CHAPTER TWENTY-FIVE

1 1 0
                                    

Nang makarating kami sa tapat nang bahay namin bababa na sana ako kaso pinigilan nya ako.

"Good night na sana sasabihin ko kaso gusto ko na makilala,Lola mo"

Sabay kaming bumaba

Habang hawak nya ang kamay ko nararamdaman ko ang panginginigf nang kamay nito

"Kinakabahan ka ba?"tanong ko

"Oo eh"

"Wag kang kabahan,di naman nananakit si Lola eh,mabait yun"

Huminga ito nang malalim bago sabay kaming lumakad

Nadatnan kpo naman si Lola na nakaupo at nagkakape

"Lola si Pyan po,Pyan si Lola Hermana"

"Ah apo sino siya?"

"Lola wag po kayong mabibigla pero boyfriend ko po siya"

"Ahh yun lang ba?"una niyang sabi"Ah boyfriend?"gulat nitong dugtong sa una nyang sabi

"Sorry po Lola"

"Okay wala na naman akong magagawa eh tutal nasa wastong edad ka na naman"

"Lola Hermana wag po kayong magalala hindi ko po sasaktan si Lexine,sorry po kung napakabilis nang mga pangyayari"sabi ni Pyan

"Ano bang pangalan mo ulit,hijo?"

"Pyan po!"

"Ahh Pyam,sigi saluhan mo na kaming kumain dalawa"sagot naman ni Lola

"Lola Pyan po yun,P-Y-A-N"sabi ko naman

"Ganun na rin yun apo!"

"Okay na yun Lexine"

"Kumakain ka ba nang inihaw na tilapia at kangkong na nilaga?"alok ni Lola

"Nako Lola paborito ko po yan"sabi naman ni Pyan

Nagsimula na kaming kumain inabutan ko si Pyan nang kutsara at tinidor kaso umiling ito at nagsimula nang kumain nang nakakamay,di ko pa nga talaga kilala ang lalaking to,marami pa akong dapat na malaman at matutunan sa kanya.

Nang matapos kaming kumain,nagligpit na ako pero hinawakan nito ang mga dala dala kong plato

"Pyan ako na"sabi ko habang itinatago yung pinggan sa likod ko

"No,ako na sanay naman ako dito"sabi nya bago pumunta sa likod ko at inagaw ang mga plato

Iniabot ko na rin naman yun sa kanya,magsisimula na sana siya kaso isinuot ko ang apron sa kanya

"Worried Girlfriend?"

"Worried ako baka madumihan yabg suot mo"

"So sakin pa rin,how sweet?"

"Pyan maghugas ka na nga lang nyan,wag ka nang dumada pa"

Ngumisi ito bago itinuloy ang paghuhugas nang pinggan,pinagmasdan ko siyang mabuti habang naghuhugas siya nang mga pinggan na pinagkainan namin,hindi pa talaga kita totally kilala Pyan!hindi pa.

Nang matapos siya sa paghuhugas ay inalis na nito ang apron nya at iniabot sa akin ang apron,naroroon na sa apron na yun ang amoy nang pamango nya dahil habang hawak ko ito kahit malayo layo sa akin ay amoy ko pa rin ang pamango nya

Dali dali na akong lumabas,baka umalis na kasi siya dahil narinig ko kasing nagpapaalam na siya

"Lola Herms mauna na po ako,Lexine aalis na ako,salamat po sa pagkain"

Is This Love?Where stories live. Discover now