CHAPTER 40 (PART 2): BACK

1.7K 45 8
                                    

Estrella's POV
Isang linggo matapos mamalagi ni Zack sa bahay ko sa Bulacan ay heto kami ngayong apat papunta sa Manila para bumisita sa mga magulang niya. Sabik na raw kasi itong makita ang kambal saka kinausap din ako ng mommy ni Zack at nakiusap na baka pwede nilang makita ang bata.

Nakakahiya dahil kinausap pa niya ako pero wala naman talaga akong balak na hindi ipakita ang mga bata sa kanila. Nahihiya lang ako dahil sa ginawa kong pagtakas kay Zack kaya pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanila.

Sinilip ko ang kambal na mahimbing na natutulog mula pa kaninang umalis kami. Naaawa nga ako kasi madaling araw pa lang ay umalis na kami pero ayaw kasing maabutan ni Zack ang traffic kaya pumayag na rin ako. Mabuti nga na natutulog sila habang nasa biyahe kaya hindi ako mamomroblema na baka umiyak sila.

Nang matanaw ko na ang daan papunta sa amin ay napangiti ako. Akala ko ay habang buhay na talaga akong titira sa Bulacan at hindi na magpapakita pa rito sa Manila. Mamaya pa kasi kaming gabi pupunta sa bahay nila Zack kaya rito muna kami sa bahay namin ngayong araw.

Esperanza is waiting for us there. I wanna see her condition. Nang maikasal sila ni Lance ay doon sila tumira sa halip na bumukod dahil 'yon ang gusto ni papá. Mas masaya raw kasi kung may kasama si papá sa bahay na pinagbigyan naman ni Esperanza.

Nasabi na sa akin ni papá na kay Esperanza niya ipapamana ang bahay habang ang ipapamana naman niya sa akin ay ang ProBuild. Kaya nga kahit anong gawin ko ay babalik at babalik ako rito dahil wala namang alam si Esperanza sa pagpapatakbo ng ProBuild.

Pagkapasok namin sa gate ay naka abang na agad si papá, Esperanza at Lance sa pintuan ng bahay namin. Naalala ko tuloy bigla ang ilang beses na naghihintay si papá sa akin sa sala na galit na galit siya dahil nakipagkita raw ako sa lalaki ko. Look at us now, akala ko ay hindi na kami magiging maayos kahit kailan.

Malaki ang ngiti ko sa labi na lumabas ng kotse at agad kong tinakbo ang distansya namin ni Esperanza. Naging maingat ako sa pagyakap sa kanya dahil sa pinagigitnaan namin ang kanyang tiyan.

"Konting tiis na lang at may bago na namang baby sa pamilya." I said then caress her tummy.

"Namiss kita ng sobra." Umiiyak na sabi niya kaya tinawanan ko siya bago ko siya niyakap ulit.

"I'm here now. Don't cry, baka mastress yung baby mo." I said to make her calm.

"Tara na sa loob para makakain na ng almusal at makapagpahinga muna kayo." Papá said while carrying Zachy in his arms while Kiano is in charge to Kaino.

"Oh namiss ko yung kambal." Nilapitan agad ni Esperanza ang dalawang natutulog na anak ko at saka hinalikan sa nuo parehas.

Binalingan ko si Lance na walang imik kanina pa. Nginitian niya ako ng mapansin niya na nakatingin ako sa kanya. "Hey long time no see Lance."

Lumapit ako sa kanya saka ako nakipagbeso sa kanya. "I miss you best friend. Kamusta ang pagiging under?" Tukso ko sa kanya kaya sinimangutan niya ako.

"Namiss din kita. Mukhang pwede na tayo magset papunta sa Batanes." Inakbayan niya ako at saka kami sumunod sa kanila na papasok na sa bahay.

"Huh?" Nalilito kong tanong.

"Di mo na matandaan?! Diba nung nasa Batanes tayo sabi mo sa akin non babalik tayo sa Batanes kasama ang kanya-kanya nating pamilya."

Naalala ko naman agad yung sinabi ko sa kanya na 'yon. 'Yun yung panahon na nabighani talaga ako sa ganda ng Batanes at sa pinuntahan namin ni Lance nung gabi na 'yon. Napalingon kami parehas ni Lance ng may tumikhim. Si Zack pala na nakakunot ang nuo pero sa iba nakatingin.

Only To You (R-18 COMPLETED)Where stories live. Discover now