CHAPTER 41

142 8 0
                                    

KEI'S POV

Matagal narin magmula ng huling bumisita kami dito ni Saph sa bahay ni lola namin.

"Loa I miss you so much"magkakasunod na yumakap kaming tatlo kay lola.

"I miss you too girls, how are you?"

"Okay naman po"sagot ni Zeph.

"Asaan po si tita Atasha?"tanong ni Saph.

"Nasa taas, anyway Kei. You should go there because your mom wants to talk to you apo, hindi nga lang niya sinabi kung ano ang pag-uusapan niyo"sabi niya.

"Sige po aakyat rin po ako maya-maya"

Matagal-tagal rin kaming nagkamustahan nila lola bago ako nagpasyang puntahan si Mysha sa taas.

Wala akong idea kung tungkol saan ang pag-uusapan namin. Pagka-akyat ko sa taas ay kumatok ako sa pintuan niya at kusa ng pumasok.

"Gusto mo daw ako maka-usap Mysha?"nakangiting sabi ko at patakbong lumapit sa kanya para salubungin siya ng yakap.

"I miss you!"sabi ko.

"I miss you too baby"malambing na sabi niya sakin bago kami pumunta sa terrace at doon maupo.

"About what ang pag-uusapan natin Mysha?"

"Kei I'm sorry?"sabi niya. Nalilito naman akong tumingin sa kanya.

"Para saan po?"

"Ako ang dahilan kung bakit ka na-suspend"

"Paano po'ng ikaw?"

"I talked to Bernardo, and he told me everything about what happened, so I decided to tell him to suspend you even if he don't want to"

"I-I don't get it"naguguluhan paring sabi ko.

"Matagal ko ng kilala ang Director niyong si Bernardo kaya naman sinasabi niya rin sakin kung ano ang mga nangyayari sayo kaya naman ng malaman ko ang tungkol sa ginawang pagbibintang sayo ng anak ni Chariz na si Chantal ay sinabi ko kay Bernardo na e suspend ka niya para naman maisipan mong umalis sa pag-aartista dahil sa nangyari"mahabang paliwanag niya na naging dahilan ng maraming tanong sa isip ko.

"Paano mo po nakilala si direk"

"Ofcourse sikat siya na director and he's my high school friend back then"sagot niya. Kaya pala siguro hanggang ngayon ay may connections sila.

'Ibig bang sabihin...'

"Matagal ng alam ni direk ang tungkol sakin?"

"Yes. Una pa lang ipinaalam na niya sakin ang tungkol sa biglaang pag-aartista mo"Sagot niya na talaga namang ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan ang bagay na yun.

"Pa-paano niyo naman po nakilala ang mama ni Chantal?"tanong ko ulit.

"Isa sila sa mga ka-kompetensya natin sa negosyo Kei"Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Ano naman po ang dahilan niyo bakit gusto niyo akong umalis sa pag-aartista?"Isa pang tanong ko dahil hindi ako makapaniwala na si Mysha ang dahilan kung bakit ako na suspend. All this time wala akong alam na may alam pala siya tungkol sa mga bagay na yun.

"You know it in first hand that me and your father wants you to ran our business Kei, kayong dalawa ng kuya mo"

'Okay here we go again'

"Pero Mysha matagal niyo narin po'ng alam na ayaw ko sa bagay na yun di' ba?"

"Dati yun Kei, nung mas pinili niyo ni Saph ang bumukod para lumayo sa komplikadong bagay, but now there are many people who already knows you lalo na at artista ka na, so what's the point of living a simple life Kei?"

A Fan Girl Turn Into CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon