CHAPTER THIRTEEN

1 1 0
                                    

"Nothing change,you were still annoying,sobrang daldal mo,tsaka stalker ka pa!magingat ka Lexine nakakahulog ako pero magiingat ka kasi baka hindi kita saluhin"

"Hindi nga kita cru---"...hindi pa ako tapos pero tinakpan nya ang bibig ko gamit ang hintuturo nya

"Okay fine!pagiisipan ko kung magpapatulong ako,kasi I can hire my own tutor naman eh,yung mas matalino sana at hindi yung may saltik,na magisang---"

"Okay salamat sa paghatid mo, salamat ha!"sabi ko bago bumaba

Pagbaba ko ewan ko kung anong nararamdaman ko.

Kinikilig ba ako?

Ewan ko it was my first time to experience this kind of happiness,this feeling it was so amazing,you felt that having a spark from an electirc wire na ewan ko ahhhhhhhh hindi ko siya crush.Period!

Pag ka pasok ko sa loob nang bahay nagbihis agad ako at nagpahinga

Kinabukasan maaga akong pumasok sa school

Masaya akong nakinig sa klase hanggang magrecess na nga bumaba kami nina Kiana para kumain dahil balak kong magreview pagkatapos naming kumain

Nang matapos kaming kumain may lumapit na lalaki sa amin na medyo weird ang itsura ang kapal kasi ng frame nang salamin nya sa mata nya

Nagulat ako nang hampasin nito ang lamesa na naging dahilan para pagtinginan kami nang lahat

Pagkahampas nya nang lamesa umalis na ito,I told you he was a weird guy

Pagtingin ko sa lamesa may naiwan na sticky note sa lamesa

Okay!turuan mo na ako,magkita tayo sa library mamayang lunch!

Hindi na ako nagtanong kung sino ba ito kilala kong si Pyan lang naman ito,dahil siya lang naman ang tinanong ko kung payag ba siyang magpaturo sa akin,pero bakit ako pa?diba sabi nya "I can hire my own tutor naman eh yung matalino!"

Ahhhh ako ba yung nakakainis?hindi ba siya yun?kung sabihin nyang may saltik ako parang kilalang kilala nya ako

Nagantay akong maglunch parang diko namamalayan ang oras parang bawat minuto gusto kong gawin segundo para makita siya

Nang maglunch na nga dali dali akong bumaba,pero hinawakan ako ni Marga

"Lexine bakit nagmamadali ka?akala ko ba sasabay ka samin ngayon maglunch?"

"Ahhh Marga pasabi na lang kay Kiana na busog pa ako tsaka sorry ha may kailangan pa kasi akong asikasuhin bye!"...pagkasabi ko nun tsaka ko inalis ang kamay nya

Dali dali akong sumakay sa elevator

Mabilis ang aking lakad pero hindi ito masasabing takbo

Nang makarating ako sa library,medyo hinihingal ako,hinanap ko agad si Pyan pero wala ito sa paligid,pumunta ako sa bandang likuran dun sa sinasabi nyang "teritoryo" nya pero wala rin ito may nakita akong blue na sticky note na nakalagay sa lamesa

Nasa likod mo ako

Nang tumingin ako sa likod andun nga ito nakangisi at nakahalukipkip

"Ginulat mo naman ako Pyan!"

"Hahaha,your late!parang tibatamad tuloy akong magaral dahil sayo!"

"So ano kung late ako?sorry naman po,gaano kaba katagal nagintay?"

"Almost 10minutes,ano bang grade mo sa science?"

"94.8"

"Wow!are you sure?"

Is This Love?Where stories live. Discover now