CHAPTER 38

137 7 0
                                    

SAPPHIRE'S POV

"Sino yun?"tanong sakin ni Kei, matapos kong ibaba ang tawag sa kabilang linya.

"Si Tiffany, sinabi niya sakin na pumunta daw si Mom sa resto kahapon"sagot ko sa kanya at sinimulang maghanap ng isusuot na damit ko para sa swimming namin mamaya.

"Bakit daw?"

"Gusto lang daw akong makita"

"Guys pahingi naman ng shampoo, wala na pala dito eh"sigaw ni Zeph na nasa banyo pa at naliligo.

Si Kei na ang nag-abot sa kanya dahil tapos na siya magbihis.

Habang namimili parin ako ng isusuot ay biglang may kumatok kaya naman itinigil ko muna ang paghahanap para buksan ang pinto.

Ah Vince, i-ikaw pala"gulat na sabi ko.

Mukhang nagulat pa siya ng makita ako."Yeah ah, uhm--"nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang sasabihin niya."Saph--"

Naisip ko kung naiilang ba siya sa nangyari kagabi.

"Okay ka lang ba?"Agad naman siyang tumango.

Hindi siya mapakali at parang may isinisenyas siya sakin. Sinundan ko naman ng tingin ang tinitingnan niya.

"Oh shit"agad kong tinakpan ang ibabaw ng dibdib ko ng malaman na nakatapis lang pala ako.

"Sorry, I-I uhm"

"No, it's fine"nahihiyang sabi ko.

"I'll just wait you guys, downstairs"sabi niya na humawak pa sa batok niya.

Tumango ako."O-okay, thanks!"

Tumalikod na siya, agad ko namang isinara ang pinto. Napasandal pa ako at napabuntong hininga pakiramdam ko sobrang init at pula ng pisngi ko ngayon.

'Grabe nakakahiya yun'

"Okay ka lang, bakit ka namumula?"tanong ni Kei.

"Ako?"sagot ko. Agad naman akong humarap sa salamin at nakita kong namumula nga ang mukha ko hanggang tenga ko.

'Napansin kaya yun ni Vince kanina?..Sana hindi'

"Sinong kausap mo kanina?"tanong niya ulit."Si Vince ba?"

Umiling ako."Yung staff lang na babae may tinanong lang"pagsisinungaling ko.

"Tara na"sabi ni Zeph ng makalabas galing cr at naka bihis na.

Nagbihis narin ako kaagad at ng matapos ay bumaba narin kami para kumain ng umagahan at maglibot-libot.

Bukas na ang balik namin kaya dapat lang na sulitin na namin ang bakasyon.

Pagkarating namin sa baba ay naabutan namin si Vince na nag-aayos ng mga pagkain sa cottage, lumingon siya samin ng malapit na kami.

"Wow, ang sasarap naman niyan Vince"Si Zeph, na unang umupo.

"Yeah you wanna eat first, before we go to swim"tanong ni Vince.

Ngayon ko lang napansin na mga naka pang swimming silang suot at ako naman ay naka maong na puting short at naka shirt na mahaba ang sa likod at maiksi naman ang nasa unahan.

"Sige mag swimming muna tayo"si Zeph.

"Ikaw Saph, hindi ka ba maliligo sa dagat?"tanong sakin ni Kei.

"Magpapalit muna ako ng damit, nakalimutan ko na maliligo pala tayo. Mauna na kayo"sabi ko sa kanila.

"Let's go"aya ni Vince.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now