CHAPTER 2

230 12 0
                                    

KEI ARAGON

MAAGA akong nagising at nag ayos muna ng sarili bago bumaba. Nadatnan ko si Sapphire na nasa kusina at naghahanda ng breakfast.

"Let's eat"sabi niya at agad na siyang naupo para mag simulang kumain. Sumunod naman ako at naupo sa tapat niya.

"Wow! nice naman sarap ng ulam natin ah"tukoy ko sa nakahain na pininyahang manok.

"Ofcourse ako nagluto eh"nagyayabang na sagot niya. Siniringan ko naman siya bago magsimulang kumain.

Si Saph ang taga-luto dito sa bahay maliban na lang kung wala siya at nasa trabaho, no choice ako kundi ang mag ulam ng mga frozen foods or canned goods. Marunong din naman ako magluto pero mas gusto ko kapag siya ang gumagawa nun. Nakapag tapos kasi si Saph ng kursong culinary kaya tantsado niya na ang pagluluto.

"Tara gala tayo Kei"yaya sakin ni Saph ng matapos kaming kumain at maupo sa sala para manood ng t.v

"Sige, anong oras ba?"masiglang tugon ko pero nasa phone ang paningin.

"Maya-maya mga four, mainit pa sa labas eh"sabi niya"Ano oras pa lang ba?"dagdag na tanong niya pa. Tumingin naman ako sa oras sa phone ko.

"2:15"

Tinapos namin ang palabas na pinapanood namin ni Saph tuwing hapon. Ako naman ay umakyat muna sa kwarto ko para ipahinga ang mata ko bago maligo.

Pagkatapos ko'ng maligo ay naghanap agad ako ng komportableng damit na pangkaraniwan ko'ng isinusuot kapag sa mall lang pupunta. white Crop top, black high waist pants at flat shoes na color tan. Gumamit naman ako ng shoulder bag para ilagay ang ang mga dadalhin ko'ng gamit.

"Kei, tara na baka ma-traffic pa tayo"sigaw ni Saph mula sa baba.

"Oo pababa na"nagmadali na akong suklayin ang buhok at bumaba na. Nasa labas na ng bahay si Saph habang nakasandal sa sasakyan niya at ako nalang ang hinihintay.

"Tagal mo naman"pagkasabi niya nun ay pumasok na siya at binuhay ang makina. pumasok narin ako at naupo sa passenger's seat.

"Himala ginamit mo sasakyan mo"asar ko sa kanya.

Nagsimula na niyang paandarin ang kotse."Sa mall naman tayo pupunta at hindi sa trabaho eh"sagot nito"Oo nga pala"dagdag niya pa."Bakit sakin ka pala sumabay eh meron ka namang sayo"tukoy niya sa kotse ko.

"Sayang gas"

"Tss tamad ka lang mag drive kamo"naiiling na sabi niya pa.

Nag ccommute lang kami ni Saph kapag pumapasok sa trabaho kasi hindi namin ginagamit ang kotse namin and baka kung ano pa ang isipin ng iba.

Bihira lang naman kaming lumabas ni Saph na dala ang sariling kotse kapag pupunta lang sa mall, mag go-grocery at katulad ng pagpunta sa mall.

Pagkarating namin sa mall ay dumiretso kami agad sa isang boutique kung saan karamihan na makikita mo ay mga naggagandahang damit at iba't-ibang accessories na halos lahat ay paborito ni Saph, syempre pati narin ako even though mas hilig ko talaga ang simpleng mga damit at gamit.

"Good morning ma'am"bati samin ng sales lady. Nginitian lang namin ito at dumiretso na sa loob.

"Look kei, tingin mo bagay sakin 'to?"sabi niya habang ipinapakita ang damit na nakapatong sa kanya.

"Tinatanong pa ba yan eh lahat naman ng nandito ay gusto mo"singhal ko sa kanya at ibinaling ko na ang tingin sa mga accessories na narito.

"Oo o hindi lang naman sagot"rinig ko pang sabi niya pero di' ko na siya pinansin at itinuon nalang ang tingin sa iba pang nandito.

A Fan Girl Turn Into CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon