CHAPTER TEN

1 1 0
                                    

Nakita ko si Pyan at dala dala nya yung research paper

"Why are you here Mr Villavega?"

"Maam im just here to return this research paper to Ms.Guevarra!"

"Bakit naman na sayo yan?"

"Kasi po nahulog to noong galing siya sa library and napulot ko po kaya inihabol ko po rito"

"Okay Pyan You may go now!"

Kinuha ni Maam yung research ko kay Pyan at ako naman umupo na sa upuan ko.Nang matapos ang klase bumaba agad ako para hanapin si Pyan

Kaso hindi ko siya nakita sa cafeteria,kaya bumili nalang ako ng makakain dahil talagang gutom na gutom na ako kasama ko si Lerwin na bumili kaso umalis siya dahil tinawag siya nung isang professor

"Lexine bayaran mo na yan eto yung pera mabilis lang yun antayin mo ako ha!"

"Anla pero sigi dalian mo ha!bye!"

Nang akmang bubuhatin ko na ang tray nagkataong natapunan ko ang babae sa harapan ko maputi siya kaya mababakas mo ang kalat na idinulot ko sa kanya napakaganda nya kayat nakakahiya ang ginawa ko

"Sorry,Sorry talaga hindi ko---"

Kaso tinapunan nya ako ng juice at ketchup na hawak nang babae na kasabayan kong bumili

"Hindi mo sinasadya?sorry rin hindi ko sinasadya!Make sure kilala mo ang binabangga mo hindi yung eepal epal ka sa harap ko,stupid!"

Dali dali akong umalis sa lugar kasi napahiya na ako ng sobra,dumiretso ako sa CR at inayos ko ang itsura ko mabuti na lang at may dala akong white t-shirt at pants,nagpalit na ako ng damit at tumungo na rin agad sa room

"Bakit nakaganyan ka?"

"Wala nadumihan kasi kanina yung damit ko sa cafeteria kasi natapon yung spaghetti"

"Ahh nakahingi ka ba ng clearance baka mahuli ka jan!"

"Yah nakahingi na ako!"

Umupo na ako sa upuan ko at nagpahinga,ahh bago ba naman matapos tong taong to marami pang dapat mangyari ayoko na nang issue dahil baka hindi pa ako makagraduate

Pagkatapos nang klase dumiretso na ako sa ihawan at nang matapos ang trabaho umuwi na ako,dumaan muna ako sa bakery para bumili nang makakain nang makita ko si Pyan

Lumapit ako sa kanya

"Okay na ba yang paa mo?"

"Ahh oo salamat pala dun sa gamot mo tsaka yung tsinelas mo sorry nakalimutan kong dalhin eh!"

"Ah by the way salamat pala kasi dinala mo yung research paper ko,thank you!"

"Ah no thanks,kabayaran lang yun para sa paggamot mo sa paa ko!"

"Gusto mo,kumain nitong tinapay?"

"Ahh sigi,sayo na lang yan!"

"Sino hinihintay mo o hinahanap?"

"Ahh si Angel!"

"Sino yun?"

"Ahh here she is!Angel!"

Si Angel yan,eh siya yung babae na nakaharap ko kanina sa cafeteria

"Pyan mauna na ako may emergency sa bahay sigi bye!"

Tumakbo na ako para makalayo agad sa lugar,ewan ko ba matapang naman ako pero ayoko na kasibg makipagkompetensya sa kanya ano namang laban ko sa Angel na yun eh ako nga eto lang,siya may Pyan siyang maraming assets so wala akong laban sa babae na yun...

Is This Love?Where stories live. Discover now