CHAPTER TWENTY-TWO

1 1 0
                                    

Nang makita kong tumayo si Pyan dali dali akong umalis at tumakbo palayo

Pinapafall nya lang talaga ako,alam ko namang wala lang ako sa kanya eh,so what would I do aasa? magpapaniwala?hindi hindi ito maaari?sabi ko na nga ba eh!

Mahina ako pagdating sa pagibig,mahina ako rito eh,kaya di ako dapat magpadala.Lexine matapang ka diba kaya wag kang iiyak

Nahulog na ako kaya nasaktan ako!

Minahal ko na kaya nagkakaganito ako!
Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko,kaya umiyak na ako nang umiyak sa loob nang CR sa may park.Bakit kasi ako nahulog sa kanya?bakit bakit?

Hindi tama Lexine na umiyak ka at magalit ka dahil diba wala namang kayo ni kaibigan nga yata walang namamagitan

Yun tayo eh,talo tayo kapag estado ang basehan.

Talo tayo kapag itsura ang basehan.

Tsaka talo tayo kapag ang kalaban natin kapantay na nang ipinaglalaban natin.

Naglalakad na ako pauwi nang makita ko si Rex na papalapit sa akin may dala dala itong isang supot at lakad lamang ito

"Lexine,uy umiiyak ka ba?"

"Hindi,okay lang ako"

"Sigurado ka ba?pero bakit namumugto yang mata mo?"

"Wala to,sige Rex uwi na ako"

"Lexine sabay na tayo,ayy malungkot ka diba,isaw lang katapat nyan,tara magisaw tayo, libre ko,mukhang malungkot ka at yun ang alam kong magpapasaya sayo"

"Rex okay lang ako,di ako malungkot napuwing lang ako,kaya kung sasabay kang umuwi,lumakad na tayo,dahil pagod na rin naman ako"

"Okay sorry,sigi maglakad na tayo"

Nang makarating kami sa harap nang bahay namin nagpaalam na ako kaso pagtalikod ko natigilan ako sa mga sinabi nya

"Kung nasasaktan ka,gawin mo yung pampatatag nang kalooban mo,malakas ka diba!"

Napangiti ako sa mga sinabi nya at lilingunin ko pa sana siya kaso wala na ito.

Kaya pumasok na ako at natulog habang nakaheadset,kaso nagising ako nang madaling araw sa di malamang dahilan,pagod ako pero bakit ang dami kong energy,kahit mukhang patang pata yung gusto kong maramdaman pero wala akong maramdamang pagod.Ano ba to?

Maaga ulit akong pumasok sa ihawan habang naglilinis ako nang mga lamesa sa may garden,nagulat ako nang lumapit ang isang waiter at  tinawag ako

"Lexine utos ito nang isang costumer na ikaw daw ang magserve sa kanya,dali"

"teka!sino raw?kilala ko ba?akala ko ba bawal magserve ang isang janitress?bakit ako "

"Ewan ko,basta iserve mo na kanina pa yang nagiintay nang order"sabi nya habang nakahalukipkip"Kung di naman ikaa nirequest niyan di na ako magaatubiling iserve yan!"dugtong pa nito habang papalayo na ako

Nakacap ang lalaki na pagaabutan ko noon at nasa dulo ito malapit sa pintuan nakatalikod ito kaya di ko makita ang mukha

Pa VIP gusto ako magserve janitress ako di waitress.

Kaya kinuha ko na at iniabot yun kaso nang alisin na nya ang cap nya nagulat ako dahil si Pyan yun at iba ang haircut nya.Kaya nakakapanibago mas bagay sa kanya ang gupit nya

Nginitian naman ako nito

Kaya ipinatong ko na ang order nya sa lamesa nang padabog,pangitingiti siya ano siya patay malisya,na hindi man lang alam ang totoong nangyari kunwari ako lang ang nakakaalam?

