CHAPTER 3

192 11 0
                                    


KEI'S POV

Matapos ang naganap na usapan namin ni Saph tungkol sa pagsali ay nagdecide ako na pumayag na, pero sinabi ko'ng siya nalang ang sumali and sasamahan ko nalang siya.

Noong una ay nag back out narin siya dahil gusto niya na pati daw ako ay kasali pero pinilit ko siyang sumali kahit na wala ako dahil alam ko naman na gustong-gusto niya talaga ang pag-aartista.

Dumaan ang lunes at biyernes na hindi muna namin pinag-uusapan ang tungkol dun dahil ang maging siya ay pinag-iisipan pang mabuti.

Ngayon ay sabado at ngayon din ang huling araw ng pag-o-audition para sa paghahanap ng magiging bagong partner ni Rust at hanggang ngayon ay pinag-uusapan parin namin ni Saph ang tungkol dun.

"Ano ba talaga kasing desisyon mo"ilang beses ko ng inulit sa kanya.

Nasa sala kami ngayon at katatapos lang namin mag-umagahan. Inagahan talaga namin dahil nga sa audition hanggang alas diyes lang ang oras na pwedeng sumali at kapag nakalagpas na dun ay hindi na pwedeng humabol.

"Sige na nga pumunta na tayo, wala naman sigurong mawawala kung susubukan di' ba"desididong sagot niya pa.

"Edi tara na baka ma-late pa tayo, bahala ka ikaw rin baka di ka maka abot sayang naman"may pananakot na sabi ko.

Tumayo naman kami pareho at nagsimula ng maghanda para sa pag-alis namin medyo malayo rin kasi ang lugar na'yon at mabuti na lang ay napapayag kong gumamit ng sasakyan si Saph.

Mahirap kasi ang byahe tuwing weekends dahil marami ang lumalabas kaya traffic kapag ganitong araw mahirap mag commute, baka magsiksikan pa sa mga public vehicle.

After kong maligo ay pumili na ako ng isusuot na damit, natagalan pa ako sa pamimili dahil hindi ko alam kung ano ang angkop na isusuot papunta roon, pero naisip ko hindi nga pala ako kasali sa mag-o-audition kaya mas pinili ko ang simpleng damit iyong yellow na longsleeve, black pants at high cut na sapatos na kulay puti.

Pagkalabas ko nang kwarto ay dumiretso muna ako sa kwarto ni Saph. Nasa tigkabilang dulo kasi ang kwarto namin, nasa kanan ang akin habang nasa kaliwa naman ang kanya at nasa gitna naman ang isa pang kwarto, bakante ito ngayon dahil wala ang kaibigan namin na si Zeph, siya ang nakakasama namin ni Saph dito sa bahay tuwing uuwi siya at siya lang ang gumagamit ng kwartong iyon, nasa pamilya niya siya ngayon sa Cebu at hindi pa namin alam kung kelan siya ulit babalik.

"Ano ready ka na ba"tanong ko sa kanya ng makapasok ako sa kwarto niya.

Nag-aayos pa siya ng buhok at ikinukulot iyon ng kaunti, maganda ang buhok ni Saph kaya bagay kahit na anong ayos sa kanya.

"Hindi pa nga eh, iniisip ko kung ano ang isusuot ko"sabi niya habang nasa salamin naka tingin. Umupo naman ako sa kama niya at tiningnan ang mga pagpipilian niyang damit.

"Ito nalang ang isuot mo para mas makagalaw ka ng maayos at mas babagay ito sa style ng buhok mo ngayon"Ipinakita ko sa kanya ang sleeveless na bistida, kulay asul at hanggang tuhod niya ang haba nito.

"Okay"tumayo na siya at pumasok sa banyo para magbihis lumabas naman na ako at hinintay nalang siya sa baba sa sala. Maya-maya lang din ay bumaba narin siya.

"Lezgo"sabi niya pagkababa.

"You look gorgeous"papuri ko sa kanya. umikot naman siya at ipinakita ang kanyang kabuuan.

"Well kaya nga tayo magpinsan eh, dahil maganda ang lahi"nagyayabang niya pang sabi.

