CHAPTER 30: START

778 20 0
                                    

Estrella's POV
"Bye. Ingat ka pabalik sa Manila James." Sabay kaway ko bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kotse.

Bumusina pa siya ng tatlong beses bago tuluyang pinaandar ang sasakyan paalis sa garahe ko. Pinagmamasdan ko lang si Eloisa na sinasara ang gate at saka kami sabay na pumasok sa buong kabahayan.

Umupo ako sa sofa na nasa sala saka ko tinawagan si inang gamit ang cellphone ni Esperanza. Naka-ilang tawag din ako hanggang sa sinagot niya.

"Hello. Estrella hija."

"Hello inang, magandang gabi. Kamusta kayo riyan?" Malungkot kong tanong.

"Ayos lang kami hija. Teka at ibibigay ko sa kakambal mo ang cellphone para makapag-usap kayo."

"Sige po inang." Ilang saglit pa ay narinig ko na si inang na tinatawag si Esperanza.

"Si Estrella gusto kang makausap." I heard her talking to my twin.

"Hello Estrella nasabi na sa akin ni James ang nangyari kanina. Ayos ka na ba riyan?" I can't help but to cry silently. I'm missing my twin.

"I'm fine here. Mababait ang mga kasambahay dito. Bukas nga ay pupunta sila tito rito para bisitahin ako. Lahat sila na kapatid ni mama, sana ay nandito ka rin para makilala mo sila sis." I said while fidgeting my fingers.

"That's good to hear! Don't worry at darating din ang araw na makikilala ko rin sila. Sa ngayon ay hindi pa kita pwedeng puntahan dahil binabantayan din ni papá ang mga galaw ko simula nung malaman niya na nagpanggap akong ikaw para makalabas ka ng mansyon." Turan niya pero mukhang wala lang sa kanya.

"A-Ano nga palang balita kay papá sa paghahanap sa akin?"

"Natuloy sila sa bahay ni Kiano pero buti na lang at hindi ka na nila naabutan doon. Pinayagan pa nga raw sila ni Kiano na halughugin ang bahay nito pero hindi ka naman nila nakita. Ayon at kaaalis lang kasama sila Joco, I don't have any idea where will they go. Pero sa tingin ko may kinalaman sayo."

"Sa tingin mo hindi na niya ako makikita rito Esperanza?" Natatakot kong sabi.

"Basta mag-ingat ka sa mga galaw mo sis. May mga kasama ka naman sa bahay mo kaya panatag ako na may tutulong sayo. Pero kapag kailangan mo talaga ng tulong ko ay tawagan mo lang ako." Still the over protective sister.

"Thank you sa lahat Esperanza. Miss na miss na kita." Hindi ko napigilan na hindi humagulgol ng iyak.

"Huwag kang umiyak Estrella, hindi maganda 'yan sa mga baby mo. Miss na rin kita at excited na akong makita ang mga pamangkin ko." She said with a very soft voice that melt my heart.

"Can't wait to see you sis. See you soon. I love you."

"See you soon too Estrella. I love you. Palitan mo na yung sim na 'to at ipalit mo yung ibinigay ko kay James. You need to dump that sim card at baka riyan ka pa matrace ni papá."

"Okay bye." Pinatay ko na ang tawag at saka tumayo na sa sofa.

Nagtungo ako sa kusina para magpaalam sa kay ate Martha. Nakita ko siya na abala sa pagliligpit ng mesa na kinainan namin. "Ate Martha ayos lang ho ba kung mauna na akong matulog sa inyo? Nararamdaman ko na ho kasi ang pagod sa naging biyahe namin kanina." Paalam ko sa kanya.

"Ano ka ba ma'am Estrella, ayos lang po. Saka isa pa ay kailangan niyo na po talaga magpahinga dahil buntis kayo." Sagot naman niya habang nakangiti sa akin ng maluwag.

"Sure po kayo. Kayo na po ang maglock ng bahay ha?" Bilin ko pa.

"Wala pong problema ma'am." Umalis na ako sa kainan at saka umakyat na para puntahan ang magiging bago kong kwarto mula ngayon.

Only To You (R-18 COMPLETED)Where stories live. Discover now