CHAPTER 21

139 10 0
                                    

KEI ARAGON

MALL...

"What do you think, which one?"tanong sakin ni Saph habang ipinapakita ang mga napili niyang damit.

"Lahat naman maganda"

"Okay, edi lahat ko bibilhin"sabi pa niya habang nasa harap ng salamin at itinapat sa kanya isa-isa ang mga damit.

"Sure ka babayaran mo?"asar ko sa kanya.

"Pwedeng oo, pwedeng hindi na lang"napailing nalang ako sa sagot niya.

Naghanap din ako ng mga damit na bibilhin ko, ilang araw narin kasi since the last time na namili kami ni Saph and besides kailangan ko narin ng madaming damit pamalit everytime na may taping.

"Oh ito yung sakin"abot ko kay Saph ng mga damit na napili ko."Pakisabay na, thanks!"

"Sige ba"sagot niya bago umalis at lumapit sa counter.

Nang matapos kaming mamili ng mga damit at kung ano-ano pa ay kumain kami saglit sa resto bago umalis.

Hindi kasi kami pwedeng magtagal dahil kailangan naming matulog ng maaga dahil pareho pa kaming may trabaho bukas.

Wala pa kaming maayos na tulog dahil gabi narin kami naka-uwi galing sa resort at alas dose na kami nakarating sa bahay dahil hapon na kami nakapag simula ng shooting.

Nag presinta pa nga ang iba na mag stay in nalang dahil mahirap ng mag byahe ng madilim pero tatlo nalang ang vacant room kaya naisipan nalang na umuwi na ang lahat tutal hindi rin naman ganun kalayo ang byahe mula manila hanggang taytay.

Ngayon ay wala parin kaming maayos na tulog dahil kailangan ko'ng mag memorize ng napakaraming lines at si Saph naman ay may pinagkaka-abalahan na business kaya kailangan niyang maging active.

"Ako na mag da-drive"presinta ko kay Saph ng makarating kami sa parking lot.

"Okay"sabay abot niya sakin ng susi.

Kotse ni Saph ang gamit namin ngayon dahil tinamad akong magmaneho kanina papunta dito.

Nang pareho kaming makasakay ay agad na binuhay ko ang car engine at pina-atras ang kotse.

Hindi pa man tuluyang nakaka-atras ang kotse ay bigla nalang akong napahinto dahil may narinig kaming malakas na tunog mula sa likod.

"What was that?"tanong ni Saph.

"I don't know"sagot ko bago tumingin sa side mirror."What the--"

"Oh my god!"si Saph na nakatingin na sa likuran.

Sabay kaming bumaba ng kotse at parehong pumunta sa likuran, bumaba din naman ang driver ng kotse na nakabangga samin.

"Chantal?"sabi ko at tumingin rin siya sakin ng naka-kunot ang noo.

"Look Kei, what have you done"galit na tonong sabi niya.

'Wow hah siya pa galit eh siya nga may kasalanan'

"Ano po'ng nangyayari dito?"tanong ng security guard ng makalapit samin.

"Can't you see nabangga ang kotse ko"singhal sa kanya ni Chantal.

"Ano, kotse mo lang? eh nabangga rin ang kotse ko"inis na sabi sa kanya ni Saph.

"Pwede naman po niyong pag-usapan ng maayos"sabat ng security guard pero walang pumansin sa kanya.

May ilan na rin ang pinagtitinginan kami at ang iba ay kumukuha Pa ng mga pictures at video.

"So kotse mo pala yan"sagot ni Chantal na tinaasan pa ng kilay si Saph."Well magugulat pa ba ako eh hindi nga naman pala kayang bumili niyan ni Kei"sabay tingin sakin.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now