"Psh mas maganda parin ako"biro ko sa kanya na ikinairap niya.

"Whatever"lumabas na kami at dumiretso na sa kotse, this time ang kotse ko naman ang gagamitin kaya natuwa si Saph dahil hindi siya ang magmamaneho.

"Medyo kinakabahan ako ngayon"sabi niya ng makasakay kaming pareho at pinaandar ko na ito.

"Bakit ka naman kakabahan for sure mapipili ka, aarte pa ba naman si Rust sa beauty mo"sabi ko na ikinatawa naming pareho."Pero kung hindi ka man mapipili atleast di' ba nakita mo siya"dagdag ko pa.

"Hayst bahala na, 'nga pala nagdala ako ng katinko"kinuha niya sa shoulder bag niya at ipinakita sakin. Nagtataka ko naman siyang tiningnan na ngayon ay natatawa pa siya.

"Para san naman yan?"taka paring tanong ko pero nasa daan na ang tingin.

"Para kapag pina-iyak mabilis akong iiyak"at humagalpak siya ng tawa.

"Baka hindi ka pa natatanggap napagalitan kana"

"Joke lang! Ayaw ko'ng mapahiya sa harap ni Rust"

Nang makarating kami ay kakaunti nalang ang mga tao dahil siguro ay patapos narin ang audition mabuti nalang at naka-abot pa kami ni Saph.

"Good morning ma'am! saan po punta nila"tanong ng guard ng makalapit kami dito.

"Ah kuya mag-o-audition po"Sagot ni Saph.

"Kayo po bang dalawa?"

"Ay hindi kuya siya lang po"sabat ko naman.

Ipinalista niya naman ang pangalan naming dalawa ni Saph sa log book at pagkatapos nun ay inihatid kami sa isang lugar kung saan ay may mga naka pila pa na iilan na lang.

Umupo naman kami ni Saph sa bakanteng upuan habang naghihintay.

"Next po"sabi ng babae na lumabas sa kwarto. Tumayo naman ang babae na nasa unahang upuan at pumasok sa loob.

"Kinakabahan talaga ako"hindi mapakali na sabi ni Saph.

"Huwag ka ng kabahan, malapit ka na oh"turo ko pa sa anim na babaeng natitira.

Pinakalma naman ni Saph ang kanyang sarili, lumipas ang ilang minuto at dalawa nalang ang nasa unahan namin mabuti naman at medyo okay na si Saph.

"Next"tawag ulit ng babae.

"Woooohh"pagpapakalma ni Saph sa sarili.

"Wag ka ngang kabahan pati ako kinakabahan sayo eh"suway ko sa kanya.

"Next po"hindi namin namalayan na si Saph na pala ang tinatawag.

"Kaya mo yan"masiglang sabi ko pa sa kanya bago siya pumasok sa loob.

Hinintay ko siya at inabala naman ang sarili ko sa paglalaro ng games sa phone ko. makalipas ang ilang minuto ay nagulat ako sa tili ni Saph ng makalabas siya kaya napatayo ako at sinalubong siya.

"Anong nangyari?"natatarantang tanong ko."

"Omg, tatawag nalang daw sila kung sino ang napili nila"tumitili parin na sabi niya.

Napairap ako at bahagyang hinampas siya sa braso."Akala ko naman natanggap kana"singhal ko sa kanya.

"Atleast hindi ako napagalitan, ginalingan ko kaya sa pag arte ko dun sa loob at..at"bigla siyang tumili. "Ang gwapo ni Rust"tinakpan ko ang bibig niya para tumigil siya sa pag-iingay.

Tinanggal niya naman agad ito."Pweh lasang lotion"sabi niya habang pinupunasan ang bibig niya.

"Ang ingay mo kasi eh tara na nga"hinila ko na siya paalis at nakaka-ilang hakbang pa lang kami ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Hey excuse me"napahinto ako sa paglalakad dahil sa familiar na boses na yun.

Napakunot ang noo ko. Don't tell me...



---

Keep reading Babi..

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE,
COMMENT AND FOLLOW!!

GOD BLESS!!

Thank's a lot 😘

UP NEXT
CHAPTER 4
...

A Fan Girl Turn Into CelebrityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora