CHAPTER 30

149 9 0
                                    

SAPH'S POV

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko ng sabihin ni Vince kanina na liligawan niya daw si Kei.

Ayaw ko'ng magalit o mainis dahil lang dun pero hindi ko maiwasang magselos dahil sa ipinapakita ni Vince para kay Kei.

Dapat pala matagal ko ng pinaghandaan na darating sa point na manliligaw na siya kay Kei at hindi ko inaasahan na mangyayari yun ngayon.

"Saph"narinig ko'ng tawag ni Kei sa likuran ko kaya naman nakangiting lumingon ako sa kanya.

"Yup?"

"Okay ka lang?"nag-aalalang tanong niya.

'No, nagseselos ako Kei'

Ngumiti ako at tumango."Oo naman"sagot ko."Bakit ka umalis dun?"

Sumilip muna siya sa dalawa bago ibinalik ang tingin sa akin."Naiilang ako sa kanila, lalo na kay Vince"

"Bakit naman?"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi niya kanina?"

"Ang alin yung liligawan ka daw niya?"sagot ko at natawa.

"Oo, seryoso ba talaga siya sa mga sinasabi niya?"

"Ewan"sabi ko at iniabot sa kanya ang ginawa kong juice at sandwich."Bigay mo kay Vince"

"Ikaw nalang"tanggi niya.

Pumayag naman ako kaya sabay kaming pumunta sa sala.

Naabutan naming abala sa pag-uusap ang dalawa at natigil lang ng napansin kami na papalapit ni Kei.

Ipinatong ko sa tapat ni Vince ang dala ko bago maupo sa tabi ni Rust habang si Kei naman ay nasa kabilang single sofa.

"Thank you!"sabi ni Vince sakin.

"So, tama ba ang sinabi mo kanina Vince na you're going to court Kei"tanong ko.

"Yes, kung okay lang sana"sagot niya.

"No"mahinang sabi ni Rust na narinig ko naman kaya nagtatakang tiningnan ko siya at nagkibit balikat lang.

"Seryoso ka ba Vince"tanong ni Kei na ikinalingon namin."I mean seryoso ka ba na ako ang liligawan mo"turo pa niya sa sarili niya.

"Yes Kei, I hope na okay lang sayo"nakangiting sabi ni Vince.

"P-pero bakit ako, bakit hindi nalang si-- "tumingin siya sakin at umiling naman ako na agad naman niyang nakuha ang ibig ko'ng sabihin."Bakit hindi nalang iba"

Bahagyang natawa si Vince na ikinalingon naming tatlo."Because I like you Kei"

sabi pa niya na mas lalong ikinabagsak ng balikat ko, sa tingin ko hindi ko na kayang makinig pa sa pinag-uusapan nila at isa pa wala naman akong kinalaman sa pinag-uusapan nila kaya naman hindi na siguro ako kailangan pa dito.

Tumayo na ako at para magpa-alam sa kanila."Ahm I excuse myself, m-may gagawin pa kasi ako"sabi ko sa kanila at tumalikod na.

"Wait Saph"rinig ko'ng sabi ni Rust kaya naman nilingon ko siya.

"Kailangan ko naring umalis, sasabay na ako sayo"sabi pa niya kaya naman hinintay ko siya na makapag-paalam sa dalawa.

Nang makalabas kaming pareho ay naisipan kong ihatid siya sa kotse niya."Are you okay?"nagulat ako ng bigla siyang magtanong kaya naman nilingon ko siya.

"Oo naman"pagsisinungaling ko.

"Really? hindi naman halata"naka ngising sabi niya.

"Bakit ka nga pala nag 'no' kanina ng sinabi ni Vince kung pwede siyang manligaw kay Kei?"pag-iiba ko ng usapan.

A Fan Girl Turn Into CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon