CHAPTER SIX

1 1 0
                                    

Chapter Six:The Good Guy

Lexine's POV

Dumiretso kami dun sa lugar kung saan palagi naming nakikita sina lola pasita,nadatnan namin silang nakaupo dun...

Ako na lang ang lumapit sa kanila at naiwan sina Kiana sa loob,sumama na agad sina Lola Pasita sa amin

Dinala muna namin sina Lola Pasita sa isang kainan,dito kami madalas ilibre ni Kiana minsan nga sinasabi nalang namin ni Marga na ayaw na namin dito kasi sobrang mahal ng mga bilihin.

Fabrigo's Resto

"Lola Lolo ayan po,oh kain kayo masasarap po ang lahat ng iyan"

"Hija nakakahiya naman"...wika ni Lolo Arturo

"Lolo hindi na po kayo iba kay Lexine kaya ganoon rin po ako"...ani Kiana

Napangiti nalang si Lolo Arturo,masaya kaming kumain doon at matapos kaming kumain umalis na kami at dumiretso na sa bahay ampunan na sinasabi ni Marga

"Marga ang layo naman masyado nito"...sabi ni Kiama

"Oo nga wala ka bang alam na mas malapit?"...dugtong ko

"Wala eh"

"Wait,tatawagan ko si Daddy at magtatanong ako kung saan dito may Bahay Ampunan"

Lumabas si Kiana at ilang saglit lang ay bumalik na rin naman hindi na kmi nagsalita ni Marga at dinala na kami sa destinasyon na pupuntahan namin

Alagang Juanita

Nagulat ako dahil malaki ang ampunan na ito at napaka ganda pa,pumasok kaming lahat doon

Ipinalista na namin ang pangalan ni Lola Pasita at Lolo Arturo

Hindi ko alam na bago pala si Kiana pumunta sa amin kanina eh naggrocery na siya yun ang ibinigay nya kina Lola sa tingin ko naman mas maaalagaan na sila at mas mapabubuti ang kalagayan nila dito kaysa sa lansangan

Nagtanong si Kiana kung pedeng magvolunteer dito at sabi naman nung namamahala pede naman daw kaso weekdays lang kasi tuwing weekends marami daw na activities outdoor ang ginagawa kaya ang mga kasama daw ay ang mga head dito sa facility.

Nang mapalagay na ang loob namin umuwi na si Kiana pero inihatid muna kami ni Marga sa Ihawan.

"Kiana salamat"...sabay na wika namin ni Marga pagkababa ng kotse

"Geh bye!"...paalam nya bago ilock ang pinto at mabilis na umalis ang kotse

Pagpasok namin ni Marga nakita agad nya ang lalaking kamukha ni Martin si Marco

Nilapitan nya ito at pinagmasdan,ako naman dinala ko si Marga sa garden kasama ni Marco

Iniwan ko sila para magusap dahil si Marga ang nakakaalam ng gagawin nya

Dumiretso na ako sa paglilinis,hindi ko na pinansin ang lahat nang nasa paligid,nagsabi ako kay Tita Fely na tuwing weekends hindi nalang CR ang iaasign nila sa akin kung may iba pa silang gustong ipagawa gagawin ko naman

11:25 am ako dumating at tinapos ko ang trabaho ko nang saktong 5:25am

May CCTV dito,bawat galaw mo kita sa monitor kapag tumigil ka sa pagtatrabaho tigil rin ang sweldo mo,sa sobramg dami nang branch nito sa buong pilipinas at sa labas ng bansa hindi mo aakalaing mahal ang kinakain mong inihaw at iba pang klaseng lutuin dahil mayayaman lang ang nakakaafford ng mga bilihin dito

Simula noong iwan ko si Marga at si Marco hindi ko sila nakita kaya nagtext na lang ako kay Marga na uuwi na...

Pagkauwi ko nadatnan ko si Lola na pagod na pagod kaya tinulungan ko muna siya at pinainom ng tubig

Is This Love?Where stories live. Discover now