CHAPTER 1

418 13 0
                                    

KEI ARAGON'S POV

MAG-ISA AKONG nasa sala habang nanonood sa TV. Hindi ko maalis ang tingin ko sa pinapanood ko dahil sa taong ini-interview ngayon.

Kahit nasa screen kitang-kita parin kung gaano siya gwapo. Gustong-gusto ko talagang tinititigan ang mga color brown niyang mata na sa paningin ko ay hindi pangkaraniwan.

Sinabi ko sa pinsan ko na pinapanood ko ang interview ni Rust kaya naman mula sa kusina ay nagmamadali itong lumapit sakin. "Ang gwapo niya talaga grabe"sabi niya habang titig na titig din sa mukha ni Rust mula sa screen.

"Sir Rusty, ano po'ng masasabi niyo sa mga taong sumusuporta sa inyo ni miss Chantal bilang magka-loveteam"anya ng reporter na lalaki sa t.v

"Thank you so much for all of your support, I really appreciate it..Love you all!"sagot nito sa reporter habang nakangiti na mas lalo niyang ikinagwapo.

"How about you miss chantal, how are u feeling right now lalo na at magkakaroon na naman kayo ng new project with sir Rusty Fuentabella"tanong pa ng isang reporter na babae.

Ngumiti muna si Chantal at saglit na tumingin kay Rust na ginantihan naman siya ng saglit na ngiti bago ituon ang pansin sa iba.

"Ofcourse i'm happy!"sagot ni Chantal. "We're both happy, dahil matagal na naman kaming magkakasama"

"Congratulations to the both of you"sabi pa ng babaeng reporter. Nagkaingay naman ang mga fans na nasa likod ng mga reporter at mga nagkakagulo para lang makalapit sa kanila pero nakaharang ang mga security guards.

"Thank you!"

"Thank you!"sagot ng dalawa.

"We hope na maging official couple na kayong dalawa dahil madami talaga ang may gusto na magkatuluyan kayo at lahat sila ay inaabangan iyon"anya pa ng isang reporter na babae. Mas lalong Lumabas ang bawat sigawan sa paligid nila.

"We'll see"sagot ni Chantal at kunaway sa mga fans.

Ang ganda niya talaga at hindi na nakakapagtaka kung halos lahat ng mga sumusuporta sa kanila ay gusto silang magkatuluyan.

As far as I know. Kapag sinusuportahan mo ang isang Tao dapat lahat ng tungkol sa kanya ay okay lang sayo pero when it comes to that thing...tungkol sa kanilang dalawa ni Chantal. I don't know pero parang hindi ko gustong sumang-ayon or should I say hindi ako sang-ayon kung magiging sila in the future.

"What if ako ang makatuluyan ni Rust at hindi si Chantal"pabirong sabi ni Saph.

Bahagya napa kunot ang noo hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa naaamoy ko. Nagtatakang tiningnan ako no Saph dahil sa pag-amoy na ginagawa ko.

"Saph, may naamoy ka ba?"tanong ko rito. Napakunot rin ang noo niya.

"Meron, parang amoy...amoy.. Kei yung niluluto ko"sabi nito na dali daling tumakbo papuntang kusina.

"Akala ko ba tapos kana magluto"sigaw ko rito. "Ayan kasi mukang Rusty. Rusty is mine okay, hanap ka nalang ng sayo"biro ko rito.

"No need pwede namang dalawa sila"sigaw rin nito sakin."Pumunta ka na na dito, kakain na tayo"yaya niya.

Tumayo naman ako at pumunta na ng kusina sinilip ko ang mga nakahandang pagkain.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now