CHAPTER 17

145 9 0
                                    

KEI'S POV

Napansin ko kahapon na parang ang tamlay ni Saph pero hindi ko na lang siya tinanong kung may problema ba, hindi naman siya masikreto at kapag may problema naman siya ay ipina-paalam niya sakin.

Baka naman siguro napagod lang siya sa pagga-gala namin, nagulat pa nga ako dahil siya pa ang nagyayang umuwi imbes na ako.

Hindi ko rin inaasahan na makikita namin si Vince kahapon sa mall, kung sa bagay weekend naman kaya malamang ay namasyal rin ang isang yun at nagkataon lang na iisa kami ng pinuntahan.

Nasa sala ako ngayon at nanonood ng TV habang si Saph naman ay nasa kusina at naghuhugas ng plato.

Inilipat ko ang channel sa balita dahil for sure mapapanood ko dun si Chantal, bukas na nga pala ang balik niya at ewan ko ba wala talaga akong nararamdamang excitement.

'Hayst sana naman magkasundo kami dahil kung totoo nga ang sinasabi nila Nikki at Eva about her'

'Please lang pumapatol talaga ako sa kapwa ko maldita'

"Oh si Chantal pala ang nasa balita, anong meron?"tanong ni Saph ng makalapit at umupo sa tabi ko sa mahabang couch.

"Babalik na ulit siya kasi magaling na siya"sagot ko.

"Kailan ba balik niya?"tanong niya habang binubuksan ang cup ng ice cream niya.

"Bukas na"walang ganang sagot ko.

Habang kumakain ay parehas kaming nag focus sa pinapanood.

"Good afternoon miss Chantal kamusta na po kayo ngayon?"

"I'm really fine"

"Nalaman po namin na sa isang araw na po pala ang balik niyo"

"Yes and i'm so excited about that lalo na magkikita narin kami personally ni Kei"

Napansin ko na parang familiar ang lugar kung nasaan siya.

"Sa mall yan ah"sabi ni Saph. Napansin niya rin pala yun.

"Oo nga eh kahapon pa pala yang interview na yan"sabi ko.

"Bakit di' natin siya nakita dun?"

"Ewan ko lang"baka siguro naka-alis na kami ni Saph ng dumating siya ng time na yan.

"Infairness palagi ka nalang sini-singit sa usapan niyang si Chantal huh, atat na yatang makita ka"biro ni Saph.

"Sa tingin mo excited ba talaga yan na makita ako?"

"Hmm..mukha namang oo dahil sa pagkakangiti niya"

"Ngiting aso"dagdag pa niya sabay tawa."Don't tell me naniniwala ka na excited talaga yan na ma-meet ka eh di' ba nga nasabi mo sakin dati na sabi nila Eva at Nikki na maldita yan"mahabang sabi niya.

Nakuwento ko kasi kay Saph dati ang tungkol sa sinabi ng dalawang bakla sakin about kay Chantal kaya alam niya ang tungkol dun.

Matapos naming mag-kwentuhan ay umakyat muna ako sa kwarto para ihanda ang mga gagamitin ko para bukas dahil baka may makalimutan ako for sure maaga na naman bukas.

Nang matapos akong mag-ayos ng gamit na dadalhin bukas ay nag-isip naman ako ng iba pang pagkaka-abalahan pampalipas oras.

Kaya naman naglinis muna ako ng kwarto at iniba ang pwesto ng mga gamit ko simula sa kama, drawer, cabinet, table at kung ano-ano pa.

Pagkatapos ko'ng maglinis ay nagpahinga muna ako saglit bago maligo. Umupo muna ako sa gilid ng kama ko at nag check ng social media account.

Minsan nalang kasi akong mag online dahil busy sa trabaho at kung may free time naman ay naglilinis ako ng bahay parehas kaming abala ni Saph sa trabaho pero hindi naman namin napapabayaan ang paglilinis sa bahay at sa mga gamit namin.

A Fan Girl Turn Into CelebrityWhere stories live. Discover now