CHAPTER 6

175 9 0
                                    

SAPPHIRE'S POV

Natatawa ako kay Kei dahil nag-aalala siya about sa feelings ko. Totoo ang sinabi ko sa kanya na hindi ako galit actually totoo nga niyan hindi ko rin alam kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng kahit kaunting inis tungkol sa nangyari ng nakaraan.

Basta ang alam ko lang natutuwa ako, para bang bigla ko'ng naramdaman na hindi naman talaga para sakin ang bagay na yun at ako lang ang naging daan ni Kei sa nangyaring yun.

Ang totoo kasi niyan kaya okay lang sakin ang nangyari dahil hindi naman talaga ako ganun ka-excite na maka-partner si Rust.

Hindi lang naman kasi siya ang crush ko meron pang isa, si Vince. mas gusto ko siya kaysa kay Rust, Sinabi ko na kay Kei ang tungkol dun. Inaasar ko lang talaga siya minsan pagdating kay Rust.

Sikat na artista si Vince tho mas famous nga lang si Rust dahil mas maraming projects siya unlike Vince.

Aaminin ko that time nagulat talaga ako sa nangyari dahil biglaan lang ang lahat pero nang makapag-usap kami ni Kei naging maayos at malinaw na sa akin iyon.

Kaya nga siguro bihirang-bihira kami magkatampuhan ni Kei kasi pareho kaming marunong umintindi, what i mean is pareho naming inuunawa ang isang bagay o pangyayari, hindi kami bigla-bigla nagde-desisyon na magdudulot ng galit o hindi pagkakaunawaan sa isa't-isa.

Lalo na ngayon na wala kaming ibang sasandalan kundi ang isa't-isa dahil malayo kami sa mga magulang namin gusto kasi namin na maging independent sa buhay.

Gusto namin yung tahimik at walang nagdidikta sa bawat ikinikilos namin pero mukang magbabago ang lahat dahil sa pangungulit ko kay Kei na maging artista at sa pagdesisyon niya na pumayag at pumasok sa showbiz..hayst!

Nandito ako ngayon sa mall naglilibot dahil nga boring sa bahay, wala namang pasok dahil weekend. Si Kei naman may ibang lakad.

About nga pala sa hindi ko pagsama, hindi dahil sa tampo or what..bored lang talaga ang pakikipag-usap lalo na kapag hindi mo close though kasama si Rust still ayaw ko parin kahit na gusto ko siyang makita and besides wala naman na akong kinalaman dun.

And I know Kei. Hindi naman siya magpapadala sa emotions niya kahit Pa kaharap niya si Rust.

***

KEI'S POV

Nakaka-inis si Saph hindi ko talaga siya napilit na samahan ako ngayon dito sa meeting place na sinabi ni Barns ayan tuloy mag-isa lang ako dito ngayon habang naka-upo at hinihintay na makarating si Barns di' ko pa rin alam kung kasama ba si Rust o hindi basta sakin okay lang kung wala kasi makaka-kilos ako ng maayos.

Habang naghihintay napatingin ako sa entrance ng coffee shop ng marinig ko ang pagbukas ng pinto dahil sa pagtunong ng Belle chimes.

Nakita ko agad si Barns na palinga-linga at parang may hinahanap kaya naman itinaas ko ang kanang kamay ko at kumaway kaya napansin niya rin agad ako.

Nang makalapit ay pinaupo ko siya agad at nginitian ng saglit."Hello Kei, nice meeting you again girl"medyo maarteng sabi nito.

"Hi Barns, nice meeting you too"bati ko naman sa kanya na pasimpleng tumingin sa entrance."Ahm..ikaw lang?"tanong ko.

"Oo eh may kailangan kasi asikasuhin si Sir Rust pero sabi niya naman sakin na susunod daw siya agad para naman mas makilala ka daw niya"mahabang sagot naman nito.

"I see"Sumenyas ako sa waiter na agad namang lumapit at kinuha ang order namin.

"Uy ako na magbabayad nakakahiya naman sayo"sabi niya ng kukuha na ako ng pera sa wallet ko para bayaran agad ang order namin.

A Fan Girl Turn Into CelebrityOù les histoires vivent. Découvrez maintenant