CHAPTER 33: HIDE

826 25 0
                                    

Estrella's POV
From: Sis Ezpi
Sis malapit na kami sa bahay mo. Magready ka na.

Ito na lang naman ang hinahantay ko eh. Ang text ng kakambal ko na si Esperanza. Matapos naming mag-usap nung nakaraang linggo na pupunta ako sa kasal nila ay heto na nga at matutuloy na kaya naman susunduin na nila ako.

Bukas na kasi ang kasal nila at wala akong ideya kung saan nila ako patutuluyin at itatago hanggang bukas. Tinanaw ko ang isang bag na may lamang mga pamalit ko bukas. Konti lang ang dinala ko dahil babalik din naman ako bukas dito at si James ulit ang maghahatid sa akin dahil hindi na kakayanin pa nila Lance bukas dahil sa kasal.

"Eloisa aalis na tayo. Parating na yung sundo natin." Sabi ko dahil kanina lang ay katabi ko siya rito sa sofa pero hindi ko na alam kung saan nagpunta.

Narinig ko tuloy na nagsalita si ate Martha at pinapalabas na si Eloisa sa kung saan. Mabilis namang nagpunta si Eloisa sa sala kung nasaan ako.

"Nasaan na ang mga gamit mo? Malapit na yung sundo natin." I asked her.

Sinama ko siya para talagang may aalalay sa akin kahit papaano. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang eksaktong mangyayari bukas kaya naman mas pabor sa akin kung may kasama ako.

"Ito po ma'am. Sabi niyo po ay konti lang ang dalin ko, kaya po isang backpack lang ang dinala ko." Sinukbit na niya ang backpack sa likuran niya kaya tumayo na rin ako.

Narinig na kasi namin ang pagbusina ng sasakyan sa labas at ang pagbukas ni Mikay sa gate. Tanaw mula rito sa sala ang papasok na sasakyan kaya naman hinintay ko na lang na huminto ang sasakyan sa tapat ng pintuan saka kami sabay na lumabas ni Eloisa.

Malapad ang ngiti ko sa labi ng lumabas si Esperanza sa sasakyan at maingat akong sinugod ng yakap. Naluha pa ako ng bahagya ng yakapin ko siya pabalik dahil sa sobra kong pagkamiss sa kanya. Nang maghiwalay kasi ng yakap ay si Lance naman ay niyakap ko.

"Ang taba mo na best friend." Pang-aasar niya sa akin kaya pabiro ko siyang kinurot sa tagiliran.

"Tataba rin si Esperanza kapag nabuntis mo." Sagot ko na lang at saka bumaling ulit sa kakambal ko na hindi yata makapaniwala na nagkita na kami ulit.

"You're so chubby! Pero bagay sayo Estrella. Ang laki nga ng tiyan mo sa personal." Hinaplos niya ang tiyan ko.

"Konti lang yung dinala naming gamit ni Eloisa. Kaya bukas din ay uuwi na kami rito."

"Clear. Mamaya na tayo umalis. Magpapahinga lang kami sandali mula sa biyahe." Inakbayan niya ako at saka inalalayan ako papasok sa bahay.

"Ipapakilala ko kayo sa mga kasambahay ko. Mamaya silipin mo na rin yung bahay mo bago tayo umalis."

"Gusto ko 'yon. Pwedeng-pwede na pala kami magstay ni Lance dito sa Bulacan dahil may bahay rin ako rito." Umupo kaming tatlo sa sofa.

"Eloisa tawagin mo sila mama mo at ipapakilala ko sa mga sundo natin." Sabi ko kay Eloisa na kapapasok lang ng bahay dahil inilagay ang mga bag namin sa kotse.

Tumakbo naman ito papunta sa laundry area kung nasaan ang dalawa.

"Ang laki ng bahay mo sis! Saan mo nabili yung mga paintings? O kasama nung binili ni mama 'tong bahay?" Tanong ni Esperanza habang iniikot ang tingin sa maluwang na sala ko.

Only To You (R-18 COMPLETED)Where stories live. Discover now