CHAPTER 26

132 9 0
                                    

KEI'S POV

Dahil sabado ngayon at pareho kaming walang trabaho ni Saph, naisipan naming pumunta sa mall para makapag gala.

Namiss rin naming mag bonding dalawa dahil nitong mga nakaraang araw ay busy kami sa trabaho at bihira narin kaming makapag-usap dahil kapag uuwi ako ay gabi na rin kaya naman minsan tulog na siya kung madatnan ko.

Napag-isipan rin pala naming magsimba bukas dahil sobrang tagal narin pala naming hindi nakaka-punta sa simbahan, ang natatandaan kong huling punta ko sa simbahan ay yung taping pa namin nila Rust.

Bigla ko na naman tuloy naalala yung tungkol sa kiss, sa tingin ko, hindi ko na talaga yun makakalimutan.

Naalala ko nung bata pa lang ako sinabi ko sa sarili ko na kung sino man ang magiging first kiss ko, gusto kong siya na ang magiging asawa ko pero sa tingin ko malabong mangyari yun lalo na at si Rust pa ang taong yun.

Binilisan ko nalang ang pag-aayos at agad na bumaba na, nasa baba narin pala si Saph at nagsasapatos.

"Bakit nag heels ka pa?"tanong ko sa kanya ng makitang takong ang isinusuot niya at three inch pa."Wag ka magrereklamo kapag nanakit yang paa mo sa pag gagala hah"banta ko pa sa kanya.

"Pwede naman bumili ng pamalit eh, tsaka ito yung bagay sa suot ko eh"

"Bahala ka"sabi ko."Ano, kaninong kotse ba ang gagamitin?"

"Sayo nalang ayaw kong mag drive naka heels ako"sabi pa niya na itinaas ng kaunti ang isang paa para ipakita ang suot niya na heels.

Umirap naman ako sa kanya."Sinadya mo talagang mag suot ng ganyan noh para ako ang mag drive"

"Manghuhula kana pala ngayon"biro niya na tumawa pa.

"Tsk tara na"sabi ko at kinuha ang susi sa drawer malapit sa pinto.

Ilang minuto lang at nakarating din kami kaagad sa mall, nag ikot-ikot muna kami sa iba't ibang shop bago pumunta sa boutique na madalas na binibilhan ng gamit ni Saph sa tuwing pupunta kami dito.

Matapos nun ay naisipan naming hindi nalang sa mall mag lunch kaya naman pumunta kami sa restaurant kung saan nagtatrabaho si Saph.

Siyanga pala monday to friday lang pasok ni Saph but it doesn't mean na ito lang din ang araw na bukas ang restaurant, dahil everyday open ito. Except holiday's

Agad na pumasok kami sa loob para maghanap ng pwedeng puwestuhan, hindi naman ganun kadami ang tao kaya naman may mga available seats pa.

"Waaahh Kei"nagulat ako dahil sa biglang pagsulpot ni Scinna sa harapan namin ni Saph at agad akong niyakap.

May iba tuloy na pinatitinginan na kami at ang iba ay kumukuha na ng picture.

Si Scinna ang kaibigan namin ni Saph dito kung natatandaan niyo pa ay ipinakilala ko na siya sa inyo noon.

"Scinna kamusta na?"tanong ko dito ng kumawala ito sa pagkakayakap sakin.

"Okay lang, grabe na-miss kita. Tagal din nating hindi nagkita eh"

"Sorry naging busy rin kasi ako sa work eh, alam mo na"

"Oo nga eh, artista kana ngayon grabe, lalo ka tuloy gumanda!"natutuwang sabi pa niya.

"Syempre mag pinsan yata kami noh"sabat ni Saph.

"Tara Scinna sabay kana samin mag lunch para makapag kwentuhan tayo"yaya ko sa kanya.

"Sige puntahan ko nalang kayo tapusin ko lang yung ginagawa ko tapos magpapaalam ako kay ma'am Tiffany"tukoy niya sa manager nitong resto.

Agad na umalis siya sa harap namin at pumunta naman kami sa vacant seat ni Saph at naupo.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now