CHAPTER SEVENTEEN

1 1 0
                                    

Nakita ko si Lerwin na papalapit sakin kaya tumayo na ako para umalis dahil nagugutom na rin naman ako

"Lexine aalis ka na agad?"

"Ahhh oo may kailangan pa kasi akong gawin eh,sigi mauna na ako"

"Lexine pede mo ba akong turuan dito sa isang equation kung paano ito isolve"

"Nako Lerwin pedeng mamayang hapon na lang intayin mo ako sa library 3:00 mamayang hapon"

"Sigi aasahan kita ha"

Umalis na ako at tumungo sa canteen bumili ako nang makakain at dinala yun sa room,habang nakasakay ako sa elevator bumukas yun nang nasa second floor na ako at pumasok si Pyan,walang umiimik sa aming dalawa hanggang nakababa na ako nilingon ko pa siya hanggang magsara na ang pinto nang elevator.

Nang maguwian na sumakay na ako nang elevator at nakasabay ko ulit si Pyan.

"Good luck bukas"bungad ko

"Thank you,good luck din!papasok ka pa ba sa trabaho mo ngayon?"

"Ahh hindi na muna magaaral ako"

"Ahhh wow ang isang matalino na gaya mo kailangan pa palang magreview"

"Oo naman!ano tingin mo saakin ang utak ko kasinlaki nang kay Albert Einstein?na maraming kayang ilagay?"

"Pede rin naman,hatid na kita!"

Hindi na ako umimik pa gusto ko rin naman siyang kasama eh

Sumakay kami sa kotse nya inihatid na nya ako sa bahay namin

"Thank you Pyan!"

"Your Welcome Lexine,mauna na ako,good luck ulit!bye"

Pagkasara ko nang pinto umalis na agad siya tsaka ako naistatwa nang maalala ko na may pangako pala ako kay Lerwin kaya bumalik na lang ako nang school kaso andun yung masungit na guard namin kaya di ako nakapasok,umuwi nalang ulit ako

Nakakahiya yun kay Lerwin nakapangako ako pero diko siya nasipot,nakakahiya yun grabe

Pagkarating ko sa bahay nagreview agad ako,buong gabi akong nagreview nagising nalang ako nang may mabasag sa kusina,dali dali akong lumabas para tingnan yun pero ang nakita ko lamang ay isang pusa na natabig ang isang baso at napatingin ako sa orasan malapit na akong malate konti nalang,kaya imbis na linisin ko ang kalat naghanda agad ako para makapasok

Nang makarating ako sa school tumakbo na ako nang mabilis na mabilis para hindi malate,nang makarating ako sa room nakahibga ako nang maluwag dahil saktong pagkaupo ko sa upuan dumating ang teacher namin.Kaya nakahinga ako nang maluwag ni hindi ko man lang nacheck ang gamit ko if may ballpen ba ako or may papel ba akong magagamit sa pagcocompute.

Hinalukay ko agad ang bag ko pero wala akong nakitang ballpen,napahawak nalang ako sa noo ko at napailing peste naman oh ngayong exam nakalimot pa ako na magdala nang ballpen ganoon ba ako kalutang?

Isang bulsa nalang nang bag ang hindi ko nachecheck kaya dalidali ko iyung binuksan at tama may ballpen nga doon pero hindi yun akin,pero pamilyar ang ballpen na yun,oo nakita ko na yun kay Pyan to pero di naman siguro masama kung hihiramin ko yung ballpen nya,infareness mukhang mamahalin yung ballpen nya

Pero hindi naman pangalan nya ang nakaimprenta sa case noon

Louis Villavega?

Sino yun?may kapatid siguro si Pyan baka kapatid nya yung Louis

"Okay class you may start answering"

Nawala na ang pagiisip ko nang maranig ko ang boses ni maam kaya nagsimula nalang akong magsagot nang matapos ang tatlong subject, recess na hinanap ko agad si Lerwin nagbakasakali akong nasa cafeteria siya pero wala nagpunta ako sa library at tama ako andun nga siya

Is This Love?Where stories live. Discover now