CHAPTER FOURTEEN

1 1 0
                                    

Nang makapasok ako sa loob nang bahay nakita ko si Lola na nagkakape

"Apo bakit ngayon ka lang?gabi na at umuulan pa?"

"Lola sorry po napapadalas na ang paguwi ko nang gabi dahil malapit na po kasi ang exam namin"

"Ahh ganoon ba sigi Lexine matulog kana at gabi na rin"

"Sigi po lola kayo rin po,good night po"

Pagpasok ko sa loob ng kwarto nakahinga ako nang maluwag.Kahit masakit sa loob ko na magsinungaling at palaging lokohin si lola wala akong magagawa ito lang talaga yung naiisip ko na paraan para mapagaral ko ang sarili ko.

Nang magumaga na umalis na ako at pumasok na pagkarating ko sa room masaya ako kasi magkikita ulit kami ni Pyan ewan ko ba pero bakit sobrang saya ko tuwing nakikita siya pero pag kasama ko siya mas masaya ako,pero tama ba yun?

Malayo na ang narating ni Pyan samantalang ako heto lang malayong maabot si Pyan,tama bang gustuhin ko pa rin siya?o tama bang gusto ko na nga siya?

Ahhhhhh naguguluhan na ako

Nang magsimula ang klase diko maiwasang isipin ang sagot sa mga tanong sa iniimagine ko hindi na rin ako nagrecess kasi patuloy ko pa rin yung iniisip hanggang hindi ko mapigilan ang sarili ko at...

"Ahhh ayoko na!hindi ko na kaya!walang kwen---"sigaw ko

Kaya pinagtinginan ako nang lahat

"Anong sinasabi mo?"...tanong ni Mrs.Gopez

"Ayy maam sorry po!"

"Sorry?if hindi mo na kaya ang pagtuturo ko get out diba walang kwenta?walang kwenta ang klase ko,right?"

"Maam sor--"

"Get out!at bago ka umuwi pumunta ka sa faculty at maguusap tayo,get out!"

Lumabas na ako nang room at dumiretso sa library sobrang nakakahiya yung ginawa ko ngayon lang nagsink in sa isip ko yung mga ginawa ko kanina na pagsigaw habang nagkaklase.

Pagkarating ko sa library naupo ako kung saan kami magkikita ni Pyan kasi si Mrs.Gopez ang last subject teacher namin ngayong araw.

Nang maglunch na dumating na si Pyan

"Oh!sobrang aga mo!"

"So?"

"Okay let start!"

Hindi na ako umimik at dumiretso na sa kuhanan ng libro pero wala ito doon sa pinagtaguan ko

Lumapit si Pyan sa akin

"Ito ba ang hinahanap mo?"tanong nya habang hawak ang libro na hinahanap ko

Hindi na ako umimik at dumiretso na ako sa upuan namin at humalukipkip

Nagsimula na kami pero hindi siya nakikinig alam ko yun kasi nakahalukipkip lang siya

Kaya tumayo na ako at isinara ang libro at naglakad palayo pero sinundan nya ako at doon siya pumunta sa harapan ko

"Bakit sobrang sungit mo?Lexine are you okay?"

"Okay lang ako!tsaka sorry kailangan ko nang umalis magbasa ka na muna at bukas na lang tayo magkita"

"okay fine,mukhang masama ang pakiramdam mo wait here take this,inumin mo yan ngayon okay?"

"Thank you!"

"No thanks,magpagaling ka and here take my number para matawagan mo ako or maitext kung saan tayo magkikita bukas"

Umalis na si Pyan sa harap ko pero naistatwa ako habang hawak hawak ang papel na may number nya at ang gamot na ibinigay nya.Bumalik ako sa wisyo nang maisip ko ang mga ginawa kong kalokohan kaya inisip ko kung anong sagot ang pwede kong ibigay kay Mrs.Gopez

Is This Love?Where stories live. Discover now