CHAPTER TWELVE

1 1 0
                                    

Ano kayang sign ang hihingiin ko?

Tsaka kung hihingi man ako nang sign siguro yung sign na yun talagang kailangan malala o dapat sobrang lalim o may pinaghugutan para talagang deserving sya sa gagawin kong pagtulong...

Nang matapos ang klase dumiretso na ako sa ihawan di ko ulit nakita si Marga kaya pagkatapos na pagkatapos nang trabaho ko umuwi agad ako.

Nadatnan kong tulog na ulit si lola kaya nakahinga ako nang maluwag,Nang makahiga na ako sa kama ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako at saktong nagising ako kung kailan magsasara na ang gate

Kaya nagmadali na ulit ako na pumasok pagkarating ko sa room namahinga agad ako nang makita kong wala pa ulit ang subject teacher namin.

Kya nang natapos ang buong klase sa umaga at lunch na,hindi ko na sana balak lumabas kung hindi ko lang sana kailangang isauli ang ilang libro,kaya lumabas na ako papuntang library sina Marga at Kiana kasi nauna nang kumain,pagkarating ko sa library inilagay ko na sa lamesa ang mga libro kong hiniram,tutal wala naman akong gagawin sa room magbabasa na lang ulit ako.

Nang kumuha ako nang dalawang libro na madalas ko ring basahin at  pumunta na ako sa bandang likuran, dun ay medyo tahimik kaya doon ako madalas magbasa kasi medyo tago iyun

Nang makalapit ako sa lamesa doon ay nakita kong nakaupo si Pyan,kaya bumilis ang tibok ng puso ko pero sobrang bagal nang paligid pinagmasdan ko siya na noon ay naka cross legs tapos hawak hawak ang isang libro

"Why are you here?stalker?"

"Of course not,dito ako madalas umupo tuwing nagbabasa ako kaso may epal na gaya mo ang nakaupo na rin sa upuan ko"

"It's my teritory,so dapat mong galangin ang katulad kong teritorial master of their own teritory"

"Teritorial Dog ka kamo!"sigaw ko

"Ahhh what did you say?"

"Wala bingi ka lang talaga,tsaka kung saiyo man yang lugar na yan edi saiyo na marami pa namang ibang puwesto eh!"

Nang akmang paalis na ako ay hinawakan nito ang aking kamay at hinigt pabalik

"Ano ba?Pyan bitawan mo ako!

"I only had one question,may gusto ka ba kay Lerwin?"

"Hah?ako?bakit naman hindi mabait si Lerwin tsaka maasikaso!"

"So gusto mo siya?answer me!"

"Ewan ko!tsaka tigilan mo na ako"

"Anong ewan mo?hindi kita titigilan hangga't di mo ako sinasagot"

"Basta jan ka na nga!magbabasa pa ako inubos mo na tuloy yung oras ko,imbis na nagbabasa ako nakipagusap ako sa isang epal"

Kumalas naman agad siya sa pagkakahawak sa akin hindi ko alam kung tama ba yung naisagot ko sa kanya na kung crush ko si Lerwin pero hindi talaga si Lerwin ang gusto ko eh,ibinaba ko na ang libro sa lamesa at umalis na rin hindi ko na naisipang magbasa at dali dali nalang akong pumunta sa room

Iniisip ko pa rin kung anong sign ang hihingiin ko,habang nagiisip ako hindi ko alam na tulala na pala ako

"Lexine!"sigaw ni Marga habang niyuyugyog ang aking balikat

"Hah?"

"Tulala ka!"...sabi ni Kiana

"Sinong iniisip mo?"...tanong ni Marga

"Wala akong iniisip na tao!"

"So ano iniisip mo?"tanong ni Marga

"Yung exam natin na malapit na within two weeks mageexam na tayo!"

Is This Love?Where stories live. Discover now