CHAPTER 36: ANSWERS

888 32 1
                                    

Estrella's POV
Nanghihina ako habang kumakain dito sa hospital bed ng agahan. Kaninang madaling araw ay nagising ako pero ng malaman ko na maayos na ang lagay ng mga anak ko ay nakatulog ulit ako.

Napalingon kami ni ate Martha nang may kumatok sa pinto saka dahan-dahan na pumasok si doktora.

"Good morning Engr. Alejandro." Malaki ang ngiti na ibinigay niya sa amin at binati rin niya si ate Martha na hindi pa umuuwi mula pa kagabi.

Mamaya na raw siya uuwi kapag si ate Weng na ang nagbantay sa akin dito. Talagang mapagkakatiwalaan talaga ang mga tao sa bahay namin.

"Good morning din po dok." Bati ko sa kanya.

Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang pocket ng doctors robe niya at saka nagsalita. "I'm so happy to tell you that you and your twins is now okay. Dala ng stress kaya ka nagbleeding kagabi. Anu-ano ba ang pinagkaabalahan mo nitong mga nakaraang araw Engr. Alejandro?"

Inisip ko naman ang pinagkaabalahan ko nitong mga nakaraang araw pero trabaho at bahay lang naman ako. "Trabaho lang po doc. Halos half day na nga lang po ako magtrabaho ngayon."

"Eh kahapon nagpakasubsob ka ba sa work? Stress kasi ang nakikita kong dahilan kung bakit ka nagbleeding."

"Kahapon? Pumunta po ako sa Manila kahapon sa kasal nung kakambal ko pero marami pong nangyari bago kami tuluyang makauwi na sa tingin ko pa ay naging dahilan." Inisip ko agad ang mga nangyari kahapon.

"I see. You're very lucky because your children is very strong. Pero nakikiusap ako sayo Engr. Alejandro na kung pwede ay sa bahay ka na muna at payo ko na bed rest ka ng isang linggo. Kapag naulit ang bleeding mo ay may chance na manganib ang buhay ng kambal o hindi naman kaya ay magsakripisyo ang isa sa kanila." Naiisip ko pa lang ang sinasabi ni doktora ay natatakot na ako.

"I'll take note of that dok."

"That's good to hear. Bukas ay pwede ka ng lumabas dito sa hospital at magbibigay din ako ng reseta para sa nangyaring bleeding mo. Sa ngayon ay huwag kang mag-isip ng kung anu-ano at mamahinga ka lang. Mas mainam kung maghapon ay matulog ka."

I caress my belly. "Opo."

"Alright! Sige lalabas na ako. Mamaya ay babalik ako rito para tignan ang lagay mo."

"Okay po. Salamat doktora."

"Welcome." Naglakad na siya palabas ng kwarto ko.

"Ate Martha tapos na ako." Sabi ko kay ate Martha na nanunuod ng tv.

Tumayo naman siya at kinuha ang tray ng pagkain at saka inayos ulit ang hospital bed ko na may detachable na table. "Salamat ate Martha. Kung wala talaga kayo hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Syempre naman ma'am Estrella, hindi ka namin papabayaan." Umalis na siya at nagtungo sa maliit na sink kung saan pwedeng mag-urong.

Napunta ang atensyon ko sa cellphone ko na nag-iingay na nakapatong sa mesa na may kalayuan sa akin. Sakto at tapos naman na si ate Martha sa pag-uurong kaya siya na ang umabot ng cellphone ko. Hindi pa kasi ako pwedeng tumayo ayon kay doktora.

"Si ma'am Esperanza po ma'am. Kagabi pa po siya tumatawag pero hindi ko po sinasagot kasi po wala pong go signal mula sa inyo." Kinuha ko ang cellphone ko na inabot niya.

"It's okay. Ayoko rin namang mag-alala si Esperanza lalo na at pagod din siya kahapon dahil sa kasal niya." Iniwan na ako ni ate Martha para magwalis ng kwarto.

Sinagot ko ang tawag ni Esperanza pagkatapos kong hinaan ang tv gamit ang remote. "Hello sis!" I tried my hardest to sounded cheerful in the other line.

Only To You (R-18 COMPLETED)Where stories live. Discover now