ilalagay ang maleta niya.

"Ilagay mo na lang dine sa ilalim ng higaan ko. Hindi pa sagabal sa daan." Sumunod naman 'to sa sinabi ko.

"Tara na. Kain na tayo, kanina pa ako nagugutom." Ungot nito at hinihila pa talaga ako palabas.

Nangingiti na lang ako at napapailing sa pinaggagagawa niya. Para talagang bata 'to minsan eh. Tumawag ulit ako ng tricycle at nagpahatid nga kami sa isang kainan na may kalapitan lang naman sa tinutuluyan ko.

Nang makarating kami sa pupuntahan namin ay siya na ang nagbayad sa pamasahe sa kagustuhan niya. "Ano sayo?" Tanong ko sa kanya ng makalapit kami sa counter.

"Sisig na lang."

Sinabi ko sa counter ang order namin at saka kami naghanap ng mauupuan. Nang makaupo kami ay umihip agad ang hangin ng malakas. Ang kainan kasi na 'to ay open na open kaya malayang nakakapasok ang sariwang hangin dito sa loob.

"Let's take a picture." Nilabas ni Lance ang cellphone niya.

"Picture na naman? Para malaman nila papá kung ano na ang lagay natin?"

Only To You (R-18 COMPLETED)Where stories live. Discover now