Ano ba siya two timer?gusto daladalawa yung niloloko!pero pwes titigil na ako sa pagkagusto ko sa kanya di na ako mahuhulog pang muli,kahit anong pakulo pa ang gawin nya.Pero malay ko naman na gusto nya lang makipagkaibigan masyado lang baka akong over thinker kaya medyo malawak yung nararating nung imagination ko.

Ayoko naman na makita nya akong tulala kaya aalis na sana ako

Kaso nang paalis na ako ay hinawakan nya ang kamay ko at may inilagay na maliit na papel bago isinaradong muli ang kamay ko.

Sabay ngiti nya sa akin kaso di na muli ako maloloko nang mukha nyang mukhang maamo pero manloloko naman

Inihagis ko sa mukha nya ang papel na binigay nya sa akin,pero hinigit nito ang aking braso kaya napabalikwas at napalapit muli ako sa kanyang pwesto dahil sobrang lakas nang pwersa nya.

"Take this!I'll wait for you"sabi nya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko na parang ipinapahiwatig na matakot ako at pumunta

Kaya kinuha ko na lamang iyun at inilagay sa bulsa nang pants ko,bago umalis dahil kapag ibinalik ko pa iyun baka mas lalo lamang tumagal ang pagaaway namin

Wala rin naman akong balak na pumunta kung san man yun,pabalik na sana ako nang makasalubong ko ulit ang waiter kanina

"Cute ano? gwapo pala!"

"Kuya may girlfriend yan,kaya wala kang pagasa diyan,tsaka babae lang pinapatulan nyan"masungit kong sabi sa waiter kanina na tumawag sa akin at nagpadala nung order ni Pyan sa akin

"Bakit kilala mo ba siya?don't tell me ikaw yung jowa nyan?"sabi nya"kung alam mo naman yung pangalan nya sabihin mo naman sakin"dugtong nito

"Of course not,di ako papatol sa kanya na napaka sungit tsaka di ko alam pangalan nyan,gusto lang siguro nyang mangulit dito"

"Asungit siya teh?Mukha nga yatang kilala mo eh"

"Oo masungit siya,halata naman sa hitsura nya"

"So kilala mo siya,kaclose mo siya,pede ba ipakilala mo naman ako sa kanya please"

"Sorry,babalik na ako sa trabaho"

Napansin kong hindi yata pumasok si Marga ngayon tsaka si Marco mukhang wala rin.Kaya bumalik na rin ako sa trabaho ko at nang uuwi na ako naalala ko ang binigay ni Pyan na papel kinuha ko ito sa bulsa ko at binasa ang nakasulat sa papel

Sa park magkita tayo
7:30pm dun sa lugar kung
san moko tinuruan,
even you're late
i'll wait. 

"8 o'clock na kaya marahil nagiintay na siya dun"

Pero wag kang pupunta Lexine!

Pero 30minutes na siya dun

Hindi na nga ako pumunta dun bagkus ay umuwi na lang ako.

Pero nang makauwi ako hindi na ako mapalagay dahil ayoko namang magintay siya,ano ba naman kasi at kung ano ano pa yung sasabihin nya

Hindi ako sanay lumabas tuwing gabi lalo na't nakauwi na ako sa bahay kaya nagjacket ako na may hood at isinuot yung hood at nang makarating ako sa park

Sa malayo ay kita ko na siya,doon na nakaupo at magisa lamang habang nakaub-ob sa lamesa

"Pyan ano na naman ba to?tigilan mo na ako,okay?"sabi ko habang nasa tagiliran nya ako

"Lexine?mabuti nandito ka na"sabi nya pagkatunghay nya mula sa oagkakaub-ob

"Ano bang ginagawa mo dito?bakit mo pa ako pinapunta?"tanong habang nanginginig ang labi

"Lexine I just want to say..."sabi nya bago tumayo sa aking harapan

Like my facebook Page:QUEEN Felicity page

Is This Love?Where stories live. Discover now