CHAPTER 26: CAUGHT

760 19 0
                                    

Kiano's POV
"Hey are you really okay?" I asked her while driving.

Simula nung buhatin ko siya palabas ng mall hanggang sa maisakay ko siya rito sa sasakyan ko ay hindi niya na ako kinikibo. Kung anu-ano ng tanong ang sinabi ko sa kanya para pansinin niya ako pero wala pa rin.

Sumandal siya sa salamin ng kotse para siguro magpahinga. She closed her eyes after. I scanned her face once more before I continue driving. She's really pale that makes me worry.

Paghinto ng kotse ko sa garahe ng bahay ko ay lumabas na agad ako ng sasakyan ko saka ko siya pinuntahan sa passenger seat. Mukhang nakatulog na siya sa biyahe namin kaya naman wala akong ibang choice kung hindi ang pangkuin ulit siya.

"Oh sir nandito ka po pala. Dito ka ba kakain ng hapunan? Sakto at magluluto po na kami." Bungad sa akin ni ate Lorna na may hawak na walis at dustpan.

"Oo ate Lorna, rito kami kakain ng kasama ko."

Tumingin si ate Lorna kay Estrella na mahimbing na natutulog sa mga bisig ko. "Diba siya rin yung babae na dinala mo rito nung minsan sir? Ang ganda po niya, bagay kayo."

Napangiti ako sa sinabi ng kasambahay ko. "Kaya nga hindi kami nag-artista ate Lorna dahil baka matalo namin yung mga sikat na love team ngayon." Natatawa kong biro habang paakyat ng hagdan. Natawa rin tuloy ang kasambahay ko sa sinabi ko.

Maingat kong inilapag si Estrella sa ibabaw ng kama ko. She's in her deep slumber at hindi man lang siya nagising hanggang sa makarating kami rito. Hinubad ko ang suot niyang sandals at saka ko siya tinakpan ng kumot para hindi lamigin sa aircon. Pagkatapos ay ako naman ang nagpunta sa banyo para maligo sandali.

Buti na lang talaga ay nakita ko siya sa mall. Akala ko talaga ay hindi na magkukrus ang landas namin simula nung magkasagutan kami. I want to say sorry to her. I need to apologize. Simula nung nag-away kami ay lagi na akong binabagabag ng konsensya ko.

Hindi ko makalimutan yung araw na nakita niya ako na lumabas sa hotel room ko na may kasamang ibang babae. Kung wala lang siyang fiancé ay iisipin ko na nagseselos siya base sa tingin na ibinibigay niya sa amin ng kasama ko. I know that I chose the wrong words dala na rin ng sobrang galit ko dahil nga sa pagtawag na ginawa ni Lance sa akin.

Matapos kong maligo ay nagpunas na ako ng katawan at saka nagsuot ng boxer short saka lumabas ng banyo. Sakto naman at naabutan ko siya na nagsusuot ng sandals niya. "Diba sabi ko sayo mag-uusap tayo."

Tumingin siya sa akin pero bumalik din sa pagsusuot ng sandals. Nagmamadali pa nga siya sa ginagawa at parang ayaw na ayaw niyang makita ako. Mabilis ako nagpunta sa pinto at saka ako nagbantay dito para hindi siya makaalis. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama ko matapos maisuot ang sandals niya.

"Ano pa bang pag-uusapan natin?! Uuwi na ako Zack anong oras na!" I can feel her anger towards me.

"Stay here Estrella. O baka naman gusto mo iposas ulit kita?" I smirked when I made her blush.

She sit again on my bed and sighed deeply like she's losing her patience. "Talk." She said but she's looking at other direction. She's avoiding my gaze.

Sumandal ako sa dingding na katabi ng pinto ko. "I'm sorry."

"Sorry? About what?" Still looking at the other stuff.

"Sorry for the trashy words that I said. Hindi ko dapat sinabi 'yon. I realized it when you left my hotel room. But believe me Estrella, I tried to reach you in any way I can to say sorry. Pero hindi kita matawagan at hindi rin naman kita mapuntahan sa ProBuild dahil naging abala rin ako sa trabaho. Kaya sana naman ay huwag mo akong takbuhan dahil naging mailap ka akin ng ilang linggo." I pleaded.

Only To You (R-18 COMPLETED)Where stories live. Discover now