CHAPTER 34

136 6 0
                                    

ZEPHARA SIMSON

Grabe hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga pinagsasabi nila Kei at Saph sakin.

Ilang buwan lang akong nawala tapos ganon na kaagad ang mga nangyari, kung sa bagay hindi mo naman masasabi kung ano ang mga mangyayari sa mga susunod na araw.

Parang dati lang mga bata pa kami tapos ngayon may mga sarili na kaming trabaho, hindi ko nga inakala na malayo na ang mararating ni Kei.

Kaya lang naman ako umuuwi sa amin para tulungan ang mga magulang ko na mag manage ng business namin sa Cebu. Dahil ako na ang papalit na CEO, kaya naman dapat alam ko na ang mga gagawin ko. Isa pa wala namang ibang magmamana ng kompanya kung hindi ako dahil wala naman akong kapatid kaya nga sila Kei na ang nakakasama ko ever since, parang kapatid narin ang turingan namin sa isa't-isa.

Hindi ko rin alam kung kailan ulit ang balik ko sa Cebu, basta ang alam ko ay saglit lang dapat ako dito. Mabuti na nga lang at pinayagan pa ako ng parents ko na bumalik dito.

Hindi ko parin sinasabi kila Kei ang tungkol sa bagay na iyon, dahil baka malungkot sila kapag nalaman nila na saglit lang ako dito, siguro mga ilang linggo lang.

Sobrang natuwa talaga ako ng malaman ko na makakasama namin si Vince sa outing namin.

Grabe parang kailan lang pinapanood lang namin siya noon sa TV tapos ngayon makakasama ko na rin katulad nila Saph at Kei.

Nasa sala kami ngayon habang hinihintay ang pagdating ni Vince.

"Grabe sobrang na e-excite talaga ako sa bonding natin, lalo na kasama pa natin si Vince"natutuwang sabi ko sa kanila.

"Hay nako Zeph, kung excited ka ay may mas excited sayo..tingnan mo yung isa diyan"sabi ni Kei na inginuso pa sakin si Saph na nasa pintuan at panay ang silip sa labas.

"Uy hindi ka na ba makapag hintay"biro ko kay Saph kaya napalingon siya.

"Sabi niya kasi malapit na siya"sakto namang naka rinig kami ng busina sa labas kaya naman alam na namin na nasa labas na si Vince.

lumabas si Saph para siguro salubungin si Vince.

"Grabe gustong-gusto niya talaga si Vince"sabi ko kay Kei, habang inilalagay namin malapit sa pinto ang mga gamit.

"I know right"sagot niya.

"Hey girls, sorry I'm late"

"Hi Vince, ok lang!"sagot ko.

"So let's go"aya niya kaya naman binuhat na namin ang mga gamit at lumabas na kami.

'It'll gonna be a nice trip..'

'I'm so damn excited'

'Lezzgo'

***

SAPH'S POV

Habang nasa biyahe kami ay panay ang tinigin ko sa labas dahil namiss ko rin na mag gala.

Simula kasi ng magtrabaho kami ni Kei ay hindi narin kami nakakapunta sa kung saan-saan.

Naisipan namin na sa Isla verde nalang sa batangas kami pumunta, medyo malayo rin ang biyahe pero sulit narin dahil balak namin na mag over night dun. Noong una ay napag planuhan namin na sa boracay nalang sana pero baka matagalan pa at isa pa kailangan pa naming mag book ng flight at masyadong magastos pa kapag dun kami.

"Mabuti naman Vince at pumayag ka na sumama"sabi ni Zeph.

"I have no plans for today and maybe till tomorrow, so yeah"

"Ah okay!"

Tahimik lang kaming lahat habang nasa biyahe, habang si Zeph naman ay walang tigil sa pagkuha ng litrato sa bawat madadaanan namin.

A Fan Girl Turn Into CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon