CHAPTER 28: RUN

762 25 0
                                    

Estrella's POV
Nagising ako dahil sa ring tone ng cellphone ng kakambal ko na siyang gamit ko ngayon. Nakapikit ko itong inabot sa bedside table at ng makita ko na si inang ang tumatawag ay sinagot ko.

"Hello inang." I can feel the dryness of my throat.

"Hello Estrella. Si Esperanza 'to." Mahinang sabi sa kabilang linya.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Sinilip ko pa ang pwesto ni Zack pero wala na siya marahil ay nasa baba na para kumain ng agahan. Papasok pa kasi 'yon.

"Si papá narinig ko kanina na pupuntahan nila ngayon ang bahay ni Kiano para hanapin ka!"

Kumabog na naman tuloy ng mabilis ang puso ko. "H-How?! Paano nila nalaman na nandito ako. Sinabi mo ba?!" Pangatlong araw ko na kasi rito sa bahay ni Zack at nasabi ko sa kanya na rito ako tumutuloy pansamantala.

"Hindi. Basta naisipan lang ni papá na baka raw nandiyan ka kaya malakas ang loob mong magtago." I can feel the uncertainty in her voice.

"A-Anong gagawin ko Esperanza?! Sigurado ako na mahahanap niya ako rito dahil alam lahat ng tao rito na nandito ako!" Napatayo ako sa nerbyos.

"Nakausap ko na yung pinsan ni Lance na siyang dapat magdadala sayo sa Bulacan sa araw dapat ng kasal niyo. Susunduin ka niya sa 7/11 na pinakamalapit diyan sa bahay ni Kiano. Mamaya lang ay nasa parking lot na siya non."

"Zack won't let me go Esperanza." Naiiyak kong sabi.

"You need to escape now in that house! You're not safe there anymore! Gawan mo ng paraan tutal ay papasok naman siya ngayon! Think fast Estrella. Hindi ka naman tanga di ba? Kaya nga naging engineer ka eh! Ang kulay nung kotse ay white at walang plate number. 'Yon ang palatandaan mo Estrella huwag mong kalimutan."

Tumango-tango ako na para bang kaharap ko lang siya. "Nearest 7/11 here, white car with no plate number. I got it! Anong oras ba siya nandoon?"

"On the way na siya roon ngayon. Kaya ikaw na lang ang hihintayin namin na kumilos. Hindi siya aalis doon hanggat wala ka. Do your best sis! This is our last straw kaya kailangan magtagumpay tayo dahil kung hindi ay babalik ka na naman dito sa mansyon at itutuloy ang kasal niyo ni Lance."

"Okay. Wish me luck Esperanza. Bye."

"Bye sis. Take care."

Saktong pagbaba ko ng cellphone ay pumasok si Zack na mukhang papasok na sa hospital. "Gising ka na pala. Good morning."

Sa halip na batiin ko siya pabalik ay iba ang ginawa ko. "Ah Z-Zack pwede ba akong lumabas sandali para bumili ng gamot. Medyo h-hindi na naman kasi maganda ang pakiramdam ko."

Kumunot ang nuo niya. "Bakit ano bang nararamdaman mo? Ako na ang bibili."

"H-Hindi na. Ako na ang bibili saka may bibilhin din ako na girl stuffs like napkin."

"Oh sige pero ipapagdrive ka ni mang Rudy, yung driver ko." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya kahit na parang gusto kong maiyak.

This will be the last time na makikita ko siya at wala akong kasiguraduhan kung makukrus pa ba ang landas naming dalawa kasama ng mga anak namin. I stared at his handsome face for the last time. Baka kapag nagkita kami ulit ay may asawa at anak na rin siya. Hindi malabo 'yon sa isang kagaya niya na mapera at kailangan niya ng sariling pamilya na susuportahan siya lalo na sa mundo niya.

"Alis na ako." Kinuha niya ang doctors robe niya na nakasabit sa sabitan at saka lumabas sa kwarto.

Doon na tuluyang tumulo ang luha ko. Aalis na rin ako Zack.

Only To You (R-18 COMPLETED)Where stories live. Discover now